May Multo

1 0 0
                                    

Katatakutan, kababalaghan, hiwaga, hindi maipaliwanag na dahilan, mga bagay na hindi natin nakikita, o sadyang ayaw lang talaga makita. Mga pangyayaring hindi mo inaasahan, mga pangyayaring nakagugulantang, pagtaas ng balahibo, mabilis na pagpapawis. Ang katahimikan ay nabasag nang mapaglarong imahinasyon. At madalas mong maranasan sa tuwing ikaw ay nag-iisa.

Pero sa dami-dami ng puwedeng sisihin bakit sa multo agad? Bakit hindi natin lawakan ang ating pag-iisip sa gantong mga pangyayari. Namatay lang ang ilaw multo na agad? Hindi ba puwedeng may power interuption lang? Oh sadyang nagnanakaw lang ang meralco dahil mas malakas ang konsyumo ng kuryente pag bigla itong namatay at bigla ulit aandar. 

May kakaiba kang tunog na narinig, maaring bumagsak na bagay gawa ng mga kasama mo sa bahay, dahil aminin na natin kahit gaano kaganda ang isang lugar andiyan at andiyan parin ang mga nanghihimasok na mga daga. Ngunit paano kung ang narining mo ay isang tinig na parabagang ika'y tinatawag, aba wag ka matakot kung tinawag ka niyang sa iyong pangalan maging masaya ka at kilala ka niya at maaring kilala mo rin s'ya, medyo hindi lang nakakatuwa kung alam mong namayapa na. Pero ayaw mo nun? Kahit wala na s'ya dapat sa mundong ito ay nakagawa parin s'ya nang pagkakataon upang ikaw ay makausap o matawag man lang. Ika'y dapat magpasalamat at may nakakaalala sa iyo imbis na ikaw ay matakot sa nadinig mo.

Amoy bukas na kandila, sa makabagong panahon sadyang kikilabutan ka, pero ayaw mo noon atleast alam mo ang amoy nang nakabukas na kandila at aware ka na baka may sunog na mangyari at ito ay iyong mapaghahandaan. Bulaklak na 'di mahanap kung saan, baka naman may gusto sa iyo ang iyong bisita at naisipan ka pang dalan ng bulaklak at kaya mo ito naaamoy ay dahil ito ay sariwa pa.

Biglang pagdaan ng anino sa may bintana, sa taas ng araw maaring isang ibon na sadyang mabilis ang iyong naaninag ngunit ang masama pa ay may puti ka ring nakita hindi lang s'ya ganap na anino dahil sa bilis ay para bang naging anino ngunit sigurado ka na may puti ka ring nakita, ngunit hindi matukoy kung ano ito. Sa dami-dami ng iyong maaninag bakit walang kulay pa kundi itim lang at puti. Ah baka sugo ng commercial ng Tide at gusto lang sabihin mo ang tanong na "Gulat ka no?"

Pero ang pinakaayaw mong maramdaman sa malamang ay ang biglang parang may humaplos sa iyo sa ulo habang ikaw ay naliligo. Na sa pagshampoo mo ay hindi mo maimulat ang iyong mata at may biglang dumampi sa balat mo. Aba iba na yan hindi na tuwalya yan. May manyak sa inyong bahay at sa banyo ka pa binobosohan kaya mainam mailagay ang mga cctv. 

Nang dumami ang mga CCTV sa pilipinas ay nabawasan narin ang kuwentong kababalaghan at katatakutan dahil narin ang mga kuwento ay nagiging kuwentong barbero na lamang dahil may ebidensya na sa mga totoong kaganapan sa isang lugar.

Sa makabagong panahon ay hindi na sinisisi ng karamihan ang mga pangyayari sa multo bagkus ay matalino na ang mga tao at sila ay nag-iisip na kung bakit nangyari ang mga kakaibang kaganapan sa kanilang lugar. Ngunit paminsan-minsan ay masaya takutin ang sarili lalo na pag kasama mo ang isang dalagang maganda ang kili-kili. Atleast pag s'ya ay napayakap sa iyo walang amoy na didikit sa damit mo, kundi ang mabangong buhok niya.

What's on my mindWhere stories live. Discover now