Chapter 53

1.1K 24 0
                                    

"Mga anak! Bilisan NINYO!. Ma la-late na tayo sa party ng papa ninyo!",natatarantang  Sabi ko sa mga anak ko. Kanina ko pa kasi sila pinapabilis sa pag bihis, Mag- a-alas otso na kasi ng umaga.

Late kami lahat nagising, dahil narin siguro sa pagod namin kahapon.

Pansamantala ko namang tinatawagan ngayon ang secretary ni tey,para malaman  Kung ano na ang nangyayari sa Gaganaping birthday celebration ni tey.

(Ringing)

"Hello Anthony! OK na ba ang lahat??", Tanong ko sa kausap ko sa kabilang linya.

"OK na ma'am, pero parang wala paring sigla si Sir hanggang ngayon. Kayo naman kasi ho, sigurado akong dahil sa hindi niya na kayo makontak. Kaya siya nagkakaganito hanggang ngayon , Alam niyo bang halos lahat kami dito ay natutuod sa inaasal niya pag galit siya."parang naaawa naman ako sa kanila sa nalaman ko.

'Di bale tey! Babawi naman kami sa iyo ngayon!.sabi ko sa sarili ko habang kausap pa ang secretary nito.

" Hayaan mo muna Kuya, pagsabihan mo nalang ang ibang empleyado.Sigurado akong sinusumpong lang 'yang bakulaw ninyong amo. Hindi makakapalag Yan mamaya Kuya, Kaya pag pasensyahan n'yo muna ho."dagdag kong Sabi ulit Kay Anthony.

Samantalang si tey naman ay hindi parin maipinta ang mukha nito sa kanyang kaarawan. Icacancel na Sana n'ya ang celebrasyon, Kaya lang nakakahiya naman sa mga empleyado niya.

Hanggang ngayon ay nagbabakasali parin siyang  matatawagan niya ang mag iina niya, pero kahit ilang beses na niyang idial ang numero ni lene ay hindi niya parin  ito makontak .

"Lene, birthday na birthday ko. Hindi man lang kita makausap uhhhmfff, hindi mo na ba talaga ako pag bibigyan ng pangalawang pagkakataon?", Sabi niya sa kawalan habang Dina-dial parin ang numero ng babae.

Malungkot siyang nakikipag kasiyahan sa mga empleyado, Maya-Maya lang ay may dumating na malaking cake at dalawang naglalakihang karton sa may harapan ng conference room. Dito nila napag desisyonan ganapin ang kaarawan nito dahil malawak naman dito.

Lumapit naman si tey sa cake na 3 layers na may  design na happy birthday papa and Tey2.ayaw niya sanang mag assume pero iisa lang na Tao ang tumatawag sa kanya ng tey2. At si lene lamang ito, hindi na muna niya ginalaw ang cake dahil gusto niyang ilibot muna ang tingin nito sa paligid. Para bang may nag uudyok sa kanya na gawin iyon.

Nung wala siyang makitang lene sa paligid, ay aalis na Sana siya sa harapan ng cake nang may marinig siyang ingay sa loob ng dalawang naglalakihang karton.

Hindi naman siya nag aksayang tignan ito, at inabutan pa talaga agad siya ng kanyang secretary ng gunting Para buksan ang mga ito.

Hindi pa man niya masyadong nalalapitan ang karton ay alam niyang may Tao sa loob nito, hindi siya dinadaya ng pandinig niya. Ang anak niyang babae ang nag iingay sa loob, agad niyang nilapitan ito. At pagkabukas nga niya ito ay ang dalawa niyang anak ang nasa loob ng karton.

Namumula ang kanilang mapuputing pisngi na sanhi ng init  sa loob ng karton.

"PA!!! Bakit late na you buksan ang karton!, it's so mainit pa naman here uhmmffff!." pagmamaktol ng bunso niyang anak habang ang panganay naman niya ay walang imik. Inalalayan niya ang mga anak niya palabas ng karton.

May nag iisa pang karton at may idea na siya Kung sino ang nasa loob. Napangiti naman siya habang nilapitan ang pang huling karton.

"'Wag Kang feeling diyan tey! Buksan mo na ito kung ayaw mong maging lamayan ang birthday mo!!", naiimagine ko na ang mukha ni lene habang sinasabi 'yon haha. Kahit kailan talaga, Amazona.

Binuksan ko nga ito at Namumula rin na mukha ni lene ang tumambad sa akin. Ang Sama ng mga tingin nito, Kaya Inalalayan ko narin siya palabas ng karton.

Pagka labas nito sa karton ay may tugtog akong narinig. It's a birthday song, Masayang nag kakantaan naman  ang mga empleyado ko, Sobrang Saya ko dahil nandito ang mga taong mahahalaga sa akin.

"'Happy birthday papa!!!" maingay na greet sa akin ng bunso ko.

"Happy birthday... Pa--pa", may pag aalinlangang Sabi naman sa akin ng panganay ko. Alam ko, hindi pa siya masyadong sanay Kaya gan'on siya sa akin. Wala namang problema sa akin iyon, ang importante ngayon ay nandito sila sa mahalagang okasyon sa buhay ko.

Lumapit naman si lene Kay tey.

"Happy birthday Mr. Tey2! Sana lahat ng wishes mo ay matupad sa araw ng kaarawan mo.", nakangiting Sabi lene sa akin. Kaya hinapit ko siyang niyakap, Ang bango talaga ng Buhok nito.

Naramdaman ko ang pagyakap din niya sa akin Kaya mas napangiti ako sa inakto niya.

Napuno nang panunukso ang lugar sa amin, hindi ko alam Kong ano ang ibig sabihin nito sa ngayon. Pero hindi nalang muna ako mag aaksaya ng oras Para tanungin si lene. I want to hug her more pero narinig namin ang sigaw ng anak naming babae. Wala kaming nagawa kundi nagkalasan ng yakap.

"Mama!!! Papa!!! Stop na, I'm so hungry na talaga!!." Nag tawanan kaming lahat sa sinabi ni bunso. Kaya sinimulan na namin ang kumain sa mga handa.

          TO BE CONTINUED....

One Night Stand with  StrangerWhere stories live. Discover now