Chapter 3

32.6K 389 2
                                    

CHAPTER 3

Curiousity

Miguel's POV

"Good afternoon, Sir," nakangiting bati sa akin ni Aling Dina pagkakita niya sa akin pagkarating ko sa bahay. Nakangiti rin akong bumati sa kanya pabalik habang nakatuon ang atensyon ko sa mga gamit sa Sala.

"Good afternoon din po, Aling Dina," huminto muna ako sabay lingon sa kanya. "Kaninong gamit po ito?"

Napatingin naman si Aling Dina dito sabay ngiti sa akin nang napakalapad.

"Kay Kuya Carlo mo,"

"Talaga?" Gulat kong tanong. Ngiti lang din ulit ang sagot sa akin ni Aling Dina. "Kailan pa siya dumating?"

"Sa totoo lang Sir, three days na siya sa bahay ngayon," sabi ni Aling Dina habang tinutungo ang sala at inaayos ang iba pang gamit sa maleta. "May gusto ba kayo inumin sir?"

Napailing na lamang ako sa sinabi ni Aling Dina. Nakakainis si Kuya, di man lang niya ako sinabihan na umuwi na pala siya dito.

"Ah ganunba?" Tumatangu-tango kong sabi sabay tanggal ng sapatos ko. "Juice po, please."

"Sige sir,"

Habang hinihintay ko si Aling Dina na nagtimpla ng Juice, umakyat ako ng kwarto ko. Subalit napahinto ako nung nasa harapan na ako ng kwarto ni Kuya Carlo, may halinghing at ungol akong naririnig dito. Bahagya kasi itong nakabukas kaya ko naririnig.

Napailing na lamang ako sa mga naririnig ko. "Hinid ka parin nagbabago, Kuya." Bulong ko na lamang sa sarili ko habang umiiling.

Paalis na sana ako nung nakarinig na naman ako ng boses na nagsalita. Na-curious tuloy ako, dahil hindi babae ang kasiping ni Kuya ngayon, kundi lalaki.

"Oh fuck! Ang sikip ng butas mo," mura nito habang sarap na sarap. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.

Kailan pa naging bakla si Kuya?

Sa halip na pakialaman ko pa siya, tumuloy na ako sa kwarto ko at nagpalit. Di ko alam pero nag-init ako sa narinig ko kanina sa kwarto ni Kuya Carlo. Gusto ko sana silipin ang lalaking kasiping niya pero ayokong pakialaman ang privacy ni Kuya Carlo.

Pero hindi talaga ako matahimik sa boses ng lalaking kasiping niya. Parang pamilyar ang boses niya sa akin.

"Sino kaya 'yun?"

Lumabas na lamang ako ng nararamdaman kong nagugutom ako, bigla naman ako nagulat sa taong nakasabayan kung lumabas mula sa kwarto ni Daddy. Kahit si Kuya Carlo ay nagulat din. Nagtaka ako kasi kani-kanina lang ay may nauulinigan akong ungol mula sa kwarto niya.

Baka guni-guni ko lang iyon.

Sabi ko na lamang sa sarili ko at ngumiti kay Kuya.

"Kanina ka pa dumating Migs?"

Napahinto ako sa tanong ni Kuya at lumingon sa kanya.

"Yeah," tapos nakita ko siyang parang naiilang dahil tinignan ko siya ng may pagtataka. Gusot kasi ang suot nitong damit tapos baliktad pa.

"Baliktad damit mo kuya," sabi ko na nagpataranta kay kuya at napangiti.

"Ah, hehehe hindi ko napansin."

Umiling na lamang ako sabay tungo nasa kusina. Pagkapasok ko ay nadatnan ko pa si Mena na kasama ang iba pang maid na nag-uusap.

"Kailan ba bibisita ang anak niyo dito Aling Dina?" Excited na tanong ni Mena sa kanya.

Daddy 1 (BXB) (COMPLETED)Where stories live. Discover now