Chapter 9

1.3K 34 0
                                    

Naduduwal na naman ako Kaya binilisan ko ang pag lakad pa punta sa banyo, ganito talaga ako pag umaga.

5 months na kaming buntis ng kaibigan ko, iisa ang aming OB-GYN.

Hanggang 6 months na lang kami mag work, bibigyan kami ng 5 months leave.
masaya naman  kami ng kaibigan ko sa pag bubuntis namin,kahit hanggang ngayon hindi namin mahagilap ang mga Naka buntis sa amin.

Every week ends nag lalakad kaming dalawa para mag exercise,sabado na naman bukas so mag kikita na naman kami sa isang park.

May malapit na park dito sa aking bahay at doon kami palagi tuma-tambay pag tapos na kami mag lakad- lakad.

Hapon na at malapit na ulit akong uuwi, medyo nahihirapan na ako. pero OK lang, kakayanin ko ito kasi wala naman akong choice Kung hindi mag trabaho hangga't kaya.

Noong nalaman ni mama ang pag bubuntis ko, gusto niyang  pumunta agad dito para bantayan ako.

Hindi ako sumang - ayon sa gusto niya, dahil ayaw ko naman na iwan niya ang kapatid ko.

Ang sinabi ko nalang sa kanya, total 1 month nalang eh mag graduate na ang kapatid ko sa high school. Pagka tapos nalang ng graduation.

Hanggang ngayon pag na aalala namin ang dahilan ng pag bubuntis namin ni Jane ay natatawa kami.

Parehas kaming naka-rengkeng sa isang gabi. Ang masaklap pa niyan parehas na mysteryosong lalaki pa.

5 minutes nalang ay out na namin so nag aayos na ako ng mga gamit ko.

Nilingon ko ang kaibigan ko at nag aayos narin, sabay kasi kami bumababa.

Pag katapos ko nag ayos  ng gamit ko ay lumapit ako sa kanya.Kasalukuyan naman  niyang hinihilot ang kanyang likod.

Minsan   Gan'on din ako, Hirap kasi halos mag hapon na Naka upo. Di bale 1 month nalang hindi na kami mahihirapan dito sa pag upo ng matagal.

"halika na at baka mahirapan na naman tayo sa pag hintay ng masasakyan natin". Sabi ko sa kanya Kaya tumayo na siya saka nag lakad.

Sabay kaming naglalakad papuntang elevator nang mapansin namin ang mga nakaka asar na tingin ng mga  co-workers namin.

"anong tinitingin tingin ninyo diyan?,ang sabihin nyo mga inggetera kayo."  asik ng kaibigan ko sa kanila, ang taray niya talaga ngayong buntis na siya.

"Tama na Yan, hayaan mo na sila. Wala namang maitutulong sa atin ang mga bulok nilang ugali". Sabi ko sabay sway my hair.

Nag bukas na ang elevator at buti nalang wala kaming kasama.

"oh, mauuna na ako sa'yo, mag ingat ka Jane. Wag kang masyadong pa apektado sa mga gano'n na tao". Ngumiti lang siya sabay kaway ng kamay niya.

Kararating ko lang sa bahay ay umupo muna ako sa Salas dahil sa  pagod, isang buwan nalang  ang titiisin ko at mag leave na ako.

Sa sobrang pagod ay hindi ko namalayan na nakatulog  ako sa sala, pag ka gising ko ay agad akong pumunta sa kwarto para mag palit muna ng pang bahay. Mag luluto muna ako ng pang dinner ko.

Pagka baba ko ay tumungo  ako sa aking  kusina, tanging hotdog at itlog nalang ang nakita ko sa refrigerator ko. Agad ko itong niluto at  saka nag timpla ng gatas.

Hindi ako kumakain ng kanin sa gabi, tinapay lang at gatas ang kadalasan Kong kinakain.

Natapos na akong kumain at nabusog naman ako. Manood muna ako Saglit bago matutulog.Maganda ang palabas ngayon Kaya tataposin ko muna.

Napasilip ako sa may orasan at mag 10 pm na Pala, Kaya umakyat na ako sa kwarto ko. Mag hot bath muna ako bago matulog.

Pagka bihis ko ay agad akong nahiga sa kama, dama ko ang pagod ko mag hapon Kaya Nakatulog agad ako.

         

           SHORT UPDATE PO TAYO
            NGAYON, INAANTOK NA
            AKO. GOOD NIGHT EVERY1💙


One Night Stand with  StrangerWhere stories live. Discover now