(115)PABLO 'WARNING' OneShot

283 10 0
                                    

WARNING

📍SB19 Pablo
📍OneShotStory
📍Errors Ahead

____

Nandito ako ngayon sa loob ng library dahil may kailangan akong libro. Iyon naman ata talaga habol natin sa library noh?

At kung minamalas ka nga naman ay nasa bandang itaas iyong librong kailangan ko kaya hindi ko ito maabot.

Tumingkayad ako nang bonggang-bongga kaya nahawakan ko ang dulo ng libro. Ginalaw-galaw ko pa ito para tuluyang mahulog pero amputcha! Sa akin pa ata mahuhulog eh ang laki pa naman.

Bigla tuloy akong napapikit at napahawak sa tuktok ng ulo ko para maproteksyunan ang sarili pero wala akong naramdamang kung anong tumama sa ulo ko. Kaya napadilat ako.

Nakaramdam ako ng tao sa likuran ko kaya lumingon ako rito. Sobrang lapit niya kaya biglaan akong napalunok.

Napatingin rin ako sa itaas ko at nakita kong sinalo pala ng lalaking ito ang librong muntikan nang mahulog sa'kin.

Binigay niya sa'kin ang libro saka sinabing,
"Be careful." Saka ito umalis sa harapan ko.

Magpapasalamat na sana ako eh.

Hinabol ko ito pero dahil sa medyo mabigat ang hawak kong libro ay nahirapan ako.

"Wait!!!" sigaw ko kaya bigla akong napatakip sa bibig ko. Paktay! Yare ako sa librarian.

Huminto ang lalaki pero hindi ito lumingon sa'kin.

"First warning, miss." Napatalon akong lumingon sa nagsalita. Iyong librarian.

Sabi ko na nga ba eh!

Napangiti ako ng peke rito.

Lumingon ako pabalik sa lalaki pero wala na ito. Ano ba iyan.

Hinanap ko siya nang hinanap at nakita ko siya sa kasulok-sulukan.

Lumapit ako sa kaniya. Parang hindi niya naramdaman ang presensya ko dahil nakatutok pa rin ito sa librong binabasa niya.

Binaba ko muna ang librong hawak ko sa may lamesa.

"Hi, ako nga pala 'yung tinulungan mo kanina. Uh salamat nga pala," saad ko pero parang invisible ata ako.

"Hi, I'm Alnie. Anong pangalan mo?" saad ko pa at nilahad ko pa ang kamay ko pero hindi siya sumagot o tumingin man lang.

Ayaw atang paistorbo.

Kaya ang ginawa ko ay umupo nalang sa tabi niya at binuklat ang librong dala-dala ko.

"I want to be alone." wika ng katabi ko. Napangiti ako ng peke.

"Ayy hehehe g-ganun ba." Jusmiyo ang sungit.

Akma na sana akong tatayo nang magsalita ulit ito.

"I want to be alone but I never told you to leave. I do not own this library so I have no reason to dismiss you," saad nito kaya napalingon ako sa kaniya.

Nanatili pa ring nasa libro ang tingin niya.

"Sabi mo iyan ah," saad ko saka umupo ng maayos. Hindi ako nito pinansin kaya binuklat ko nalang ang librong dala ko at ginawa ko nalang ang dapat kong gawin.

-----
Kinabukasan ay naisipan kong bumalik ulit sa library.

Kumuha lang ako ng librong babasahin ko at naisipang maupo sa pwesto ko kahapon.

Tatry ko ulit magpakilala kay kuyang masungit pero kung hindi niya talaga ako papansinin, edi magbabasa nalang ako nitong dala kong libro. Ayos diba?

SB19 Random Scenarios And OneShot (COMPLETED)Where stories live. Discover now