(35)STELL as your bf × Wattpad

288 14 0
                                    

SB19 Stell as your boyfriend × Wattpad

//Errors Ahead

---

Stell at ikaw: (nagbabasa ng wattpad story)

Ikaw: (ikaw ang may hawak ng phone)

Stell: (nakaupong yakap-yakap ka patalikod)

[Few minutes later...]

Ikaw: (umiiyak na nagbabasa)

Stell: (naiiyak din)

Stell: (pinupunasan ang luha mo habang nagbabasa)

Ikaw: (humihikbi)

Stell: (hinigpitan ang pagkakayakap sa'yo)

Ikaw: (sumandal kay Stell)

Stell: Stop muna tayo, mahal. Naririnig ko nang tumutunog iyong tiyan mo.

Ikaw: (napatingin kay Stell) Subuan *hik* mo nalang *hik* ako.

Stell: Ang pula pula na ng ilong mo.

Ikaw: Ihhh. (akmang pupunasan ang luha)

Stell: (pinunasan ang nagbabadyang tumulong luha sa mata mo)

Ikaw: Ikaw din naman. Mas grabe ka pa ngang umiyak sa'kin eh.

Stell: Nakakaiyak kasi.

Ikaw at Stell: (natawa sa isa't isa)

[Few minutes later...]

Ikaw: "Bye, Pierce" Pero hindi pa rin nila binibitawan ang isa't isa. (malakas na pagbasa mo dahil nakikinig si Stell)

Stell: (sinusubuan ka ng pagkain habang nakikinig sa'yo)

Ikaw: (nilunok muna ang pagkain bago nagpatuloy sa pagbasa)

Ikaw: (naluluha habang pinagpatuloy ang pagbabasa)

Ikaw: Natawa nalang tuloy si Leaf at itinaas ang magkahawak nilang mga kamay, "Paano ako makakaalis kung hindi mo pa rin ako binibitawan?"

Stell: (nakikinig lang sa'yo habang sinusubuan mo siya ng pagkain)

Ikaw: Natawa na rin si Pierce, "Ang hirap mo kasing bitawan.".... (naiyak ka na)

Stell: (binaba ang pinggan saka inalo ka)

Ikaw: Huhuhuhu.

Stell: (niyakap ka) Shhh.

Ikaw: Hindi mamatay si Pierce!!! 'Di ba, mahal?

Stell: .....

Ikaw: Huhuhu.

Stell: (hinawakan ang baba mo saka pinaharap kay Stell)

Ikaw: (naluluhang napatingin kay Stell)

Stell: (hinalikan nito ang mata mong may luha kasunod ay ang noo mo)

Ikaw: (napapikit)

Stell: Tahan na.

Ikaw: (nakapikit na tumatango) Sakit kasi eh.

Stell: Ba't kasi ang hilig mo sa mga wattpad story na title pa lang, parang sad ending na? Hahaha.

Ikaw: Kakacurious kasi kung sad or happy ending eh. (pinunasan din ang natitirang luha sa mata ni Stell)

Stell: (hinawakan ang kamay mo saka pinagsalikop ang daliri niyo)

Ikaw: (napatingin sa kamay niyo ni Stell at napangiti)

Stell: Yiee nakangiti na siya.

Ikaw: Heh!

Stell: (hinalikan ang likod ng palad mo habang nakangiting nakatitig sa'yo)

-----

Thanks for reading!

SB19 Random Scenarios And OneShot (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon