Chapter 61

1K 16 0
                                    

Pagka uwi ko sa bahay ni tey ay hindi parin niya ako iniiwan,ayaw daw niya akong ma pwersa na gumalaw. Kikiligin na Sana ako sa kanya.kaso, minsan may dalawang babae na  pumunta dito sa bahay niya.

Palagi silang nasa Sala,At pag malapit na ako sa kanila ay hindi na sila nagsasalita. Sa pagdududa ko sa kanila ay nagtago ako sa may matagong parte ng hagdan.

"Mas maganda Sana pag sa Beach natin gagawin tey! Maganda nga d'on, kasi malamig at masarap mag..... You know naman, ang ibig Kong sabihin."Rinig Kong sabi ng isang babaeng kasama niya, nakakainis nga dahil ang Ganda ng babae,Kaya napatingin naman ako sa sarili ko.

Ano Kaya pinag - uusapan nila, parang may Mali sa mga narinig ko kanina? tsk!!!. Depungal talaga ang tey2 na ito, Nakiki flirt pa talaga sa mga babaeng mga 'yon. Akala ko ba mahal niya ako at gusto niya nang mabuo kami.ewan ko nalang ang magagawa ko pag hindi ako ang makakatuluyan niya tsk!!!.

Napatayo naman ako sa pinagtataguan ko ng mapansin Kong paalis na ang mga babae.

"See you again tomorrow tey...." maharot na paalam ng babae, at si tey ay labis naman ang pagkangiti niya sa paalis na babae. Kunting-kunti nalang talaga ay iisipin Kong may relasyon sila.

Lumapit ako sa may pintuan at tumikhim ako,  nagulat na napalingon naman si tey sa akin, Kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"kanina ka pa ba diyan honey??",hindi parin makapaniwalang tanong niya sa akin. Uhmff. May tinatago 'ata itong Tao sa akin?.

"ah... Hindi kabababa ko ulit matapos ako uminom kanina ng tubig sa kusina, bakit parang natatakot ka na agad akong nandito??" Madiin Kong tanong sa kanya na ikinasama naman ng mukha nito. Meron talagang Mali ngayon sa taong ito uhmmm.

Sa inis ko ay nag paalam ako sa kanya papuntang kwarto, hindi ko gusto ang takbo ng utak ko ngayon.

After 3 days

Pagkahatid namin sa mga Bata sa eskwelahan nila ay dumeretso kami patungong  kulungan. Gusto ko kasing makita ang babaeng nag pahamak sa aming mag iina dati, wala siyang lusot sa mga kasalanan niyang  nagawa sa amin. Pagka labas nito sa hospital ay hindi na pinalampas ni tey ang araw. Dahil agad niya itong pinakulong.

"Honey... Calm down later OK!. Baka hindi na naman kita maawat mamaya pag magkita na kayo ni Samantha. Don't worry, mabubulok siya sa kulungan. Kaya kausapin mo lang siya mamaya Ok!."hindi ko siya sinagot at nanatili lang akong nakatanaw sa labas. Naiinis parin ako sa kanya. Dahil sa tatlong araw na pag punta ng mga babaeng iyon ay may nararamdaman akong selos.

"Honey...did you hear me??", Tanong niya sa akin, and this time tinignan ko na siya.

"Fucos ka lang sa kalsada at 'wag mo akong tanongin at kausapin ngayon. Baka sa iyo ko maibuntong ang galit ko sa babaeng iyon. So! Stop asking and talking to me!!", pasigaw Kong Sabi sa kanya kasi naaalibadbaran ako sa kanya.

Hindi naman na niya ako kina usap at tinatanong matapos Kong sabihin sa kanya iyon,Kaya mas mapayapa naman ang aming biyahe papuntang presinto.

Pagdating namin doon ay agad siyang bumaba Para pagbuksan ako ng pinto, nakangisi siyang nakatingin sa akin Pagkababa ko. At dahil hindi ko parin siya trip kausapin, ay hindi ko siya Nginitian man lang o kinausap.

Sabay kaming pumasok at nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko, hindi ko na binawi dahil may mga taong nakatingin sa amin.

"Good morning Sir. Wait n'yo nalang dito ang bibisitahin ninyo,palabas na siya,Kaya umupo na muna po kayo."sabi ng isang police sa amin.

Wala pang isang minutong paghihintay namin, ay nasisilayan ko na si Samantha na Palapit sa amin, Naka posas ito ay hawak siya ng isang police.

Pagkarating niya sa pwesto namin ay kita ko sa mga mata niya ang galit sa amin, lalo sa nung mapatingin siya sa akin.

"Kung pumunta lang kayo sa dito Para insultuhin ako, ay pwede na kayong umalis ngayon!!. Wala akong oras makipag usap sa inyo,lalong-lalo na sayo... na babae, Illusyonada!!."Nginitian ko naman siya sa sinabi niya.

"'Di bale ng Illusyonada haha... Atleast nasa akin parin ang taong gusto mong angkinin. Diba dapat ikaw ang mas illusyonada sa ating dalawa? Pasalamat ka nga buhay ka pa matapos ang ginawa mo sa akin!!!. Bitch!!! Diba Sabi ko na dati sayo na' wag ako ang kakalabanin mo... Now. Look, what happened to you haha. Aminin mo na akin lang si tey, Para matapos na ang ka illusyonadahan mo. "sabi ko sa kanya na kinalaki naman ng mga mata nito.

"sige na nga aalis na Kami, total parang nainsulto kana sa mga pinagsasabi ko. Kakaawa ka naman, nakulong kana nga, na bankrupt na din ang kompanya ninyo, dahil sa kawalang  hiyaan mo!!!.... Bye!! And 'till next time again LOSER!!." Sabi ko bago ako tumalikod sa kanya, Alam Kong nakasunod lang sa akin si tey Kaya lumabas na ako sa presinto, pagkarating ko sa kotse at lumabas ang mga luha na kanina pa gustong lumabas. Naluluha ako sa galit sa babaeng iyon, paano nalang Kong hindi ako na buhay sa Ginawa niya?. Ano nalang ang maramdaman ng mga mahal ko sa buhay.

"Don't cry honey... Tahan na at nang makauwi na tayo." niyakap niya ako dahil mas napahikbi pa ako.

Agad akong bumaba pagka uwi namin sa bahay ni tey. Gusto Kong mag Pahinga dahil napagod ang utak ko at katawan ko sa pag iyak at kaiisip kanina.

Mabilis dumaan ang mag hapon kasama ang mga anak ko, si tey ay wala na naman pagka gising ko kanina.

Bago ako Makatulog kinagabihan ay hindi ko alam Kong panaginip ko lang ang mga narinig Kong Sabi ni tey.

"tulog Kana honey, bukas ay pasisiyahin kita at Sana ako'y iyong tanggapin uli sa buhay at puso mo". Ito ang Aking narinig bago ako kinain ng antok.

  TO BE CONTINUED.....





One Night Stand with  StrangerWhere stories live. Discover now