I'm afraid

8 0 0
                                    

Natatakot ako sa sarili ko. May time na hindi ko na kilala yung sarili ko tapos napapaquestion nalang me sa sarili ko na ako parin ba to? Nakakatakot isipin na parang ibang tao ka na gawa ng mga nangyayari sa buhay mo.

May time din na natatakot ako sa pwede kong gawin. Hindi sa ibang tao pero kundi sa sarili ko. Lalo na pag inatake ka na naman ng depression shit na yan. Wala talagang pinipiling edad ang depression eh. Pag malungkot ka isa ka madaling mabiktima. Kaya ako nilalabanan ko nalang. Ok lang naman mamatay ako pero hindi ako papakamatay yan lagi ko sinasabi sa sarili ko. In the end lahat naman mamatay una una lang talaga.

Nakakatakot lang kasi isipin kung anung meron bukas. Same na naman ba? Oh may pagbabago? Pag umasa ka naman masasaktan ka lang. So gawa nalang tayo ng changes. Pero nakakatakot kasi andun na ko sa point anytime pede na ko sumuko. Wala narin naman akong pinaglalaban. Kung para sa sarili ko lang, naiisip ko parang ang selfish naman nun. Gagagawa ka ng mga bagay para sa sarili mo lang? Iba parin pag may pinaglalaanan ka eh.

Nakakatakot mabuhay sa earth. Kung sword and magic lang kasi tong mundo na to hindi ako matatakot sa mga kalaban. Kasi enjoy un. Mamatay ka man at least lumaban ka. Hindi kagaya ng nangyayari ngayon. Mga monster ung problem mo. Obstacle naman yung mga pagdadaanan mo. Syempre hindi lahat ng nasa map explored na. Pero di ganto kaboring kung sword and magic type tong earth.

Nakakatakot magmahal. Masaya pero ang sakit lalo na pag binaliwala lang ung effort at love na naibigay mo. Na parang hindi kayo close date na nawala nalang bigla. Sakit eh. Ewan ko ba alam ko naman masasaktan lang ako pinasok ko pa. Minsan kasi talaga ang tigas ng ulo natin eh.. Inuuna pa yung emotion wala namang napapalang maganda.

Nakakatakot di ko parin masulat mga gusto kong isulat. Hindi ko alam kung pano magsisimula. Kahit nakikita kong kaya kong tapusin once na nasimulan ko na eh.

Pano kung I can save people pala through writing tapos di ko parin sinisimulan no? Ung ang dami na nagsuicide kasi sumuko nalang din sila sa buhay. Pero naiisip ko pano ko magbibigay ng payo sa mga ganung tao eh kung ako mismo gusto ko narin sumuko. Salamat siguro sa anime. Iba kasi ung nagiintay ka ng season 2 at pag nagiintay ka ng next episode sa mga on going. Kaya nahilig me sa mga series naun eh di lang anime. Korean/Japanese/Chinese Drama kasi magaganda din ung gawa nila. Mas naappreciate ko pa ung gawa ng iba kesa sa mga gawa ng Pinoy sad. Mejo nakakasulasok narin kasi at iba ung fandom dito satin.

I need to fight this feeling. Kelangan di na ko matakot. Kelangan harapin ko face to face kung anu man ang dadating hanggang sa araw na hindi ko na talaga kaya. Sana may masandalan pa ko.

What's on my mindWhere stories live. Discover now