Chapter 25

1.3K 22 0
                                    

Nagmamadali akong tumungo sa condo ni tey, tumawag kasi ulit siya kanina at sinigawan na naman ako.

Palasigaw talaga siya kakainis!!, hindi porket my kasunduan kami ay palagi nalang niya akong sisigawan.

Pangalawang araw ko palang sa kanya ngayong araw  eh nakaka stress na. Sabagay, pag katapos nang ilang buwan ay hindi na ako mag papagamit o tapos na ako sa pagiging alalay niya.

Pagka bukas ng elevator ay hinanap ko na ang numero ng kwarto niya, Sana lang ay OK siya ngayon.

Kahit naman abnormal siya minsan ay kailangan ko din siyang alagaan, hangga't hindi natatapos ang kasunduan namin ay aalagaan ko siya.

Nasa may  tapat na ako ng kanyang condo, Kaya nag doorbell ako. Naghihintay ako na mapag buksan ng pintoan  pero naka ilang pindot na ako ay wala parin.

Wag niyang sabihin na Nakatulog siya, at hindi man lang niya marinig ang tunog ng doorbell niya. Kainis naman!!!, kanina pa ako sa labas pero hanggang ngayon wala pa siya Para pagbuksan ako.

Palakad-lakad ako sa labas at sobra na talaga akong naiinis!!, tinatawagan ko narin kasi siya kanina pa pero hindi niya sinasagot.

"Huling tawag ko na talaga sa kanya ito, Kung hindi pa siya lalabas aalis na  ako", at dinial ko nga ulit ito.

"Hello,sorry Nakatulog kasi ako at hindi ko narinig ang tawag mo. Just stand by there, I'm coming."sabi niya. Kaya medyo gumaan naman ang pakiramdam ko dahil ang akala ko namatay na ito.

At gaya nga nang sinabi niya ay hinintay ko siyang pagbuksan ako. Magilan -Ilan lang na minuto ay bumukas na nga ang pinto.

Si tey na magulo ang Buhok niya at nakadamit parin siya ng suit niya kahapon.

Ano ba Yan hindi man lang nagbihis tsk!!!Alak pa more...

"Come in", Sabi niya Kaya pumasok naman ako agad.

Malinis naman ang condo niya at ang mamahal pa 'ata ng mga gamit nito.nanatili Kong Inilibot ang mata ko at wala akong nakita na kahit picture man lang ng babae, Malay ko ba may asawa na ito at baka niluluko
lang ako.

Hindi ko namalayan ang pag alis ni tey Kaya hinahanap ko siya. May dalawang  kwarto  at may medyo malawak na Sala. at napatungo naman ako sa kusina niya para tignan ito.

Malawak din ang kusina niya at parang hindi 'ata siya nagluluto ng pagkain niya dito.

Matapos Kong makita ang kabuuan ng Sala at kusina niya ay napag isipan ko naman na tignan ang kwarto niya

Hindi naman siya siguro magagalit Kong papasukin ko siya sa kwarto niya.

Nang nasa labas na ako ng kwarto niya, ay pinihit ko  pabukas ang door knob niya Para malaman Kong bukas ito.hindi nga ako nagkamali  bukas  ito. Dahan-dahan ko itong binuksan saka patingin-tingin muna sa loob nito. Ang boring naman ng kwarto niya, panlalaki talaga ang tema nito. Black  ang pintor nya at white naman ang mga gamit niya. Nang mapadako ang mata ko sa kama niya ay black parin ang bed sheet at kumot nito.

pero teka asan siya at Bakit wala namang nakahiga sa kama?.

Pumasok na ako sa loob at umupo na sa kama niya,naliligo siguro siya Kaya wala siya dito sa kama niya.

Nang makarinig ako nang pag bukas ng banyo niya ay agad akong nagtago sa ilalim ng kama niya. Buti nalang hindi ako masyadong mataba Kaya nag kasya ako. At ayon na nga, nakikita at naririnig ko ang bawat pag lakad niya papuntang closet niya.

Shit!! Hindi ako makahinga sa pwesto ko, bilang nanlaki ang mata ko nang  makita ko ang pagka hulog sa sahig ng twalya niya. Shit!!!, naiimagine ko tuloy ang Tey2 niya ngayon na wala ng takip ang ibabang bahagi nang  kanyang katawan

Bawat galaw ng paa niya ay pilit Kong titinignan kahit medyo hindi na talaga ako makahinga sa sikip ng pwesto ko. Nang marinig ko ang pag bukas at pagsara ng pintuan niya ay agad akong lumabas sa kinaroroonan ko.

Pagkalabas ko ay napahilot ako sa batok ko dahil sa sakit.

Palabas na Sana ako sa kwarto nang biglang bumukas ito at si Tey2 na bagong ligo at shave ang naka tayo sa harapan ko.

"So, andito ka lang pala, bakit hindi kita nakita kanina dito?,saan ka pumunta?", Tanong niya ng seryoso, Kaya Para naman akong natataeng ngumiti sa kanya.

"uhhm, nagtago ako sa ilalim ng kama mo, ikaw naman kasi bakit agad ka namang lumabas sa banyo mo. Nauntog pa tuloy ako". Pagsisinungaling ko sa kanya habang  hinihilot ang batok ko.

"I'm so sorry, I don't know that you are here inside. Bakit ba kasi nagtago ka pa eh nakita mo na naman ang lahat sa akin", Sabi niyang nakangisi Kaya feeling ko namumula ako sa hiya.

Epal din itong lalaki na ito, sarap niyang tadyakan tsk!!.

"sige na lumabas na tayo at lulutuin kita ng soup", usal ko saka lumabas agad Para maiba ang usapan.

Tumungo naman ako sa kusina niya, Para tumingin Kong may maluluto man lang na kahit soup Para sa kanya.

Meron naman akong nakita sa isang cabinet niya Kaya agad ko itong niluto, si tey naman ay nanonood sa Sala at paminsan minsan ay tinititigan ko siya.

Kamukha niya talaga ang anak ko, Sana pag time na nilang magkita ay tatanggapin niya si Ty at mapapatawad niya rin ako. Sabi ko habang hinahalo parin ang niluluto ko.

    TO BE CONTINUED......

One Night Stand with  StrangerWhere stories live. Discover now