07

122 21 4
                                    

Chapter 7
Trust

Trigger Warning: Harassment


"Hoy may kwento ako, 'wag ka maingay ha." Lhaine whispered. Dumikit ako sa kanya para itapat ang tainga ko sa kanyang gawi.

"Ano?" I was starting to whisper too. Baka kasi masyadong private itong ikukwento niya at ayaw niyang marinig ng iba.

"May boyfriend na 'ko." she squeezed my hand out of kilig.

"Na naman?" My brows furrowed in confusion. Sino roon? My head turned to her side. I saw her expression change.

"Gaga, first boyfriend ko pa lang 'to." Her lips formed a downward smile. Parang batang nagtatampo. Hindi mo alam kung matatawa o maiirita siya sa akin.

"Sino?"

"Si John!" she excitedly said. Iginala niya ang mga mata niya sa paligid upang mahagilap ito. "Sayang, pumasok na ng room nila e." she frowned.

Maraming John sa school namin kaya hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya. Pero sa pagkakaalam ko, kapangalan niya ang boyfriend ni Ate Ariana.

"Huy! Kain na tayo gutom na ako." Anyaya ni Genesis na ngayon lang sumulpot. Nakatali na ang buhok niyang nakalugay lang kanina.

Two days of exams were stressful. Pero 'di ko akalaing may dadagdag pa roon. After the last day of the exam, something unexpected happened.

Nagsimula na kaming mag-check ng aming mga papel. Ihahabol na lang daw ang ibang hindi nakapag-take. Nasa separate room sila ngayon.

"Ano'ng score mo?" tanong ni Maxon sa akin. Katatapos lang namin mag-check sa English subject. Lumabas ang aming guro dahil sisilipin niya raw ang nag-e-exam sa kabilang room.

"Forty five over fifty." I told him honestly. Satisfied naman ako sa aking score, doon lang kasi ako sa essay part may mali.

"Kaya sa 'yo ako e." He chuckled.

"Ikaw ba?" I asked him back. Pasimple kong sinusulyapan ang papel niya dahil nasa pangalawang pahina ito. Hindi ko makita ang score.

"Huwag na natin pag-usapan 'yan." He cleared his throat. Pilit niyang nilalayo sa akin ang papel. He accidentally flipped it back to the front page, kaya naman nakita ko ang score.

"Forty eight," I said out loud. "Yabang! Kaya pala ayaw ipakita." kantyaw ko pa sa kanya.

"Alice, ilan ka?" Kinalabit ako ni Lhaine.

"Forty five."

"Okay, thanks maghahanap akong ibang karamay." She tapped my shoulder. Tumayo siya mula kinauupuan at kung sino-sinong kaklase ang dinaldal.

"Babawi ako sa Math." I rolled my eyes at him jokingly.

"Math?" Nanunuyang tanong niya. "Sure ka na ba?" halatang nagyayabang pa talaga.

Oo nga pala, hindi ako para roon.

"E 'di Science!" I stammered.

"Siyempre, sa akin galing ang notes mo." The way he smirked irritated me. It's like he's claiming his victory.

Aba! Sumbatan pala ah.

"Bakit? Parang hindi sa akin galing ang Filipino at TLE mo ah." I arched my brow. Hindi siya nakaimik dahil totoo iyon. "Oh ano? 'Di ba hirap kang mag-memorize ng parte ng manok!"

"Gusto mo next quarter sabay tayo mag-review, para may nagtatanong sa 'yo kung tama inaral mo." Maxon whispered sexily. He even lowered his head just to reach the tip of my ear. "If... gusto mo lang naman. Malay mo ma-perfect ka pa sa lahat."

When Heaven Smiled Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon