Best Friend

0 0 0
                                    

I witness a scene where best friend finally fix their problems.
I became friends with this two eversince they attend cosplay convention.

Naging close ko silang dalawa. And'yan yung mga tawagan at kulitan sa phone. Lagi sila magkasama noon, magkaklase din kase sila super close nila at nakakatuwa sila panoorin.

Natambay din kami sa bahay nung isa sa kanila kaya masasabi ko na masaya ang grupo namin noon.

As time goes by this two already graduated to their school and their path together has an end.

Natural naman 'yan satin na maiba na 'yung pagsasama n'yo pagkagraduate eh. Syempre may mga solid pero this two parang may nag-iba. 'Di narin kasi kami gan'on nakakapag-usap gawa ng may kanya-kanya din naman kaming ginagawa sa buhay.

Nagkaroon pala sila ng hidwaan. Akala ko OK sila kasi 'yun 'yung mapapansin mo pag 'di mo masyadong nakakausap ang isang tao.

Sa ilang taong hindi nila pag-uusap ay may nangyari sa kanilang 'di maganda at wala ang isat-isa para tulungan ang isa. Parehas silang napunta sa ilalim ng mga problemang hindi napag-uusapan. Hindi nila naikwento sa isa't-isa ang mga nangyari at wala ang isa para tulungan ang isa.

As a friend after hearing all those confession naguilty din ako. Kasi wala din ako nagawa para matulungan sila that time. Kasi wala din naman ako alam. Hindi naman nila din agad sakin sinabi.

And then na realize ko as I give them my advice is may mga bagay tayong hindi natin kayang sabihin sa bestfriend natin sa family natin sa close friend natin kasi may takot tayo. Takot tayo na mawala sila, takot tayo na hindi nila tayo iaccept after marining ang mga bagay na iyon.

I admit it to them. Even I don't tell things to them, aside from the gusto kong maging Mysterious sa kanila ay may takot din ko na makilala nila ang tunay na ako at hindi nila ako iaccept. I almost confess my side that time kaso may nangyaring hindi inaasahan kaya naudlot ang aking pagkekwento.

Pero tama nga, kasi bago nya sabihin samin ang nangyari sa kanyang hindi maganda ay nauna pa ang ibang tao na hindi nya ganu'n kaclose bago kaming close friend nya.

Umaangal kasi s'ya na ba't sa ibang tao nagopen up 'yung isa eh s'ya tong bestfriend. Kaya naisip ko nga na hirap tayo iopen up 'yung mga mabibigat na bagay na nararansan natin sa taong close natin.

Nagkakaiyakan na kami ng panahong iyon, sayang hindi ko nailabas ang side ko pero masaya parin ako sa nangyari.

May mga clues na hindi na sila close at kataon na naaya ko sila makipagkita at sumama sa bonding ng tropahan, buti nalang nangyari ang araw na 'to at nagkaayos na sila. Wala man ako nagawa noon para sa kanila, wala man ako napansing kakaiba sa samahan nilang dalawa, ang mahalaga ngayon ay nagkaayos na sila.

I also tell them that if they want to have a talk with us or me just say so. After this I learn alot and I'm willing to hear them again. Actually I'm not a good listener inaamin ko. Mabilis kasi ako sumabat or magtanong na sanhi para maiba ang mood at topic. Buti nalang pinipigilan ako ng tropa ko that time so ayon natuto ako makinig muna Hayaan nga naman makapagsalita at matapos n'ya ang kanyang sasabihin dahil pag nahinto 'yan maaring mawala 'yung flow. Ang hirap pa naman kumuha ng lakas upang masabi mo lahat ng gusto mo sabihin.

Ang nangyayari kasi sasabat agad ako or magpapatawa dun sa mga lines na sasabihin nila which is mali lalo na pag serious na 'yung topic.

Pero not bad after I learned how to became a good listener ay nakapagbigay din ako ng efficient na payo para sa kanila.

Masaya ako na nakatulong ako at natuto at the same time.

Maybe next time I will open up myself to them after all I did something extra ordinary today and witness a world that I didn't explore yet. Next time siguro 'di na ko mahihiya sa kanila para ikwento ang side ko.

What's on my mindWhere stories live. Discover now