Chapter 34

1.2K 22 3
                                    

Pagkapasok ko sa bahay ay agad Kong tinawag ang pangalan ng anak ko, wala akong narinig na sagot Kaya sa may kusina ako ulit pumunta.

"Mama, Ty, asan kayo??", sigaw Kong tanong pero wala paring sumagot.

Sa taas ulit ako tumungo, ang kwarto naming mag Ina ang una Kong binuksan. Pero wala din akong nadatnan na Tao sa loob.

Sa kwarto ni mama ang sumunod Kong binuksan pero nadismaya ako, Wala din sila dito.

Napaupo ako sa sahig sa FRUSTRASYON, iba't ibang bagay ang naiisip ko na pwedeng mangyari sa hinaharap.lalo na't alam na ng papa ni tey ang about sa anak ko.

Paano kung nakita na niya Pala si Ty,namukhaan niya Kaya?. Napahilamos ako sa mukha ko sa naisip ko.

Hindi ko alam Kong anong gagawin ko.

Nang mahimasmasan ako sa kaiisip ay napag disisyonan kong tawagan si mama.

Baka kasi nasa kapit bahay lang sila ng anak ko,Natatakot na kasi ako ngayon.

(Ringing)

Agad namang sinagot ni mama ang tawag ko Kaya nag tanong agad ako.

"MA, asan kayo ni Ty? Kanina pa ako nag susumigaw dito sa kakahanap sa inyo."usal ko Kay mama sa kabilang linya.

" anak Pasensya na, biglaan kasi ang pag yaya ni Jane sa amin papuntang mall. Gusto daw niyang Ilabas ang mga Bata at kumain narin sa labas", rinig Kong pag papaliwanag ni mama sa akin.

Pagka Sabi ni mama no'n ay boses naman ng kaibigan ko ang narinig Kong nagsalita sa cp.

"Sis, halika na dito. Treat ko bilang pasasalamat narin sa iyo, at Para Maka labas narin ang mga anak natin. Medyo stressed lang ako lately dahil sa nangyari Kay Andrea. Pero OK na ang lahat, Nag papasalamat talaga ako sa taong tumulong sa pagpapagamot  Kay Andrea." napangiti naman ako sa sinabi ng kaibigan ko, Masaya naman ako Para sa inaanak ko.

Hindi ako nag sisi sa lahat ng ginawa ko Para sa Bata. dahil kahit papaano ay nakasama ko si tey ng ilang buwan. Hindi ko alam kung anong  mangyayari, pero kailangan kong harapin ang problemang ito.

Wala pa akong balak na sabihin sa kanya na anak niya si  Ty, hindi naman niya kasi ako makilala. Baka pag Ginawa ko iyon ay Ide-deny niya lang ang anak ko. Ayaw Kong masaktan ang anak ko sa magiging decision ko.

Bahala na nga, Puntahan ko muna sila Jane sa sinasabi nilang restaurant.

Nasa may food court daw sila sa mall, 2nd floor na may pangalan na "Kamayan Restaurant", Sea food na naman. Paborito kasi ni Jane ang sea foods, Kaya naging gusto ko narin ito.
Buti nalang hindi alergy ang anak ko sa gano'n na pag kain.

Hindi na ako nag aksaya ng oras, ang suot ko galing opisina ang damit Kong papunta sa kanila.

Makalipas ng ilang minuto ay Nakarating na ako sa mall,pag apak ko sa loob ay napalingon-lingon ako sa paligid.

Na alala ko pala na nasabi ni Jane na nasa 2nd floor sila Kaya sumakay ako ng elevator pa akyat.

Nang makita ko ang sinabi nilang restaurant ay agad ko silang nakita, nasa may bungad kasi sila ng kainan.

Nakita agad ako ng kaibigan ko Kaya kumaway siya sa akin, Nginitian ko naman siya.

Nang malapit na ako sa kinaroroonan Nila ay napansin na ako ng anak ko, tumakbo siya patungo sa akin saka yinakap ako sa binti.

Yumuko ako Saglit Para halikan siya sa pisngi niya  at napangiti siya sa Ginawa ko.

"naligo ka ba kanina bago pumunta dito?", Tanong ko sa kanya habang hinahaplos ang Buhok niya. Kailangan na talaga niyang magupitan ito.

"Yes mama, si Lola ang nagpaligo sa akin kasi mabagal daw akong maligo."nakasimangot siyang nagsusumbong sa akin na kinangiti ko naman.

Ang cute niya lang kasing sumimangot,Mag kamukha talaga sila ng papa niya.agad Kong niyakap ulit ang anak ko dahil sa sumagi sa isip.

Umupo na kaming dalawa, Masaya kaming kumain at ang ingay pa nga namin haha. Napapatingin ang ibang costumers sa gawi namin. Pero wala kaming pakialam, pasaway lang din talaga kami minsan.

Na miss ko rin kasi ang kaibigan ko, ilang araw siyang hindi pumasok dahil nilagnat ulit si Andrea.

~~~~~~~~~~~
Pauwi na ako ngayon galing opisina, at talaga namang naguguluhan ako ngayon sa nalaman ko kay papa.

Bakit hindi man lang niya sinabi sa akin na may anak na siya?,

Napahilamos ako sa mukha sa nalaman ko, hindi ko alam kung anong dapat Kong maramdaman ngayon.

Talaga namang nalilito ako, hindi ko ma sasabing hindi ako nainis sa nalaman ko tungkol Kay lene. the fact, that someone used her from the past makes me angry.

Dapat sa akin lang siya, at bakit hindi sila mag kasama ng Naka buntis sa kanya.

What really happened to her in the past?, ilang buwan ko na siyang nakakasama at nakaka sex pero wala Pala akong alam tungkol sa kanya.

Why dad investigated her back ground?,at sino namang nag mamagaling na Taong nagsumbong kay papa?.

Shit!!!! ang dami Kong tanong sa isipan ko ngayon, Naguguluhan na talaga ako.

Napatigil ako sa pag iisip nang tumunog ang cp ko. I ang at ko naman ito agad.

"bro, pa uwi kana ba??. Pwede ka bang dumaan sa mall ko at magkikita lang tayo Saglit", Sabi niya na sa akin, na kinainisan ko naman.

"bakit ba bro?, at anong gagawin natin sa mall mo. May mga problems ako sa ngayon, ako'y nalilito na talaga bro". Sagot ko naman sa kanya.

"basta hihintayin kita, may ta tanongin lang ako sayo??", Sabi niya na kina alarma naman ng isip ko.

Binilisan ko naman ang pag mamaneho Para Makarating agad sa mall ng kaibigan ko.

Mayaman naman talaga si Andrei sadyang kuripot lang minsan.

Pagkarating ko sa mall ay agad akong dumeretso sa opisina niya.

Pag bukas ko ng pintuan ay agad Kong nakita siyang naka upo sa kanyang  rolling chair at nakaharap sa laptop niya.

Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo palapit sa akin.

"Upo ka bro,"turo niya sa upuan Kaya umupo naman ako.

" bro, naalala mo ba ang  mga babaeng nakatalik mo 4 years ago?", Tanong niya sa akin.

Sa tinanong niya ay agad akong napapikit para mapabalik tanaw sa nakaraan, iisa lang ang sumagi sa isipan ko, ang babaeng Naka damit ng Red sexy dress sa isang bar no'n. Hindi ko lang talaga maalala ang mukha niya. Medyo tipsy din kasi ako noon. Sa dami nang Maka sex ko before hindi ko na maalala.

Pagmulat ko ng mata ko ay seryusong mukha ng kaibigan ko ang agad na nakita ko.

"bakit mo natanong???", Tanong ko sa kanya.

Tumayo ang kaibigan ko papuntang laptop niya at may ipinakitang litrato ng Bata.

Namawis ang buong katawan ko sa nakikita ko, batang lalaki na kamukha ng-kamukha ko. He's my mini me, napatingin ako ng seryuso sa kaibigan ko hanggang Sa magsalita ulit ito.

"Kanina kasi  paakyat na Sana ako dito, nang may  naireport na batang  nawawala sa may  grocery part ng mall."

"Hindi ko sana pag aaksayan ng oras ang tungkol dito, pero nakuha ng attensyon ko ang batang hawak ng Isa sa employees ko."

"Kamukha mo siya P're, pero nang mahanap nila ang kasama niya ay isang  medyo may edad na babae ang kumuha sa kanya."

"Hindi Kaya anak mo yung batang iyon?,sino naman ang nabuntis mo sa mga nag daang babae sa 'yo."

Mas sumakit ang ulo ko sa sinabi niya, paano nga Kung anak ko yung batang iyon??. Saan ko Kaya siya makikita Para malaman ang sagot sa mga katanungan namin ng kaibigan ko.



    TO BE CONTINUED....









One Night Stand with  StrangerWhere stories live. Discover now