(127)SB19 as tattoo artist

195 13 0
                                    

SB19 as tattoo artist

📍Errors Ahead

_____
["JOSH"]

Ikaw: (papasok sa tattoo shop)
Josh: (nakatopless at may mga tattoo sa katawan)
Ikaw: (nakangangang pumasok dahil sa bumungad na katawan ni Josh)
Josh: (napalingon sa'yo at nakangiting lumapit sa'yo) Hello ma'am. Magpapatattoo po kayo?
Ikaw: (nakatingin sa katawan ni Josh na tumango-tango)
Josh: Sige po maupo po kayo r'on. Ano pong design gusto nyo?
Ikaw: (nakatayo pa rin)
Josh: Ma'am?
Ikaw: Ayy abs!
Josh: (mahinang natawa sa naiusal mo) Sabi ko po ano pong gusto niyong design?
Ikaw: Ikaw, ikaw ang gusto ko--(napatakip ng bibig sa sinabi)
Josh: (lumapit pa sa'yo)
Ikaw: (napakurap-kurap na tumingin sa palapit na Josh) B-ba't ka lumalapit?
Josh: (sobrang lapit na sayo)
Ikaw: (napapikit ng mata)
Josh: (tinulak ang pinto ng shop na nasa likuran mo)
Ikaw: (napadilat ng mata at napatingin sa likuran mo)
Josh: Kung harot lang po punta niyo rito, maaari ka nang lumabas ng shop. (ngumiti sa'yo)

---
["PABLO"]
(First time mo lang magpatattoo)
(Nalaman mo kasing may new tattoo shop si Pablo na crush mo)

Pablo: Huwag na po malikot sisimulan kona.
Ikaw: Oki. (maharot na saad mo dahil crush mo si Pablo)
Pablo: (nilapit ang karayom sa likuran mo)
Ikaw: (nakaramdam ng tusok sa likuran mo) Erey! Medye meseket eh. Bet ke nemen nenenesek?
Pablo: (takang napatingin sa'yo dahil sa sinabi mo) Po?
Ikaw: Hindi pa nga tayo pero nanunusok ka na ehe. (maharot na natawa)
Pablo: .....
Pablo: (tinusok ang karayom sa leeg mo at hindi na tinanggal) Ang harot mo kelangan mo na mamatay.

---
["STELL"]

Ikaw: (naiiyak dahil nasasaktan sa tattoo)
Stell: (tumigil sa pagtattoo sa'yo at napatingin sa'yo) Hala ma'am. Gusto nyo pong tubig?
Ikaw: Yes please.
Stell: (binigyan ka tubig) First time niyo po?
Ikaw: (tumango habang nainom ng tubig)
Stell: Ganyan talaga sa simula. Masakit po talaga yan.
Ikaw: (binigay ang baso kay Stell) Thank you.
Stell: Hinga ka pong malalim tapos exhale.
Ikaw: (ginawa ang sinabi ni Stell)
Stell: Feeling good po?
Ikaw: (tipid na ngumiti)
Stell: Kapit ka nalang po sa laylayan ng damit ko. Pag nasasaktan ka, kapit ka lang po mahigpit sa damit ko. Ayos lang po sa'kin. Huwag kana po umiyak. (pinunasan ang luha mo)
Ikaw: (nakakagat-labing tumango)

[Meanwhile...]

Stell: (pinagpatuloy pagtatattoo sayo)
Ikaw: (napapahigpit ng hawak sa damit ni Stell pag nasasaktan)

---
[STELL 2.0]

Ikaw: Gusto ko sana sa collarbone magpatattoo.
Stell: ...Uh sige po.
Stell: (sinimulan na ikaw tatuan)
Ikaw: (nakatitig kay Stell)
Stell: (sumulyap sa'yo at nagulat nang mahuli ka nyang nakatitig sa kanya) Ba't kayo nakatitig ma'am?
Ikaw: Ikaw? Ba't ka nakatitig sa dibdib ko?
Stell: H-huh? A-ako po?
Ikaw: (nakatitig lang kay Stell)
Stell: Naku ma'am. Masama mambintang ah.
Ikaw: Sinasabi ko lang kung anong nakita ko.
Stell: O sige po takpan nyo ng panyo yang dibdib nyo para di na kayo mag alala.
Ikaw: (nakatitig lang kay Stell)
Stell: (nailang na sa titig mo) Sige takpan ko nalang po mata ko habang tinatatatuan ka. Ako na mag aadjust.
Ikaw: .....
Stell: (nakapikit ang matang sinimulan kang tatuan. Kinapa ang collarbone mo)
Ikaw: (nakatitig lang kay Stell)
Stell: (dinilat ang mata at nahuli ka na namang nakatitig sa kanya) Huwag mo po akong titigan.
Ikaw: Bakit?
Stell: Nakakailang po.
Ikaw: Ba't ka naman naiilang sa titig ko? Si Ken ka ba?

---
["KEN"]

Ken: S'an po kita banda tatattoo-han?
Ikaw: Sa leeg sana hehe. Dito sa kanan.
Ken: Okay po. Sisimulan ko na huwag ka po malikot.

[Meanwhile...]

Ken: (linapit ang karayom sa leeg mo)
Ikaw: (biglang nakiliti kaya napagalaw)
Ken: (napatingin sa'yo)
Ikaw: Nakikiliti ako.
Ken: (akmang ilalapit ang karayom sa leeg mo)
Ikaw: (maharot na natatawang umiwas kay Ken dahil nakakaramdam ng kiliti) HAHAHAHAHA.
Ken: -,-
Ikaw: Okay. Ito na talaga. Whoooh! (nag inhale-exhale)
Ken: Okay kana ma'am? -,-
Ikaw: (tumango)
Ken: (nilapit ang karayom sa leeg mo)
Ikaw: (natatawang nakiliti) Enebe! Nakikiliti ako!
Ken: Isa pa ma'am baka masaksak ko 'tong karayom sa leeg mo dahil sa kaharutan mo. Patay ka talaga.
Ikaw: Matagal na akong patay. Patay na patay sa'yo ihckkk.
Ken: Bumanat pa nga hanep. -,-

---
["JUSTIN"]

Justin: Ano pong gusto nyong design ma'am?
Ikaw: Kehet ene.
Justin: Ano po?
Ikaw: Uh sabi ko kahit ano.
Justin: ...sure kayo ma'am?
Ikaw: Yes. (nagpacute kay Jah)
Justin: ...Okay! (kita ang gilagid na ngumiti sa'yo at sinimulang magtattoo sa likuran mo)

[Meanwhile...]

Ikaw: ...WHAT THE--
Justin: Bayad mo po ma'am.
Ikaw: Bakit 'Kahit Ano' inilagay mo sa likuran ko?
Justin: Eh sabi nyo po 'kahit ano' ilagay ko. Sinunod ko lang ma'am.
Ikaw: Mukha ba akong nakikipagbiruan? Ha? Porket gwapo ka... Di ako magbabayad! (akmang tatalikod para umalis)
Justin: (hinawakan ang braso mo paharap sa kanya at nilapit ang mukha nito sa'yo) Mukha rin ba akong nakikipagbiruan? Ma'am?
Ikaw: (napakurap-kurap na nakatitig kay Jah)
Justin: Bayad mo po muna. (nakatitig sa'yo)
Ikaw: (biglang hinalikan si Jah sa labi at dali-daling lumabas ng shop) AYAN NA BAYAD KO! (sigaw nito palabas)
Justin: (gulat na napahawak sa nakangawang bibig)

_____
A/N: WAAAAH NAMISS KO MAG UPDATE, KENSTELLATIONS! 😭✨

-✨

SB19 Random Scenarios And OneShot (COMPLETED)Where stories live. Discover now