23

122 15 33
                                    

Chapter 23
Begin Again

The storm raged just like how I expected it. The clouds weren't thick enough to hold the rain. Talagang bumuhos ito at nagdala ng delubyo sa mga buhay namin.

"Sorry po." The teenage girl kept on saying sorry while I'm cleaning their mess. I saw how apologetic she was. Gusto niya pa ata siya na ang maglinis.

"It's okay." I smiled to assure her, kinuha ko na rin ang basahan dahil tapos na ako sa table. Iniwan ko na sila roon para kunin ang mop.

"Ako na riyan," Marie, my workmate told me. Kinuha niya ang mop sa akin kaya hinayaan ko na lang siya.

Dahil sa kanya ay napapadali ang trabaho rito sa Milk Tea shop ni Tita. Bumalik na ako sa harap dahil kita ko mula sa glass window ang mga customer na paparating.

Summer job lang talaga dapat 'to. Pero nang malaman ko na August pa ang pasok namin, sinulit ko na habang wala pa akong klase.

My mother didn't force me to do it, I did it wholeheartedly so that I could buy my needs and wants. I know she is still not used to our new life. But she's strong and she handled it well. Ni hindi ko na nga siya nakitang umiyak pagkatapos ng gabing iyon.

My life months ago was different, it wasn't like this. But I have no choice but to adjust to the new life that I have now. It seems that everything restarted and it went out of my control. All I know is that night, my parents threw everything. Their relationship ended that night. Wala na at imposible pa maayos.

Tinapon ng tatay ko ang lahat para lang sa babaeng iyon, at hindi ko alam kung ano ang mayroon siya. Kung bakit naging kulang kami para kay Papa. Baka napunan niya ang mga pagkukulang namin na hindi naman namin alam na masasabi itong pagkukulang.

"Iligpit niyo na ang mga gamit niyo." Mama already noticed my presence. Sinabi niya ang mga salitang iyon na para bang final na, sure na. Hindi agad ako nakagalaw kaya sumigaw siya. "Bilis!"

I flinched at her voice and it made me move faster. Hindi pa agad nagpoproseso sa utak ko ang nangyari. Nakita ko na lang din na umakyat na si Ate Ariana. Kaya naman hawak-hawak ang gown ko, ay tumakbo ako paakyat ng kwarto habang tumutulo ang luha.

I cried and cried as I packed my things. Napaupo ako sa dulo ng kama ko. Alam kong hindi ko ito kaya ngayong gabi, nanginginig pa ang mga kamay ko habang nagtitiklop ng mga damit. Nagulat na lang ako nang marinig na bumukas ang pinto ko.

"Ate, why are you crying?" Kristoff rushed towards me.

I cried so loud that I had to cover my face. Lalong nag-alala si Kristoff kaya niyakap niya ako.

"Shh Ate, no one's going to hurt you." He tried to comfort me.

I wiped my tears and decided to give him a small smile. "Tapusin ko lang 'to ah, isusunod ko 'yung gamit mo. Okay?"

"Tapos na Ate, kaya ko. Kaunti na lang ang liligpitin doon."

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.

"I know everything Ate... I could hear you. I-I heard your sobs these past few weeks. Hindi ko lang alam paano ka lalapitan."

Lalo akong nadurog. He's too young to experience this.

"Sorry..." Tears pooled from my eyes and I couldn't make them stop. Hikbi lang ako nang hikbi habang yakap yakap ako ni Kristoff.

Kristoff waited for me until I packed my things. Umalis din siya agad ng kwarto pagtapos ako paalalahanan na matulog ng huwag umiiyak. He's such a big boy already...

Pero hindi ko nagawa ang bilin niya. I dialed Maxon's number in the middle of the night. Thankfully, he answered.

"Hello, baby ano kailangan mo?" His voice was hoarse, halatang naabala ko ang gising niya.

When Heaven Smiled Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon