Six

419 13 0
                                    

Parang insekto si Constantine sa mga sumunod na araw. Kung saan saan sumusulpot at parang langaw na sinusundan ako kapag alam niyang libre ang oras ko. Ilang beses ko na siyang pinagtulakan at tinakasan dahil sa kakulitan niya. I have no time to entertain him because I was focusing on my broken heart and academics. Dumadagdag lang siya sa stress ko. Pero hindi niya maintindihan 'yon!

"Umuwi ka na nga!"

"Ayoko. Nasabi ko na kay Ate Talia na sasamahan kita dito."

Nanlilisik ang tingin ko sa kaniya. Pikon na pikon na ako! He kept pestering me to join him for a movie marathon when all I want is to be alone in my room!

Galit na galit ako ngayon araw dahil nabalitaan kong bagong girlfriend na ni Chad yung kinakalantari niya. Wala pang isang buwan kaming hiwalay! Tangina niya!

"Wala akong panahon sayo, Constantine! Umalis ka na sa bahay! Gusto kong mapag-isa, pwede ba?!" I snapped, my voice sharp with frustration and urgency.

"No."

Pumikit ako ng mariin sa sagot niya. Ang kulit! Walang talab sa kaniya lahat ng masasakit na salitang binabato ko!

"Not when I know that that bastard is the reason why you're like this," Constantine resumed, his voice laced with a mix of bitterness and concern.

His words hit me like a punch to the gut, the truth behind them ringing painfully clear in my ears.  I stiffened. Mabigat ang paghinga ko at masakit ang dibdib ko. I continue glaring at him kahit na may nagbabadya nang luha sa mga mata ko. His jaw clenched but his eyes softened.

"G-Gago ka! Alam mo naman pala, binanggit mo pa!"

Bumuntong hininga siya at marahan akong hinawakan sa siko. I pull my arm back but he didn't let go. Nanghihina ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin. I'm glaring and angry but he's just looking at me softly and indulgently. Handa akong awayin siya at sa itsura niya, mukhang wala siyang balak labanan ako.

"Come here. I'm sorry..."

That made me feel so weak that I let him pull me towards his body. Binalot niya ako ng yakap sa pangalawang pagkakataon simula ng magkita ulit kami. At katulad nung una, nabasa ang damit niya ng luha na bigla nalang umaagos mula sa mga mata ko nang maramdaman ko ang init ng yakap niya.

Bakit siya, ang bilis humingi ng tawad kahit hindi naman siya ang may kasalanan? Bakit sa kaniya, pakiramdam ko sobrang totoo ng mga salita niya? He sounds so sincere even though it wasn't his fault. Samantalang ang hayop na Ex-boyfriend ko, ako pa ang sinisi dahil hindi ko daw napunan ang pangangailangan niya!

"I'm here now, Isla. I'm here with you."

I grab his shirt and clench my hand so tight like I'm holding it for my dear life. My sobs and cries echo in the quiet house. Mabuti na lang at nasa isang business convention si Ate. I hate crying in front of her o kahit marinig niya lang akong umiyak. The last time I did that was when I learned about our parents' death. Since then, I promised to never let her see me weak again. It was one of the limits I set because of... the past events that happened because of her.

"Shh. It's okay...."

I cried for a while and he stayed there. Brushing my hair and caressing my shaking arms and shoulders. Tinulak ko siya matapos kong kumalma. Umatras ako pero malapit pa rin ang distansya namin dahil nasa siko at bewang ko ang mga kamay niya. I can see the wet spot on his army green shirt. Nahihiya ko iyong hinawakan.

"S-Sorry, I ruined your shirt."

"I don't mind." Malambing ang boses niya at hinahanap ng mata niya ang tingin ko.

Taurus (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon