Eighteen

317 9 0
                                    

"Ayaw mo na? Anong ayaw mo na, Isla?" Mapanganib niyang tanong.

Nangingilid ang luha ko pero pilit ko 'yong tinatago sa pamamagitan ng matatalim na pagtingin ko sa kaniya.

Nung nakaraan ko pa tinanggap na matatapos din kami. Wala kaming relasyon at wala kaming malinaw na pag-uusap. It was pure physical, but it leads me to fall for him when I shouldn't have. Nahulog ako sa pinakita at pinaramdam niya sa akin. I realized it when it's too late. Ang inis ay napalitan ng pag-aalala. Ang matatalim na salita ay naging matamis. The irritation developed into love.

But this has to stop. Nangako siya sa iba!

"I want out of this, Constantine. Let's stop" Matapang na sambit ko. "Let's part ways."

I fight the quiver in my lips. Parang binabasag ang puso ko sa pagdaan ng kaguluhan at sakit sa mga mata niya. He lick his lips and brush his hair backwards, frustratingly.

"Why? Did I do something wrong? Babe, what's upsetting you?"

"Nothing. I want out of this... Out of your life!"

"What the fuck are you saying?!" Tila kulog ang boses niya na tinangay ng malakas na hangin

Gusto kong mapa-upo sa panghihina. Gusto kong umiyak dahil nasasaktan ako. The lump on my throat is getting bigger and it's getting harder for me to speak. Gusto ko siyang yakapin at humingi ng tawad sa bigla kong pag-alis. I just wanna go back to what we used to be.

"Please, just let me out of this."

"Bakit, nagsasawa ka na sa akin? Ganon ba, Isla?" Mapait siyang natawa. "Am I not good enough for you?"

I want to say no. Gusto kong sabihin ang totoo na mahal ko na siya at ayokong magkalayo kaming dalawa. I want him. I need him! Masakit sa akin na bitawan siya pero mas masasaktan ako kung magpapatuloy kami tapos ipapakasal siya sa iba.

"Y-Yes." Suminghap ako para pigilan ang nagbabadyang hikbi. "I'm done with you."

Kinagat niya ang labi niya at tumawa ng mapakla. He look away ang clench his jaw hard that I bet it hurts. Pain is painted all over his face and I let myself mirror that by the time he looks away. Hinayaan ko ang sarili ko maging mahina dahil hindi niya naman nakikita.

"You're lying."

I turn away and stifle my sobs. Mabilis kong pinalis ang tumulong luha sa pisngi ko at nagpanggap na abala sa pag-aayos ng hawak ko. I can hear his heavy breathing and curses from time to time. Nanginginig ang mga kamay ko pero sinigurado ko na hindi niya mapapansin 'yon.

"I'm not. Tumigil na tayo, Constantine. L-Let's part ways here. Continue with your life with your soon-to-be wife, and I'll continue mine..."

"Hindi ako papayag! No way– ISLA!"

I run away. This is the best thing to do for both of us. Parehas kami na ayaw bumitaw, pero mas malakas nga lang ang loob ko dahil sa nalaman ko. Alam kong kapag mas nagtagal pa ako na kasama si Constantine, this will melt away. Hawakan niya lang ako, siguradong bibigay na ako. I need to run before that happens.

I don't want to ruin his life. Hindi siya para sa akin. He is destined to be with someone better.

"ISLA!"

He ran after me but the crowd made it easier for me to escape. Nakasakay ako ng tricycle na hindi niya nakikita. I can see him panicking and pained from where I am. Yumuko ako at hinayaan ang luha na kumawala sa mga mata ko.

Mabilis akong nag impake pag-uwi ko. I'm sure he will go straight here after I ran away. That's what I guess, since malapit kami doon kanina. Baka pinuntahan niya lang ang lugar kung saan ako gumamit ng card pagtapos ay pupuntahan niya ako dito. I'm sure my sister told him about our house.

Taurus (COMPLETE)Where stories live. Discover now