(79)KEN pag may regla ka

299 18 0
                                    

SB19 Ken as your boyfriend pag may regla ka

//Errors Ahead

-----

["Ken"]
[Lugar: Nasa coffee shop]
[Magkaharapan kayo]

Ken: Mas masarap pa rin talaga iyong kapeng tinitimpla ko. (saad nito habang sumisimsim ng kape galing sa coffee shop)

Ikaw: (napangiwi)

Ikaw: Puro asukal eh.

Ken: (natawa ng mahina)

Ikaw: (nakaramdam ng kung ano sa pang ibabang underwear)

Ikaw: (napabulong sa sarili) Oh shems! Mukhang meron na ata ako. Puti pa naman 'tong suot ko.

Ken: (napatingin sa'yo)

Ikaw: (tumingin-tingin sa paligid at hindi mapakali sa kinauupuan)

Ken: (nakatingin sa'yo nang may pagtataka)

Ken: May problema ba, ga?

Ikaw: (napatingin kay Ken tapos umiling at napangiti ng peke)

Ken: (tumayo sa pagkakaupo saka lumapit sa'yo)

Ikaw: (hindi gumalaw sa puwesto)

Ikaw: H-Huwag mo 'kong gagalawin.

Ken: (hindi nakinig kaya nakita niya ang maliit mong tagos sa short)

Ken: (nagulat saka pinaupo ka ulit)

Ikaw: (napapakagat sa labi)

Ken: A-Anong nangyayari sa'yo, ga?

Ikaw: (napapikit sa kahihiyan)

Ken: W-Wait for me here. (hinalikan ka sa noo saka lumabas ng coffee shop)

[Few minutes later...]

Ken: (bumalik sa coffee shop)

Ikaw: Ba't ang tagal mo?

Ken: Eh ano kas--

[Tunog ng Ambulansya]

Ikaw: Anong nangyayari?

Ken: Magiging okay din ang lahat-- (binuhat ka bigla ng pabridal style)

Ikaw: Ga... (seryosong tumingin kay Ken)

Ken: Hmm?

Ikaw: Ikaw ba ang nagpatawag sa ambulance?

Ken: (nahihiyang tumango)

Ikaw: (napasapo sa noo)

[lumabas kayo sa coffee shop habang buhat ka ni Ken]

Ikaw: (napatago sa dibdib ni Ken dahil sa sobrang kahihiyan)

[Linapitan ng babaeng nurse si Ken]

Ken: Nagdudugo po ang puwetan ng girlfriend ko miss. Hindi ko alam kung bakit...

Ikaw: (napatakip ng mukha sa sobrang kahihiyan kahit nakatago ka na sa dibdib ni Ken)

Nurse: (napatawa ng mahina) Kuya, mas mabuti po atang dalhin niyo siya sa washroom kaysa sa ambulansya.

Ken: Ha? Hindi niyo ba narinig iyong sinabi ko? Dinudugo ang puwetan niya.

Ikaw: (napabulong sa sarili) Awit ka Ken...

Nurse: (bumulong sa'yo)

Nurse: Miss, bibigyan ka nalang namin ng pads ah. Pakisabi nalang dito sa boyfriend mo ang tungkol diyan. (saka napangiti)

Ikaw: (nahihiyang tumango)

Ikaw: Pasensya na po sa abala miss. Alam ko pong busy kayo.

Ken: Ano na miss nurse? Hahayaan niyo nalang bang nasa ganitong kalagayan ang girlfri---

Ikaw: (hinalikan si Ken)

Ken: (nagulat)

Ikaw: Shhhh. I'll explain it to you later, okay? Sa ngayon, dalhin mo muna ako sa pinakamalapit na washroom. Pleaseeee?

Nurse: Ito na po ate (binigay sa'yo ang pads)

Ikaw: Salamat po miss at pasensya na talaga.

[Umalis na iyong nurse saka sumakay sa ambulansya]

[buhat-buhat ka pa rin ni Ken]

Ken: What?! Tumawag lang ako sa wala?

Ikaw: Langga, dalhin mo na ako sa pinakamalapit na washroom. Kanina mo pa ako buhat-buhat. Alam kong nangangalay ka na.

Ken: Ayos ka lang ba? (nag-aalalang nakatingin sa'yo)

Ikaw: Sa ngayon oo, kaya dalhin mo na ako sa washroom.

Ken: Are you sure?

Ikaw: Ken. (nakatingin ng seryoso kay Ken)

Ken: Okay, fine. I love you, ga. Kahit hindi ko maintindihan kung ba't ka may dugo sa puw---

Ikaw: (tinakpan ang bibig ni Ken)

Ikaw: Shhh I love you too. Mamaya ka na dumaldal hmm? Pinagtitinginan na tayo ng mga tao.

Ken: (tumango saka dinala ka sa pinakamalapit na washroom)

---

Matagal na po ito kaya pasensya na hahaha. Mga reposted stories ko pa rin ito. Thanks for reading!

-✨

SB19 Random Scenarios And OneShot (COMPLETED)Where stories live. Discover now