Seventeen

317 9 0
                                    

"Dito ka na ba titira? Dalawang buwan ka nang naglalagi dito. Huwag ka na kayang umuwi ng Manila? Dito ka na lang."

"Sige ba. Basta pasahurin mo ako ng six digits."

I chuckled when I heard him scoffed. Saglit ko siyang sinulyapan. Nakapangalumbaba siya sa harapan ko at pinanonood akong magmasa ng ginagawa kong dough.

Pabiro ko siyang sinabuyan ng harina sa braso. Ang sama ng tingin niya sa akin dahil natamaan ko ang itim niyang dress shirt.

"Stop that! And six digits? Kurakot ka! You're planning to bankrupt me, aren't you?"

Inambahan ko siyang muling wiwisikan ng harina kaya mabilis siyang bumalikwas. I grinned when he glare sharper.

"Hoy, ikaw ang naghire sa akin dito. You offered a high salary! Bakasyon lang ang habol ko dito pero pinagtrabaho mo ako!"

"Para naman kasi may silbi 'yung diploma mo, 'di ba? Hindi ka na nga sumipot sa graduation mo, e!"

Natahimik ako doon. It was a slip of the tongue for sure 'cause he pursed his lips after saying that. He looked at me apologetically when he noticed my silence.

"Sorry. That was a mistake."

"It's fine." Ngumiti ako ng pilit.

Binalik ko ang atensyon sa ginagawa. Naging tahimik sa pagitan namin pero hindi siya umalis sa harapan ko. He knows I need someone to be with, kahit ang presensya niya lang. He's been a big help to me since the first day I stay here.

I'm in Siargao, the place where my family originally came from. Huling punta ko dito ay nung buhay pa ang mga magulang ko. A lot of things changed here. Mas naging civilized at mas dumami ang establishment. Isa na dito ay itong restaurant na pinagtatrabahuhan ko ngayon.

The owner was a childhood friend of mine. Black Monteverde. His family is well-known all over the country, but they prefer a silent life here in Siargao. Hindi sila mahilig sa gathering, and they value their private life very much. Naging malapit lang ang pamilya namin sa pamilya nila dahil nakasundo ni Mama ang Grandmother at mother ni Black. Miyembro sila ng iisang charity noon at doon ko nakilala si Black. It's a charity for abandoned animals. May shelter kaming pinupuntahan noon bago pa man kami lumipat ng Manila.

I met Black again when I ate here at his restaurant. Hindi ko alam na siya ang may-ari. He sat in front of me and he joined me for dinner. We talked and when he learned that I was taking culinary, he offered me a job. Doon ko lang nalaman na sa kanya ang restaurant na 'to. Pumayag ako sa offer niya para lang may pagkaabalahan ako. At para magkaroon ako ng rason para hindi umuwi ng Maynila.

I left that same day. Wala akong sinabihan kung saan ako pupunta, even my sister and my friends. I just left a message that I will go unwind by myself for a while. Dalawang linggo akong out of reach. I met Black on my first week and I worked for him on the second week. Bumalik ako ng Manila after two weeks pero ilang araw lang ako doon. I attended our seminar, then I flew back here to Siargao.

I came back to Manila after I heard about Reka. Hindi ko siya naabutan sa bansa dahil huli ng nakarating sa akin ang balita. I regret leaving. I feel like I was a horrible friend, so I contacted Reka. Pinuntahan ko siya sa ibang bansa at imbis na um-attend ng graduation, sinamahan ko na lang siya doon. Hindi ko pinagsisihan 'yon.

Pagbalik ko ng Pilipinas, dito ako sa Siargao dumeretso. Ate have no idea that I'm here. Basta alam niya lang na nasa isang probinsya ako at nakahanap ako ng trabaho. Sa totoo lang, galit siya sa paglilihim ko pero wala akong pakialam.

I get to decide what to do with my life from now on.

"Is my Pizza finished?"

Umirap ako. Ginawa ba naman kasi akong personal cook! I should be home by now but this man requested a pizza from me. He's taking advantage of our friendship! Well, ayos lang din naman. He's paying me ten thousand for two Pizzas. Hindi na pala ako magrereklamo.

Taurus (COMPLETE)Where stories live. Discover now