(124)SB19 as batang inagawan ng lollipop

203 11 0
                                    

SB19 as batang inagawan ng lollipop


📍Errors Ahead

_____
["JOSH"]

Ikaw: (inagaw ang lollipop ni Josh)
Josh: (masamang tumingin sa'yo) Ibalik mo sa'kin iyan. Akin iyan!
Ikaw: (nang-aasar na sinubo ang lollipop)
Josh: Lokong 'to ah.
Ikaw: (tumatawang bumelat sa'yo at tumakbo)
Josh: (hinabol ka)
Ikaw: Waaah 'di mo 'ko mahahabol totoy! Liit ng paa mo!
Josh: Hindi ka sure. (nahablot dulo ng damit mo at inaalis ang lollipop na nasa bunganga mo)
Ikaw: (dinidiin ang pagkagat sa lollipop para di matanggal. tinatanggal kamay ni Josh)
Josh: Tanggalin mo kamay mo!
Ikaw: AAAAA!!! ISUSUMBONG KITA SA LOLO KO--
Josh: (nakuha ang lollipop sa bunganga mo at tinapon ito sa basura) LOLO MO!

---
["PABLO"]

Pablo: (binubuksan ang lollipop)
Ikaw: (inagaw ang lollipop ni Pablo)
Pablo: (gulat na lumingon sa'yo)
Ikaw: (bumelat kay Pablo) Akin 'to.
Pablo: (masamang tumitig sa'yo)
Ikaw: (nabuksan ang lollipop)
Pablo: (sinampal ka saka kinuha ang lollipop sa'yo) Walang iyo! Akin 'to!

---
["STELL"]

Stell: (binubuksan ang lollipop)
Ikaw: (nakatingin sa ginagawa ni Stell)
Stell: (nabuksan na ang lollipop. Napangiting ngumanga para kainin ang lollipop)
Ikaw: (biglang inagaw ang lollipop ni Stell at kinain)
Stell: (nakangangang lumingon sa'yo)
Ikaw: (nakatingin sa ibang gawi habang subo subo ang lollipop)
Stell: (naiiyak na)
Ikaw: (hindi pinapansin si Stell)
Stell: (umiyak ng malakas) WAAAAAAAAAAAAAH!!!
Ikaw: AAAA!!! (napatakip ng tenga sa lakas ng iyak ni Stell)
Stell: (mas lumakas ang iyak) ISUSUMBONG KITA SA LOLA KO! WAAAAAAAH!
Ikaw: (nasira ang tenga sa lakas ng iyak ni Stell) WAAAAAAAAH!!!!

---
["KEN"]

Ikaw: (inagaw ang lollipop ni Ken)
Ken: (napatingin sa'yo)
Ikaw: (sinubo ang lollipop) Ang sharap!
Ken: (nakatingin lang sa'yo)
Ikaw: Anong tinitingin mo? Ha?
Ken: Akin na iyan...
Ikaw: Nasa bunganga ko na eh. Pa'no ba iyan?
Ken: Ibalik mo sa'kin iyan.
Ikaw: Nasa bunganga ko na nga toy. Di ka ba nakikinig?
Ken: Wala akong pake. Akin iyan! (kinuha ang lollipop sa bunganga mo at sinubo ito)
Ikaw: (napanganga)

---
["JUSTIN"]

Justin: (binuksan ang lollipop)
Ikaw: (naiinggit na nakatingin kay Jah)
Justin: (napasulyap sa'yo)
Justin: (tumayo at may kinausap)
Justin: (naupo pabalik sa tabi mo at binuksan ang lollipop)
Justin: (nabuksan na ang lollipop)
Ikaw: (inagaw ang lollipop ni Jah)
Justin: (napatingin sa'yo)
Ikaw: Akin na 'to!
Justin: (nakangawa ang bibig)
Ikaw: (tumayo at akmang aalis nang makakita ng isang truck na naglalaman ng lollipop na huminto sa harap niyo)
Justin: (tumayo at lumapit sa'yo) Sige sa'yo nalang iyan. Sayang, ibibigay ko pa naman sana sa'yo 'tong isang truck ng lollipop, bata. Kaso bad ka pala. (umalis na)
Ikaw: (napanganga at naiyak)

_____
-✨

SB19 Random Scenarios And OneShot (COMPLETED)Where stories live. Discover now