One of the shortest story is.

1 0 0
                                    

Nakakaiyak, madinig mo lamang ay may kung ano-ano ng ala-ala ang magbabalik sa iyo. Mga ala-alang masarap balikan ngunit masakit alalahanin. Mga ala-ala ng kahapong hindi na natin maibabalik pa. Na minsan nagsabi sa atin na ganto pala kasaya pero tang*** ano ang nagawa mong mali at  napunta ka kinalalagyan mo ngayon. Mga simpleng ala-ala ng kahapong gusto mong balikan upang malaman ang ilang kasagutan matagal ng bumabagabag sayo. Sa pag hampas ng tambol at sa simbals ay nagsenyales narin na tapos na ang kanta.

Oo ang kanta ang isa sa mga pinaka maiksing kwento na napakasarap pakinggan. Maaring ang tinutukoy ng kanta ay hindi ikaw pero may kakaibang hiwaga ito at nakaka-relate ka sa bawat lyrics ng kanta.

Kung may cliche sa mga kanta ay ito ung paulit-ulit nalang na puro patungkol sa pag-ibig o paghihiwalay at pagtatapos ng isang pangyayari,relasyon o pagkakaibigan. Dahil sa bawat kirot na nadudulot ng kantang ito, bawat patak ng luha, ay dahan-dahang naiibsan ang ating kalungkutan na minsan nagiging batayan natin kung tapos na ba ang pakiramdam na iyon once na hindi na tayo maiyak sa kantang iyon.

Hindi naman lahat ng kanta ay nakakaiyak, may mga kanta rin naman ika'y mapapaindak. At sa bawat padyak ay may mga taong humahalakhak, hindi dahil sa ika'y pinagtatawanan kundi dahil may kakaibang hiwagang dala ang musikang pinatutugtog sa may 'di kalayuan.

May mga kanta rin naman patunay ng ating nakaraan, kagaya ng mga lumang kanta na masarap pakinggan dahil sa bawat kwentong nakapaloob sa kahulugan ng kanta ay ang mga ala-ala ng iyong nakaraan na s'yang dahilan kung asan ka man naroroon.

Hindi man nagpatuloy ang  isang banda ngunit may naiwan naman silang musika. Mga kuwento ng kahapon na sa musika mo lang mapapakinggan. Na sa musika mo lang mababalikan.

Siguro kaya sadyang nakaka-relate tayo sa mga kanta ay dahil sa iksi ng mga ito, dama mo naman kung gaano nila ito pinaghirapan dahil mahirap pagkasyahin sa ilang minuto ang isang istorya kaya mabusising inilalatag ang mga nararapat na salita na angkop gamitin upang hindi lang para kaaya-aya pakinggan ngunit madadama mo ang emosyon at maintindihan ang kahulugan nito. 

What's on my mindWhere stories live. Discover now