Chapter 10

19.7K 257 5
                                    

CHAPTER 10

This scene happened before the lockdown.

Miguel's POV

Agad na akong sumunod sa kanila dahil halata kong gigil na silang lahat sa akin. Kita ko kasing nakasimangot na sila. Almost 3 hours daw kasi silang naghintay.

Bakit kasi di pa sila pumasok? Hinintay pa talaga kami.

Nasa upuan kami ngayon nagpapahingi dito sa may Starbucks. Since, Mayayaman tong kasama ko, hindi problema kung mahal itong iniinum namin. Kahit gawa ito sa Ginto hindi nila alintana ang presyo.

Halos malibot na namin ang buong MOA at talagang pagod na pagod na kami, dumating kasi kami dito mga 1pm at almost 4pm na ngayon.

Nagkukwentuhan pa itong mga kasama ko sa mga ganap nila sa buhay.

"Alam mo Miya, yan si Nathan, nakita kong may kalantari sa Nursing building nung isang araw," napatigil ako sa pagsipsip ng kape ko ng marinigko sinabi ni Mayo. Kahit si Jeremy, Samuel at Miya ay napatingin sa kanya.

Nanlaki naman ang mga mata nito sabay takip sa bibig.

"What the fuck are you talking about Joshua?" Inis na sabi ni Nathan.

"FYI, Mayo. I dont even know who Joshua is." Maarte nitong sabi. Mapapatawa na sana kami kung hindi lang dahil sa sinabi niya.

Lahat kami tahimik parin at nakatingin sa kanya ng seryoso. Kita kasi sa mukha ni Miya ang inis at Galit. Hindi ko alam pero parang may namamagitan sa dalawa.

"Oh come on guys. Joke lang 'yun okay?" Bawi niya pero hindi parin kami naniniwala. "Joke lang nga yun, tang ina naman. Happy kayo? Happy?"

"E ikaw? Happy ka bang makasira ng mode?" Gigil na sabi ni Samuel. Lahat ulit kami napatingin sa kanya. "What?"

Natahimik kaming lahat sa lamesa. Nang hindi ko inaasahan ang nangyari, bigla akong nabuhusan ng milktea na dala ng isang trabahador dito.

"Oh F—" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nung makita ko ang mukha nito.

"Sorry sir, hindi ko sinasadya." Tarantang sabi niya Sabay kuha ng towel niya at pinunasang ang suot kong black t-shirt. Basang-basa ako.

"Ayusin mo trabaho mo Tol!" Gigil na sabi ni Samuel at sabay pa sila ni Jeremy. Kinabahan ako sa tono ng boses nila pati ang tingin nila.

"Kalma guys, aksidenti ok?" Sabi ko dahil alam kong mga loko tong kasama ko.

"Sorry talaga sir." Paghingi niya ng pasensya, halatang kabado siya. Nakikita kong kinakabahan siya. Ang kapal ng kilay niya, ang lalim ng mga mata niya. Ang gwapo niya.

"Anong nangyari dito?" Sabi nung magandang babae nang makalapit sa amin. I think manager nila.

"Nabuhusan ng Milktea maam, I didnt mean to do that." Kinakabahan sabi ni Chris. Kita ko sa nametag niya.

"Are you okay Sir?"

"Yes, maam. Okay lang po ako." Sabi ko sabay ngiti at ngumiti rin ako kay Chris.

Daddy 1 (BXB) (COMPLETED)Where stories live. Discover now