(123)SB19 pag may nakitang kung ano sa gilid ng labi mo

304 14 13
                                    

SB19 pag may nakitang kung ano sa gilid ng labi mo

📍Errors Ahead

_____
["JOSH"]

Ikaw: (kalalabas lang ng kwarto. Bagong gising)
Josh: (nakatingin sa'yo sa may sala)
Ikaw: (gulat na tumingin kay Josh) Oh love? Ba't ka napapunta?
Josh: Good morning. (ngumiti sa'yo)
Ikaw: Good morning.
Josh: May ano ka pa rito...(tinuro ang gilid ng labi mo saka mahinang natawa)
Ikaw: Ha? May ano--(napahawak sa gilid ng labi at napansing may laway) SHOCKS! Wait love, CR lang ako.
Ikaw: (dali-daling pumuntang CR at napasigaw) AAAAA!!! NAKAKAHIYAAA!
Josh: (kumatok sa may CR) Love?
Ikaw: (nagtotoothbrush) Wait, love!
Josh: Bukas iyong pinto. Papasok ako ah?
Ikaw: Toko long--
Josh: (pumasok sa CR at nakita kang nagtutoothbrush. Napangiti) Ba't ka pa nagtoothbrush? Hahaha.
Ikaw: (tapos na magtoothbrush) Aaaaa nakakahiya kaya! Naabutan mo akong aaaaaa. Shocks! Kadiri! Boyfriend kita tas makikita mo akong ganun.
Josh: (natatawang hinawakan ang bewang mo palapit sa kaniya) Pag naging asawa na kita, 'di mo na magagawang makapagsipilyo. Dahil tulog ka palang, pinupudpod na kita ng halik hahahaha.
Ikaw: (namumulang hinampas si Josh)
Josh: Hindi dapat kinakahiya ang ganyang kagandang labi, love. Pakiss nga.
Ikaw: Heh! Nasa CR tayo! Doon tayo sa labas...
Josh: Hahaha bakit doon pa? Mas maganda nga rito, diretso linis na--
Ikaw: (namumulang pinaghahampas si Josh) Para kang sira!
Josh: Hahahahaha. Love you, love. (pinudpod ka ng halik sa labi)

---
["PABLO"]

Ikaw: (nakain)
Pablo: (nakatitig sa'yo) Babe.
Ikaw: (lumingon kay Pablo) Ha?
Pablo: May dumi ka rito... (tinuro ang kanang pisngi nito)
Ikaw: (napahawak sa kaliwang pisngi)
Pablo: Hindi, sa kanang pisngi mo.
Ikaw: (nakahawak pa rin sa kaliwang pisngi) ???
Pablo: -,- Kanan ba iyan? Eh kaliwa iyan eh. My golly!

---
["STELL"]

Stell: (pumasok sa kwarto mo na may dalang gatas. Nakangiti ng malapad)
Ikaw: Good evening Stell! Wowww. Ikaw nagtimpla niyan?
Stell: (naupo sa gilid ng kama mo at tumangong ngumiti) Inumin mo 'to bago ka matulog.
Ikaw: (ininom ang gatas)
Stell: (nakangiting nakatitig lang sa'yo)
Ikaw: (tapos na mainom ang gatas at ngumiti kay Stell) Thank you, mahal.
Stell: (nakita ang tirang gatas sa gilid ng labi mo at mahinang natawa.kinuha ang baso mo saka nilapag sa lamesa)
Ikaw: (nakangiti pa rin kay Stell)
Stell: (natatawang tumitig sa'yo)
Ikaw: Ba't ganyan ka makatitig Mr. Ajero, ha? (naningkit ang mata) Alam ko iyang mga tinginan na iyan.
Stell: Cute mo. (ngiting-ngiting usal nito)
Ikaw: Alam ko. (ngumiting malapad)
Stell: 'Lika nga rito. (hinawakan ang braso mo at pinalapit sa kaniya)
Ikaw: (naupo sa hita ni Stell at tumingin dito)
Stell: (nakangiting tumitig sa'yo) Alam mo bang may gatas ka sa gilid ng labi mo?
Ikaw: Eh?
Stell: 'Di mo ramdam?
Ikaw: Hindi. (akmang pupunasan gamit ang kamay)
Stell: (pinigilan ka) Ako na magpupunas. (ngumiti sa'yo)
Ikaw: ...Oka--
Stell: (hinigop labi mo)

[A'tin Wrighter: Amen...]

---
["KEN"]

Ikaw: (nakain)
Ken: (napatingin sa'yo at napansing may kanin sa gilid ng labi mo)
Ken: Ga.
Ikaw: (lumingon kay Ken) Hmm?
Ken: Baka tukain ka ng manok.
Ikaw: Huh?
Ken: May kanin ka rito oh. (tinuro ang gilid ng labi nito)
Ikaw: Oh? Wait, kuha akong phone. (kinuha ang phone sa bag)
Ken: (biglang linapit ang mukha sa'yo)
Ikaw: (gulat na lumingon kay Ken na sobrang lapit ng mukha sa'yo)
Ikaw: Ga--
Ken: (dinampian ka ng halik sa labi saka kinuha ang kanin sa gilid ng labi mo)
Ikaw: (napakurap-kurap) P-para saan iyon?
Ken: Sabi ko naman sa'yo baka tukain ka ng manok eh. Nakuha ko na iyong kanin. Wala nang tutuka sa'yo. (ngumisi)
Ikaw: (namula)

---
["JUSTIN"]

Ikaw: (nakabusangot)
Justin: (lumapit sa'yo na may dalang isang box ng donut) Hi babeee!
Ikaw: (nagningning ang mata sa dala ni Jah) WAAAAH! Nagkicrave ako ritoooo. Thank you babeee!
Justin: Hehehe wala iyon. Kiss mo lang okay na'ko. (pumikit at inabangan ang halik mo)
Ikaw: Hshshshs. (excited na binuksan ang donut)
Justin: (nakapikit na nakanguso) Babe?
Ikaw: Yes? (lumingon kay Jah at nagtaka kung ba't ito nakapikit at nakanguso) Babe? Ayos ka lang?
Justin: Ha? (napadilat at napaayos ng tindig) Ahh ayos lang ako.
Ikaw: Oh,.. akala ko kung anong nangyari sa'yo. May pagpikit at nguso ka pa hahahaha.
Justin: Hahahaha. (awkward laugh)
Ikaw: (inatake agad ang donut) WAAAH ang sarap!
Justin: (nakangiting nakatitig sa'yo)
Ikaw: Grabe ang sarap! Thank you talaga rito babe! (ngumiti kay Jah)
Justin: (napansin ang powder ng donut sa paligid ng labi mo) Ah babe?
Ikaw: Hmm? (ngumunguyang lumingon kay Jah)
Justin: May powder ng donut sa labi mo... (tinuro ang paligid ng labi)
Ikaw: Ah hayaan mo lang.
Justin: Punasan natin.
Ikaw: Pag naubos ko na 'to lahat. Sayang naman effort mong magpunas kung marurumihan ulit diba? Hshshs. (kumain ulit)
Justin: (tumango-tango)
Ikaw: (ubos na ang donuts)
Justin: Halika punasan na natin iyang labi mo.
Ikaw: Teka may wetwipes ako rito--(akmang kukunin ang wetwipes sa shoulder bag)
Justin: (hinawakan ang braso mo't sinunggaban ka ng halik)
Ikaw: 0.0
Justin: (tinapat ang tungki ng ilong nito sa ilong mo at nakatitig sa'yong nagsalita) Kanina pa kita gustong halikan, alam mo ba iyon?
Ikaw: (napakurap-kurap)

_____
-✨

SB19 Random Scenarios And OneShot (COMPLETED)Where stories live. Discover now