PROLOGUE

528 55 72
                                    

What is it like to achieve your dreams?

How does it feel when you finally reach your goals in life?

Ano ba pakiramdam na nakuha mo lahat ng ginusto mo? 'Yung lahat ng pinangarap at pinaghirapan mo natupad na...

'Yan ang tanong na hindi ko nabigyang kasagutan. Hindi ako nabigyan ng pagkakataon sagutin.

Some people have the choice to do what they want because they have the freedom to do so.

And I'm not lucky enough to be one of them.

Was it a choice? Yes.

Am I happy with that choice? I don't know.

All I know is that I was brave to accept the fact that some things are not just for me. It wasn't meant for me.

Do I regret it? I would lie if I said that I didn't regret it.

Because I know I could do better.

I carefully listened with our speaker. Lahat ng napupulot kong aral ay matiyaga kong tinitipa sa aking notes app. Nakatutulong itong teacher's conference na 'to para mas mabigyan kami ng knowledge with our students. Teen sexuality ang topic, timely. This is the second and last day of our seminar. I used this opportunity to learn and relax.

"Ang galing talaga magsalita ni Ms. Legaspi 'no?" bulong sa akin ni Mikee. Kanina nya pa ako kinukulit pero hindi ko lang ito pinapansin.

"'Wag ka ngang magulo." mariing bulong ko kasabay ng matalim na tingin. Siniko ko siya para tigilan niya ang ginagawa. Baka mamaya ay pagtinginan pa kami ng ilang mga guro dito.

"Gutom na ako." bulong nyang muli, sinabayan niya ito ng pag-ingit.

I glared at her once again. Sumakto naman ay tapos na ang speaker sa kanyang closing speech. Nagpalakpakan kaming lahat. Umayos si Mikee ng upo at umiwas sa akin ng kaunti.

Tumayo na ako upang iligpit ang ilang gamit ko gaya ng ballpen pati na rin ang ilang printed materials. Napansin kong tumayo na rin ang ilang tao roon. Some staffs assisted them, nagsimula na rin nilang tipunin ang mga upuan. Mabilis ang kilos nila sa pagpapatong-patong ng mga iyon.

"Let's eat." anyaya ko kay Mikee. Sa totoo lang ay gutom na rin ako. Hindi sapat ang sandwich at juice na ibinigay sa amin para sa buong maghapon. I need a heavy meal.

"Ayun naman pala! 'Kala ko diet ka e." she giggled. I rolled my eyes on her.

"Mikee, payat na ako." pag-papaalala ko sa kanya. Siya naman ang umirap sa akin ngayon.

"Pahumble, ang sabihin mo sexy!" She laughed so loud. I don't even know what's funny!

Napatingin tuloy ako sa katawan ko ng sandali. Am I really sexy? I shook my head with the thought. Luminga ako sa paligid para tignan kung may nakarinig sa amin. Thank God, wala.

"You're unbelievable Mikee, ang ingay mo! Tara na nga."

She laughed at me again.

Mukha ba akong clown o kulang siya sa tulog?
Naglakad kami patungo sa parking lot ng school na ginampanan ng event. Gusto ko layuan itong kasama ko nang sadyain niyang ipagtama sa sahig ang takong ng sapatos. Lumikha iyon ng ingay at nagtinginan sa gawi namin ang ilang gwapong kalalakihan. Nag-iwas ako ng tingin, umaaktong hindi kakilala si Mikee. She waved her hand at those handsome teachers. Pumasok na ako sa loob ng kotse at umupo sa shotgun seat. Inayos ko ang seatbelt.

"Nakakahiya ka, isusumbong kita sa boyfriend mo." sermon ko sa kanya.

"Where do you want to eat?" she asked me, her eyes were straight on the road. She's clearly dodging my words. Mikee does not like preachy people.

When Heaven Smiled Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon