Chapter 40

9.1K 202 52
                                    

CHAPTER 40

Family's Dark Secret

Miguel's POV

Agad kong hinila si Kuya Carlo sa taas ng hospital kung saan may rooftop, ayoko muna kasing umuwi ng bahay dahil alam kong hindi magiging maganda ang sitwasyong madadatnan ko roon lalo pa't malalaman na ni Lola ang sikretong pinaka-iniingatan nila. Paano pa kaya kapag nalaman niya na ang sarili kong mga Tito at Ninong ay binababoy ako at ang masakit ay ang sarili kong Lolo at Ama, ay kasali rin sa pambababoy sa musmus kong pagkatao dati? Ano na lang kaya magiging reaksyon niya? Magagaya rin ba siya sa reaksyon ni Mommy dati? Matutulad din ba siya sa nangyari kay Mommy?

Sana hindi.

Nang makarating kami sa rooftop ay kusang tumulo ang luha ko dahil sumalubong sa akin ang lamig ng dapit hapon, papalubog na ang araw, sobrang lungkot at ganda ng kanluran. Tila sumasabay ito sa agos ng aking nangingiming damdamin.

Naramdaman ko na lamang kusang tumulo ang luha sa aking mga mata. Hindi ko alam pero parang ang bigat ng katawan ko pati pakiramdam ko. I feel harassed and exhausted. Napasandal ako sa dingding at napatingala, para akong nalulunod sa kalungkutang hindi ko mawari. Parang may kulang sa pagkatao ko, pakiramdam ko gusto kong masaktan, gusto kong makasakit at gusto kong maging hayop.

Napahawak ako sa ulo saka napakagat sa akin labi dahil gusto kong makakita ng dugo, kaya dahil sa hindi ko malamang dahilan, nalasahan ko na lamang ang dugo na nagmumula sa labi kong nakagat ko ng sobrang lakas. Halos hindi ko maramdaman na nasugatan ko na pala sarili ko.

Napahawak ako sa labi ko saka napangiti at unti-unting napatawa ng makita kong may dugo sa kamay ko, "You don't need to hurt yourself again, bunso," Carlo said while leaning back on the wall beside me while sipping a smoke into his vape. Saka binuga ito at nagporma ng O shape. "I know, you cant control it but you have control it lalo na ngayon ay kailangan mong lumaban," seryosong dagdag pa nito saka tumingala sa langit at ngumiti, "I know bunso kung ano nararamdaman mo," kitang-kita ko. Ngayon kung gaano kagwapo si Kuya Carlo nang ngumiti ito, napatitig na lamang ako  sa kanya saka hinawakan ang balikat nito, "but always remember, no matter what happen, yang ganyang klase ng titig mo sa akin ay hindi ko hahayaan na ipagpatuloy mo dahil sasapakin kita kapag ako ay pinagnanasaan mo."

Magsasalita pa sana ako subalit Napatanga ako sa sunod nitong sinabi. Nakita ko ang unti-unting pagsilay ng mas malaking ngisi sa labi ni Kuya saka ko ito binatukan ng napakalakas at lumayo sa kanya.

"Aray! Puta!" Maktol niya saka masamang tumingin sa akin.

Hindi ko mapigilan ang mapatawa ng malakas ng makita ko ang lukot nitong noo habang masamang nakatingin sa akin, "Para kang—" hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko dahil sa tawa ko, "para kang tanga at batang inagawa ng bobot Kuya," dagdag ko pang sabi bago tumawa ulit. Napapahawak pa ako sa tiyan ko dahil sa halos hindi na ako makahinga kakatawa.

"Happy? Happy ka na?" Sarkastikong tanong nito na mas lalong ikinatawa ko, "tang ina ka bunso, sarap mong kaltukan," gigil nitong sabi saka nakitawa narin sa akin.

Umupo na kami ngayon sa sahig habang nakatingala sa pulang langit, walang nagsasalita sa amin ni Kuya. Pinapakiramdaman lang namin ang isat isa at hinahayaan na damhin ang tahimik at lamig ng hapon. Nagshe-share kami ng iisang vape at pinaglalaruan ang usok nito, hindi namin alintana ang oras, basta masarap sa pakiramdam na peaceful ang isipan namin dalawa ngayon ni Kuya Carlo kahit walang lumalabas na kataga sa amin bibig.

Daddy 1 (BXB) (COMPLETED)Where stories live. Discover now