Fifteen

381 11 0
                                    

Sa huli, maghapon naming ginawa 'yon kaya hindi ko natapos ang parte sa module ko na dapat matatapos ko ngayon.

"I'm gonna hunt you until the afterlife if I don't finish my module on time. You were a big distraction! Kalahati pa lang ang nagagawa ko. This is due next week!"

"I'm sorry. I'll behave now."

Inirapan ko lang siya. Masuyo niya akong hinila sa braso at inakbayan. Naiirita ako sa kanya pero hinayaan ko pa rin siya. Kahit naman kasi magpumiglas ako ay magpupumilit lang lalo siyang yumakap. He's that stubborn.

"Do you have the list of things we need to buy?" Tanong ko sa kaniya ng makapasok kami sa grocery store.

Gabi na kami nakapunta dahil sa kahayukan ng katabi ko. But I think we benefit more of it dahil walang masyadong tao ngayong oras. It's peaceful here, hindi maingay.

"I have it on my notes. Bumili na din tayo ng pangdagdag sa lahat ng nasa bahay. Para sa susunod na buwan na ulit tayo mamimili."

"Ikaw bahala." Tanging sagot ko.

Kumuha siya ng cart at nagsimula na kaming umikot. Hawak ko ang cellphone niya habang siya ang nagtutulak ng cart namin. He's also holding my bag on his shoulder, making him look funny because it's a woman's bag. Pero kahit suot niya 'yon ay hindi naman siya nagmumukhang bakla. He just looks funny. Lalaking lalaki tapos may lavender colored na bag sa balikat.

"You should get what you need as well. Your body wash, shampoo, pads–"

"Meron pa ako no'n sa bahay. I don't need to buy more."

"What about your stock in my house? You are with me most of the time. Bumili na tayo."

Inabot niya ang brand ng body wash ko at nilagay sa cart namin. He also get a couple bottles of my shampoo, conditioner, pads, and other essentials na nakikita niyang ginagamit ko. Nilagay niya lahat ng 'yon sa cart namin. Taas kilay na pinanood ko lang siya. He's getting my things like I'm gonna live on his house for a year.

"Why don't you just offer me to live with you?" Sinabi ko ng hindi siya huminto sa kabila ng matalim kong tingin. He's too engrossed on getting my stuffs. "Ang dami dami mong kinukuha. It's like you're gonna lock me up for a year."

Mabilis siyang napalingon sa akin. Halos kuminang ang mata niya sa hindi ko malamang dahilan. Tinaasan ko siya ng kilay nang mabilis siyang lumapit sa akin.

"Can I really do that?"

"Do what?" I asked.

Hinawakan niya ang bewang ko at marahan akong hinila. Walang tao sa aisle kaya hinayaan ko lang siya. Nagdikit ang katawan namin dahil sa pagyakap niya sa bewang ko.

"Will you live with me?"

Nginitian ko siya ng matamis.

"No." I flatly declined.

Sumimangot siya at bumitaw. Naiiling na kinuha ko ang hawak niya pang pads at binalik 'yon sa shelf. Binalik ko din ang mga kinuha niyang doble. Isa lang sa bawat produkto ang tinira ko sa cart.

"Why? It'll be fun! I'll make sure you'll like it."

"Still no. Kapag nagsimula na akong magtrabaho, sa bahay na ako uuwi. At kapag kaya ko na, bubukod na ako kay Ate. I'm gonna live on my own."

Hindi siya nakapagsalita. Nang lingunin ko siya, madilim ang mga mata niya at mukha siyang galit. He's not looking at me so I stare longer than usual. Sa gamit kong nasa cart niya ang tingin niya, with his jaws clenched.

Nagkibit balikat na lang ako. Baka may naisip lang siya na problema. There's no reason for him to be suddenly angry just because of what I said. Again, walang kami.

Taurus (COMPLETE)Where stories live. Discover now