Chapter 37

1.1K 24 2
                                    

Pagdating ko sa harapan ng bahay ay inayos ko muna ang sarili ko bago pumasok sa bahay.

Baka kasi Maagang dumating sila mama galing school.

Pagpasok ko ay wala pa 'ata sila, Kaya pumanhik ako pataas sa kwarto naming mag ina.

Balak ko kasing pagupitan ang anak ko sa isang kilala Kong salon sa mall.

Mahaba na naman kasi ang Buhok niya,parang kailan lang kasi nung pinagupitan ko ulit ang Buhok niya.

Total wala pa naman sila mama, mag liligpit muna ako dito sa kwarto. at Kung may oras pa bago sila darating ay sa Sala narin ang Isusunod ko

Nang matapos akong naligo ay sinimulan ko nang maglinis sa kwarto.

Mabilis akong natapos sa taas Kaya andito na ako sa Sala naglilinis.

Makalipas ang ilang oras sa paglilinis ay dumating na sila mama at Ty.

"Mama, wala po ba kayong work, bakit po nandito na kayo??", Tanong sa akin ni Ty.

"uhhhm", napatingin ako Kay mama kasi hindi ko masabi sa kanya at anak ko na wala na akong trabaho.

"nag absent lang ako 'Nak, pupunta kasi tayo sa mall ngayon." lumapit ako sa kanya tsaka hinawakan ang Buhok niya.

"papagupitan na natin ang hair mo, mahaba na kasi anak. Gusto mo ba' yon??", umupo ako sa harapan niya saka tinatong siya.

"Opo mama, narinig mo ba 'yon Lola, mag mall ulit tayo haha at kasama na natin si mama Yehhey!!!."napangiti naman ako sa naging reaction ng anak ko.

Nang Ibaling ko ang tingin ko Kay mama ay seryosong mukha niya ang sumalubong sa akin.

" Mag usap tayo mamaya. "iyon lang ang tanging sinabi niya bago pumunta sa taas.

Alam ko, nararamdaman ni mama na may problema ako, never niya kasi akong nakita ng umabsent sa trabaho.

Kakausapin ko nalang siya mamaya Pagdating namin.

Gusto ko Masaya ang anak Kong lalabas ngayon, sa tingin ko kasi matatagalan na naman ang pag luwas namin papunta dito pag umuwi na Kami sa probinsya.

Matapos kaming nag bihis at ready na kaming pupunta sa mall, hindi naman kami mahirapan sa pag hintay ng sasakyan papunta do'n.

Masaya si Ty na sinalubong ang malamig na loob ng mall, hawak-hawak namin siya ni mama ang dalawa niyang kamay.

Baka kasi mawala siya sa kulit niya.

Kumain muna kami sa jollibee bago namin siya papagupitan.

Kasalukuyan na siyang nakaupo sa pagupitan,bilib ako sa kanya hindi siya gaya ng ibang Bata na umiiyak pag nagugupitan.

Hinihintay lang namin siyang matapos Para dalhin siya sa palaruan ng mga Bata. Gusto Kong sulitin niya ang ilang araw na pag stay namin dito sa Manila.

Alam ko kasi na pag sa probinsya na kami ay hindi ko siya gaanong mabigyan ng time sa pag mall.

Kailangang Ko ang dobleng pag tipid at pagkayod pag nasa probinsya na Kami.

Ang gwapo talaga ni Ty sa gupit niya ngayon, parehas sila ng papa niya ng gupit.

Kong ikukumpara mo silang dalawa ay wala Kang makikitang kaibahan sa mukha nila. Napangiti naman ako sa sumagi sa isip ko.

Mamimiss ko ang taong 'yon.

Nandito na kami sa palaruan, ito na siguro ang last na gagawin namin bago kami uuwi.

Ang bilis kasi ng oras mag hahapon na naman. Si mama nalang siguro ang sasabihan Kong magrocery habang naglalaro kami ng anak ko.

Sa hindi lingid na kaalaman ni lene ay nakamasid sa kanya si Andrei.

Ngayon ay may sagot na sa kanilang katanungan ng kanyang kaibigan.

So, the mother of the mysterious kid is one of AJERO'S COMPANY employee. Nakita na niya ito ng ilang beses.kung hindi siya nagkakamali ay siya ang babaeng Palaging kasama ng kaibigan niya.

Wait, siya rin 'ata ang minsang sumapal sa akin dito sa mall, kasama ko no' n ang isa sa naging ex ko na si Cassandra.

What the hell!!!, kaibigan niya rin 'ata ang babaeng nagpakilala sa akin na Ina ng anak ko. Na nabuntis ko daw siya 4 years ago. WTF is really going on????.

Kailangang makausap ko si Tey, ito na ang sagot sa mga katanungan niya. Sabi niya habang kinukuhanan niya ito ng litrato ng mag Ina.
















TO BE CONTINUED.....


One Night Stand with  StrangerWhere stories live. Discover now