Chapter 31

9.5K 200 16
                                    

CHAPTER 31

First Strike (X)

Miguel's POV

Kinabahan ako sa titig nilang tatlo. Hindi ko alam pero basta, I felt something wrong kaya pansin na pansin nila ang pamumutla ko kaya agad na lumapit si Lucas sa akin.

"Hey, you okay?" Nag-aalalang tanong nito saka ako hinawakan sa magkabilang balikat at nakipagtitigan sa akin ng diretso, hindi ako umimik sa sinabi tanong niya sa halip mas lalong lumala ang kabang nararamdaman ko na may panginginig pa, "Bunso, you look pale, may masakit ba saiyo? Something wrong?"

Dahil sa medyo may pagkaka-panic ng tanong ni Lucas ay lumapit na si Ninong Liam at Tito Michael at kapwa sila nakatingin sa akin ng may pag-aaalala. May something akong nararamdaman na parang nangyari na before, diko alam pero pinagpapawisan akot nanginginig ang katawan ko.

"Pamangkin, anong nangyayari? Bakit nanginginig ka? May masakit ba saiyo?" Mahinahanong tanong ni Tito Kel sa akin at hinawakan ang noo ko pati leeg ko para tignan ang temperature ko. "Umupo ka muna," suhestyon ni Tito Kel at tinignan ang kalusugan ko.

Nagkatinginan silang tatlo kaya agad na lumayo ang dalawa sa akin at lumipat sa kabilang sofa na malayo sa kinauupuan ko. Napabuntong hininga si Tito Kel bago lumuhod sa harapan ko para magpantay kami at hinawakan ang kamay ko ng mahigpit, "Pamangkin," puno ng lambing at pag-aalalang banggit ni Tito sa pangalan ko. "You are safe with us, dont worry, wala kaming gagawin masama saiyo."

Hindi ko kasi alam, nung napalibutan nila akong tatlo na malalaking lalaki. Pakiramdam ko, nasu-suffocate ako, I cant breath. I feel anxious and something inside that triggered and it kills me slowly. Parang may mali, pakiramdam ko may nabago sa pagkatao ko.

Niyakap ako ni Tito Kel ng mahigpit at hinalikan sa noo, "We wont hurt you, pamangkin. Mahal na mahal ka namin." I felt safe and secure sa bisig ni Tito. Parang gumaan din ang pakiramdam ko. Kaya yumakap narin ako sa kanya pabalik.

"Tito Kel, pwedi bang umuwi na tayo?"

Agad naman napahiwalay si Tito Michael sa yakap sa akin at ngumiting tumango.

"Sige," sabi niya saka ako hinaplos sa pisngi at ngumiti ng malapad. Agad na siyang tumayo at inayos ang mga papel at gamit sa table niya saka binalingan ang dalawang Ninong ko na puno ng pag-aalalang nakatingin sa akin.

I felt weird. Pakiramdam ko may alam sla sa nangyayari sa akin. Pakiramdam ko, theres something in their aura that makes myself trembled. Agad na tumayo ang dalawa ng sinyasan sila ni Tito Kel. Tinungo ni Lucas ang gym bag niya sa tabi ko at niyakap ako ng mahigpit nang makaupo siya sa tabi ko.

"We wont let someone hurt you, bunso," may pag-aalalang tono niya saka ako hinalikan din sa noon, "Kami muna makakalaban nila bago kanila masaktan." Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Ninong, nalilito ako. Hindi ko maintindihan ang nangyayari.

"Don't let yoursel drown again, bunso. Always remember, we love you no matter what. At kung kailangan mo ng tulong namin, kahit buhay o katawan namin ang kapalit," mahabang salaysay ni Ninong Lucas na hinahaplos ang magkabilang pisngi ko, "Kaya namin ibigay saiyo." Huling sabi niya saka ako niyakap at binuhat ulit na parang bata.

Nakangiti naman tumingin si Tito Kel at Ninong Liam sa amin. Habang palabas kami ng office nito, gusto ko sanang bumaba kasu tumutol ang tatlo kaya kahit nahihiya ay siniksik ko na lang ang mukha ko sa leeg ni Ninong na ikinatawa nilang lahat.

Daddy 1 (BXB) (COMPLETED)Where stories live. Discover now