(119)KEN 'OneShot' WRONG NUMBER, RIGHT PERSON

265 17 0
                                    

'WRONG NUMBER, RIGHT PERSON'

📍SB19 KEN
📍ONE SHOT
📍Errors Ahead
📍Y/N means Your Name

---

'0917388**** globe, send load.' Kita ko sa isang post dito sa Facebook habang nagsscroll.

"Okay, saved to contacts!"

Ni-save ko sa contacts ko ang cellphone number ng nagpost pero wala akong balak loadan siya noh.

Pinangalanan ko rin ito bago ko ito ni-save.

Mahilig ako mangolekta ng cellphone number kahit ng mga 'di ko kilala. Like, pag may nakita akong myday na number nila, with the caption of "send load" I will screenshot it tapos isi-save ko sa contacts ko.

Wala lang, siguro for fun lang(?) Hindi ko naman sila tinatawagan or tinetext, dinidisplay ko lang sila sa contacts ko HAHAHAHAHA.

Weird ba? Bahala kayo jan HAHAHA.

---
"Woy! Bangon na, papunta na mga pinsan mo rito. Mag jajogging daw kayo?" Ano ba iyan, anong oras pa ba? Inaantok pa ako eh.

"Hmmmm," naisagot ko nalang.

"Hoy! Bumangon kana jan. Baka kaladkarin ka pa ng mga iyon mamaya. Bahala ka jan." Napabangon ako bigla sa kama sa sinabi ni kuya.

Natawa ito saka pinitik ang noo ko.

"Maligo kana. May laway ka pa sa labi oh yak!" Sinampal ko ang kamay nitong nakaturo sa labi ko saka umirap.

Tumayo ako't naligo.

Nang matapos ako ay sakto ring pagdating ng mga pinsan ko.

Si Issa, Paul, Ryle, Kath, at si kuya ang kasama ko sa pagjogging.

Sumama si kuya sa 'di ko alam na dahilan.

Himala nga eh.

Hanggang southmall lang naman ang pagjajoggingan namin.

Madaling araw kaming nagsimulang magjogging papuntang southmall.

Mga 4.

Iyong dalawa kong pinsan na lalaki saka si kuya ay nasa likuran namin.

Kami namang mga babaeng magpinsan ay nasa harapan nila kuya.

Sinadya talaga nila kuyang magpahuli kasi binabagalan nila lalo ang pagjogging nila pag nakakakita ng babae.

Marami rin kasi kaming kasabayan sa pagjogging.

Kaya siguro sumama 'tong si kuya dahil don.

Ewan ko sa kanila.

Mag-iisang oras ang lumipas nang biglang nakisabay sa'min sa pagjogging sila kuya.

"Oh? Wala na ba kayong makitang babae?" ani Kath.

"Nawawala phone ni Paul. Kinuha niyo ba?" usal ni Ryle.

"Huh? Kita nyo namang nasa unahan namin kayo. Bakit? Nawawala phone ni Paul?" tanong ni Issa.

Napahinto kami sa pagjogging.

"Putik! Nilagay ko lang saglit sa tabi ko 'yong phone ko habang nagpapahinga kanina eh tas biglang nawala!" Paul.

"Ayan! Tatanga-tanga." Issa.

"Seryoso ba kayo? Nawawala talaga?" tanong ko at nagsitanguhan sila kuya.

"GG. Pa'no iyan?" Problemadong tanong ni Paul.

"Akin na number mo, tawagan natin baka may nakakuha na sa phone mo," wika ng pinsang kong si Issa.

SB19 Random Scenarios And OneShot (COMPLETED)Where stories live. Discover now