Chapter 46

1.2K 23 2
                                    

"'Nak bilisan mo maligo, nandito na ang mag make up sayo!!", sigaw ko Kay Ty dahil ang tagal na niya sa banyo.

Dumating na kasi ang mag make up sa anak ko, siya kasi ang nailing mag represent ng school nila  sa gaganaping pageants for elementary edition. Bukas naman ng Gabi Para sa high school.

Napasinghap ako pagkarinig ko sa pag bukas ng banyo, ano ba Yan??? Parang babae kasi Kung maligo.

Pagpasok niya sa kwarto niya ay agad ko siyang sinundan, nakatapis lang siya ng tuwalya sa katawan.

Habang naliligo siya kanina, ay nag prepared na ako ng isusuot niyang pangbahay muna dahil make - up palang naman.

Nung nakabihis na ang anak ko ay ako naman ang pumasok sa banyo Para maligo, Dapat mabango din ako mamaya. Ang bunso naman ay hindi ko pa Isasabay papunta sa event mamaya.

Ssusunod nalang siguro sila ni mama,hanggang hapon lang kami nagtinda kanina dahil sa pageant ngayon.

Marami naman kaming naibenta kanina dahil ang daming costumers, Sabi ng mga kasama ko , ang dami daw turista na bumili.hindi kasi ako masyadong nag stay sa baba kasi busy ako sa pag hahanda ng kakailanganin ni Ty ngayong Gabi, Kaya wala akong alam sa sinasabi nila.

Pag katapos Kong naligo ay pinatuyo ko muna ang Buhok Ko, bago ako nag suot ng pansamantalang damit dahil mag make up din ako.

Kaya ko namang make-upan ang sarili ko Kaya ako nalang gagawa. Sanay na kasi ako dati nung nasa Manila pa ako. Napahinto ako sa naalala ko.

Kumusta na Kaya si Tey??, biglang tanong ko sa kawalan.

Sana Masaya na siya sa buhay niya ngayon, inaamin Kong may pag sisisi akong nararamdaman, Everytime na naaalala ko siya. Kung hindi siguro ako naging duwag  na tanongin ang nararamdaman niya Para sa akin, ay nakaya ko rin naman sigurong sabihin ang tungkol sa mga anak namin.

Pinahid ko ang luhang tumulo sa may pisngi ko, hanggang ngayon ay nangungulila parin ako sa kanya. Pero kasalanan Ko din naman, Kung bakit ganito ako ngayon. Natakot ako sa mga taong hindi naman Sana katakutan. Sana Pala kahit anong nangyari noon ay pinaglaban ko ang karapatan ng anak ko. Kahit hindi na Para sa akin, kundi Para sa mga Bata.

Hindi rin siguro nangungulila ang bunso ko ngayon ng isang ama Kung hindi dahil sa akin.

Imbes na Matapos ako sa paglalagay ng make up sa mukha ko, ay mas naging messy tuloy dahil sa hindi pag tigil ng mga luha ko.

Ano ba Yan! Tama na nga self, Masaya na 'yong Tao Kaya huwag mo nalang siyang alalahanin. Paki usap ko sa sarili ko habang inaayos ang make up ko.

Nung matapos ako ay inilabas ko ang binili ko pa sa online shop galing Manila na dress ko.

Isinuot ko ito at napangiti ako sa naging result nito, hapit na hapit ito sa katawan ko. Nagpaikot-ikot ako sa harapan ng salamin para makita ang kabuuan nito.

Dati kanang maganda at sexy self, Kaya bagay talaga sayo ang damit mo.

Parang tangang Sabi ko sa sarili habang nasisiyahan sa reflection ko sa salamin.

Kaya nga sarap na sarap sa akin dati si tey dahil sa sexy na katawan ko at syempre maganda naman talaga ako. Puri ko ulit sa sarili ko hahahaha.

Nang matapos ako sa lahat ng gusto ko ay bumaba na ako sa anak ko.

Tapos narin siyang naayosan ng mga bakla, Kaya umalis na Kami papuntang venue ng pageants.

Pagdating namin dito ay marami ng mga Taong nakaupo. Confident akong nag lakad patungo sa pwesto ko, iniba kasi nila ang uupuan naming mga parents. Sa may harapan kami uupo Para supportahan ang mga anak namin.

One Night Stand with  StrangerWhere stories live. Discover now