Chapter 30

1.3K 23 0
                                    

Nang dahil sa nangyari kanina ay sumakit ang ulo ko, gusto Kong mag Pahinga ng maaga mamaya.Ilang minuto nalang ang palilipasin ay out na namin.

Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko ang anak Kong nakaharap sa TV na may hawak na laruan.

Pagkakita niya sa akin ay agad siyang tumakbo papunta sa akin.

Nginitian ko naman siya saka umupo para yakapin siya.

"Mama!!!," usal niya sabay yakap niya sa akin. Kaya hinalikan ko naman ang Buhok niya.mukhang kailangan na naman niyang mag pagupit ng Buhok niya. Bilis kasi humaba ang Buhok ni Ty. Siguro sa sabado ko siya papagupitan  isang barber shop sa mall, doon ko kasi siya pinapagupitan dahil close na ang staffs nila sa anak ko.

Binuhat ko siya patungong Sala Para samahan muna siya sa panonood niya.

Kaya naman Pala ang seryoso niyang nanonood, Isang action na palabas ang pinapanood niya.

Nakipanood naman ako sa anak ko dahil parang maganda naman ang palabas,tungkol ito sa pag kidnap  sa isang Batang lalaki at mama niya.

Hawak sila ng mga parang sindikato kasi may mga takip sa mga mukha nila.

Grave naman itong palabas na ito nakaka intense.

Nakatutok lang kaming mag Ina sa bawat detalye ng palabas, biglang yumakap sa akin ang anak ko dahil sa isang eksena.

Nag babarilan ang mga armado at ang mga kidnappers na kasama ang asawa o Ama ng Bata.

Shit!!!, Pati ako ay nadadala sa mga nangyayari sa palabas.

Hindi parin nila nakikita ang mag Ina dahil itinago sila sa loob ng Bodega.

Kasalukuyan namang nakikipag bakbakan ang iba sa mga tauhan ng mastermind sa mga police at armado sa labas.

Sino naman kaya 'yang mastermind sa pagkikidnap na iyan?. Tanong ko sa sarili ko dahil  nadadala narin ako sa storya.

Ang bidang lalaki naman ay parang may ibang Plano na ginagawa Para sa pagsagip niya sa kanyang mag Ina niya.

Infairness gwapo ang leading man.

Sinusubukan niyang makapasok sa loob ng Bodega pero may mga nakaharang na ibang mga kalaban.

Napatakip ako sa aking mata ng biglang may humablot sa bandang likuran ng lalaki saka tinutukan ng Balisong sa leeg.

Ano ba Yan, ang tanga naman kasi niya!!.

Gigil Kong Sabi sa nangyayari sa palabas, tapos ang mga police at usual marami na namang namatay sa kanila. Samanatalang ang mga bida ay kinakawawa na naman.

Napatingin ako sa gawi ng anak ko, nakatutok talaga siya sa eksenang iyon.

Bakit ba kasi ito pinapanood ng anak ko, ang Bata pa naman niya sa ganitong palabas.

Nagulat ako nang biglang sumigaw ng papa ang anak ko.

Napatingin naman ako sa TV at nakaka lungkot nga ang nangyayari, nagkaharap na ang mastermind at ang bidang lalaki.

Sumisigaw naman ng papa ang batang nakayapos sa may upuan at may takip sa bibig nila ng mama niya.

Wtf!!!, bakit kailangang may eksenang ganito sa palabas na ito?,
Napasigaw pa tuloy ang anak ko.

Nanlaki ang mata ko nang maisip ko ang narinig Kong isinigaw ni Ty kanina.

"Papa", yan ang sigaw niya kanina, habang ang Bata sa palabas ay umiiyak sa  nakikita niyang binubogbog ang papa niya.

Hindi sila tumigil sa pagpapahirap sa bidang lalaki, Kaya panay naman ang sigaw ng asawa niya at anak niya sa nasasaksihan nilang nararanasan ng lalaki.

Hindi ko na Kaya ang mga eksena Kaya kinuha ko ang remote saka pinatay ito.

Biglang umiyak ang anak ko Kaya napatingin ako sa kanya.

"Papa!!!!!", sigaw niya na umiiyak na ito, nagpalabas tuloy si mama sa kusina dahil sa lakas ng iyak  niya.

"anong nangyari?",mabilis na lumalakad si mama papunta sa amin.

"Lola, ang papa ko!!!, kawawa!!!", Nanlaki sa mata ko sa sinabi ng anak ko, yinakap naman ni mama ang anak ko saka pinapatahan niya ito.

Malungkot na napatingin naman  si mama sa akin,kaya napayuko nalang  ako. Hindi ko alam Kung paano ko ka kausapin ngayon ang anak ko, Nang dahil sa isang palabas ay parang mauungkat na ang isang matagal ko nang tinatago sa anak ko.

Lumapit ako kina mama saka niyakap ang anak ko, humihikbi parin ito.

"Tahan na anak,"sabi ko habang hinahagod ang likod nito.

" halika na sa taas at mag linis na tayo ng katawan saka mag usap tayo OK!.." umangat naman ang mukha nito Kaya pinunasan ko ang mga patuloy na humahagos na luha niya.

" Mama, si pa--pa kawawa ka--ni-na". Nauutal niyang usal na nakatitig parin sa akin.

"OK lang si papa anak, don't worry OK!". Tumango naman ito bilang sagot. Kaya binuhat ko naman siya pataas sa kwarto namin.

Nakatulog ang anak  ko na hindi ko Naka usap,napagod siguro sa ka iiyak kanina Kaya agad siyang Nakatulog.

Hinahaplos ko ang Buhok niya habang tinititigan siya.

Don't worry anak balang araw magkikita rin kayo ng papa mo.'wag lang muna sa ngayon, hindi pa kami OK ng papa mong malandi. Bulong ko sa anak ko na natutulog at makalipas nga ng ilang sandali ay nakatulog narin ako.





    TO BE CONTINUED.....




One Night Stand with  StrangerWhere stories live. Discover now