Thirteen

383 14 0
                                    

WARNING: SLIGHTLY MATURED CONTENT AHEAD.
READ ON YOUR OWN RISK
⚠️🔞

───────────────

Everything changed overnight. Akala ko babalik sa dati ang lahat pagtapos ng nangyari sa amin ni Constantine nung araw na 'yon. But the joke's on me, cause nothing went back to normal the next day. He changed. Our situation changed.

Lalo na ang trato sa akin ni Tita Bella.

Limang araw ang lumipas nang imbitahan kami ni Tita, with my sister, magdinner sa labas kasama siya. She wants to have a girl's bonding with us. Pumayag si Ate dahil may kailangan siyang itanong kay Tita. Hinila niya na din ako na sumama kaya wala akong nagawa.

Last thing that I want is to argue with a lawyer. Ang sakit nila sa ulong maging kaaway.

We had a decent dinner and after that, inaya kaming mag late night shopping ni Tita sa mall. Wala namang problema sa akin 'yon basta pumayag si Ate. Siya naman kasi ang gagastos. Pumayag siya. But the thing is, instead of my sister spending for me, it was Tita who was buying me stuff!

"This will look good on you!"

"Uh, Tita. That's a maternity dress..."

Halos mamutla ako sa hawak niyang damit. We are in a luxury brand that sells clothes. She bought a few new dresses and we stumble upon the maternity section. Akala ko may bibilhan lang siya na kakilalang buntis, pero nagulat ako ng itapat niya sa akin ang isa sa mga 'yon!

"But I was right, though. It looks good on you! Right, Talia? Pink suits her pale skin!"

"Sure it is, Tita. I would love to see her wear that."

I almost glare at my sister for obviously teasing me. Nasa likuran siya ni Tita at pinagtatawanan ako! Hindi ko lang siya mairapan dahil nasa gitna namin si Tita at baka akalain na siya ang sinusungitan ko.

"Hindi ba dapat mauna ka? You're older." Asar ko sa kapatid bilang pagbawi.

Nawala ang ngisi niya. Now it's my turn to smirk. Lalo na ng tumango si Tita at humarap kay Ate para sa kanya naman itapat ang maternity dress na gusto niya sanang ipasuot sa akin.

"Oh, yes, darling. You look good in pink as well! I really think you should get married and have a baby after Tammy marries my Constantine!"

Suminghap ako at naubo sa sariling laway. I turn away and cough like I was gonna die. Narinig ko ang halakhak ni Ate na nasundan ng pagtatanong ni Tita kung bakit ganito na lang ang reaksyon ko.

"She was just probably choking on her saliva. Nothing more, Tita. Don't mind her."

Is there any way to change your sister? 'Cause I need that right now!

Pero ano daw? Marry Constantine? That's absurd! Sinasabi ko na nga ba at may mangyayaring ganito. If only he didn't tell Tita about that one time, I won't be in this position! Kung hindi dahil sa kaniya, hindi iisipin ni Tita na kami ang para sa isa't isa!

I'm falling for him. Alam kong gusto ko siya, pero hanggang ngayon ay minumulto pa rin ako ng nakaraan. Minsan na akong niloko at pinagpalit ng taong buong puso kong pinagkatiwalaan at minahal. Paano kung mangyari ulit 'yon? Constantine is a man in every woman's dreams. Maraming may gusto sa kaniya. Mas maganda, mas successful at mas better kesa sa akin. What if he finds someone else in the middle of our relationship? He's more than capable of doing that!

The rest of the shopping was awkward. Parehas kami ni Ate na nape-pressure sa mga sinasabi ni Tita. Si Ate dahil sa edad niya, ako naman ay dahil sa alam ni Tita na may namagitan sa amin ng anak niya.

Taurus (COMPLETE)Where stories live. Discover now