Pandemya

8 0 0
                                    

Noong Pebrero palang ay madami na ang katuwaan sa sikat at kilalang SNS na Facebook patungkol sa pandemyang ito. May mga meme pa na about sa sakit. Pero hindi inaasahan ng lahat na kakalat ito ng husto sa buong mundo. Ganoon kadelikado ang sakit na ito dahil sa mabilis na paghawa.

Naaalala nyo pa ba ang mga sakuna at trahedya na binigay ng Unang buwan ng taong 2020? Maaaring nakalimutan na ito dahil halos lahat ng tao nakakadanas ng hirap ngayon.

Pero may mga kagandahan din na naidulot ang pandemyang ito sa ating mundo. Isa na dito ang unti-unting pag galing ng ating mundo. Mga karagatang nabawasan ang dumi at mga baybaying nagbigay buhay sa mga pagong at iba pang nilalang na hindi nakakapagparami dahil sa turismo.

Nagkaroon din ng oras ang mga tao sa kani-kanilang pamilya dahil sa kawalan ng trabaho ay mas nakapagbigay sila ng oras dito. Hindi kagandahan pero may naitulong. Napaisip narin ang mga tao na hindi dapat anak lang ng anak. Kung walang plano sa pag-aanak paano nalang kung lumala pa lalo ang pandemyang ito? Hirap na sa pera dahil sa dami ng kailangan pakainin.

Isa ako sa mga taong ayaw na mag-anak sa mundong ito. Dahil hindi naman nakakatulong ang pag-aanak dahil sa dami na ng tao at isa pa ay kailangan ng wakasan ang tradisyon na ang iyong anak ang magtataguyod sa iyo balang araw. Isipin mong mabuti mag-aanak ka lang para maghirap s'ya sayo? Nakakalungkot din kasing isipin na hindi mo mapili ang pamilyang gusto mo kung hindi ka naman adopted.

Ngunit nakakaawa narin ang mga nangyayari dahil sa kakulangan ng trasportasyon noong wala pang pandemya paano nalang ngayon? Grabehan ang mga singilan na sadyang nakakalungkot. Pero kung may Family Planning lang talaga ang lahat ng tao sa ating bansa ay hindi sana tayo makakakita ng mga taong nasa laylayan. Sila kasi ay hirap na nga sa buhay ngunit anak parin ng anak na parang wala lang sa kanila. Nasanay kasi ang Pilipinas sa mga katagang humayo kayo at magparami. Masyado ng outdated ang mga beliefs ngayon at may mga time na hindi na ito nakakatulong.

Isa rin ako sa hindi na naniniwala sa aking relihiyon. Dahil naisip ko na sapilitan lang naman s'yang naipapasa habang bata ka palang. Wala tayong kakayahang mamili ng relihiyon dahil bata palang tayo ay sapilitan na ang pagkakaroon nito.

Sabi nga ng mga 3rd sex ay dapat may kalayaan tayo na piliin kung anong kasarian natin. Bakit hindi rin gawin sa relihiyon? Bilang isang tao sa demokrasyang bansa ay dapat may kakayahan tayo hindi sapilitang ipinapasa ang paniniwala. Kaya nga s'ya isang paniniwala dahil gusto mo itong paniwalaan pero kadugaan naman kung bata ka palang pinipilit na sa'yo ang gantong bagay. 

Bukod pa rito ay isa ang relihiyon sa dahilan kung bakit tayo nagkakabuklod-buklod bukod sa politika. Hindi ba maaring magkasundo ang lahat at sang-ayunan ang isa't isa at sabay-sabay tayong umunlad? Mahirap bang magbago dahil sanay na sa bulok ng sistema na umiiral. Bakit natatakot ang tao sa pagbabago sa simpleng kadahilanang hindi nagawa ng maayos ng ibang bansa? Ganoon ba kababa ang tingin natin sa kapwa Pilipino at kung hindi kaya ng ibang bansa ay hindi rin kaya ng ating bansa? Nakakalungkot lang isipin na ganyan parin ang naiisip ng karamihan ng tao sa Pilipinas.

Kung nasa gobyerno lang talaga ang utilities ay malaki sana ang matutulong nila sa problemang kinakaharap natin ngayon. Na bakit hindi natin gayahin ang China kung saan binlock nila ang youtube at facebook kung saan karamihan ng pinoy ay ginagamit ito. Bakit kamo kailangan natin itong iblock? Simple lang, sa kadahilanang kung tayo ay gagawa ng sarili nating platform kung saan pwede tayo manood ng mga videos at mag-upload o makipagchat kagaya ng sa Facebook at iyon ang gagamitin ng mga Pilipino ay matutulungan tayo nito pababain ang ating buwis na nagpapahirap sa lahat ng tao. Imagine having a revenue sa paggamit ng SNS ay napupunta sa gobyerno edi sana hindi na tayo nagkakaganto sa pagbabayad ng bills at buwis.
Sa sobrang aktibo ng mga Pilipino sa Internet ay sobrang laki ng maitutulong kung gagawin din ito sa ating bansa.

Bakit ang Japan ang unlad kahit maliit ang pera nila? Kasi bukod sa may kahihiyan ang mga tao nila pag nakaupo na sa posisyon ay isa silang producer. Isa kasi yun sa problema sa Pilipinas puro tayo pag-angkat kung saan mas mababa ang value ng ating pera mas mahal nating makukuha ang mga produkto. Unlike na kung tayo ang mismong gumawa mas mura makukuha ng ating mga kapwa Pilipino ang isang produkto. Kaso sa dami ng ating resources ay binebenta lang ito ng palugi sa ibang bansa kagaya ng mga namimina sa ating bansa. Kung sana tayo nalang ang mga gumamit ng yamang iyon ay mas madami natulungan sanang mga tao.

Sa ngayon napapaisip nalang ako na gawa ng tao or imbensyo ng tao ang sakit na kumakalat ngayon sa kadahilanang magkakaroon tayo ng malaking problema pag tumungtong ang populasyon ng tao sa sampung bilyon. Kataka-taka na sadyang kaybilis nitong makapanghawa at pag hindi naagapan ay iyong ikamamatay ang masama pa, hindi mo alam na may sakit ka nakapanghawa ka pa. Kaya kabi-kabila ang hinahaing solusyon ng pamahalan. Bukod sa pagsita ng ginagawa nila, isa ka ba sa nag-isip muna kung paano makakatulong at pano masusugpo ang pagkalat nito?

Sana sa pagkakataong ito ay matuto na ang mga Pilipino na rumespeto at hindi na maging pasaway. At sana ay bawasan narin nila ang plano ng mga anak nila lalo na kung isa sila sa mga nakakaranas ng hirap sa buhay. At sana ay mabawasan narin ang bilang ng mga batang maagang nagkakaanak. Bakit hindi sila magsagawa ng batas kung saan may tamang edad sa pagbubuntis upang masolusyunan ang paglobo ng populasyon at upang hindi narin sila makadanas ng problema habang bata pa sila dahil isa ako sa mga naaawa na ang bata palang nila ay iba na ang kinakaharap nilang problema bukod sa mga tang***** tumira lang at tinakbuhan.

Mukhang tatagal nga ng 2021 ang kinakaharap ng mundo sana sa pagtatapos nito ay madami tayong naging aral at tayo ay magbago na.

What's on my mindحيث تعيش القصص. اكتشف الآن