Chapter 28

13.1K 210 34
                                    

CHAPTER 28

Little Nasty

Miguel's POV

Habang tinatahak namin ang daan palabas ng medyo masukal na kagubatan patungo sa highway ay napalingon ako sa isang maliit na kubo malapit dito, ngayon ko lang nakita ito dito.

Maganda ito at malinis, katulad ng kubo nun na pinaglaruan namin ni Tito Roman, napatagal ang titig ko sa kubo kaya nagtataka akong napalingon kay Ninong Kolas na agad niyang na-gets.

"Matagal-tagal na panahon narin simula ng balikan ng may-ari ang bahay na 'yan," panimula ni Ninong Kolas, tumigil pa siya sandali para makita namin ito. Ang ganda kasi, kahit malayo sa mga tao pero ang peaceful naman. Baka siya ang may-ari nitong lupang kinaroroonan ng talon.

Sa pagkakaalam ko kasi may isang pamilya dati na pinagkakatiwalaan ni Lolot lola at sa kanila nila ipinagkatiwala tong lupain na ito, pero ang ipinagtataka ko ay bigla na lang silang naglahong para bula matapos mamatay si Mommy, naaalala ko pang nakalaro ko pa minsanan ang anak nila.

"Ngayon lang ulit nagkaroon ng tao, base sa narinig kong kwento niya, mananatili muna siya diyan ng ilang araw bago babalik sa Maynila," pagpapatuloy ni Ninong Nicholas. Napatango na lamang ako. "Kilala mo rin ang nakatira diyan Miguel, you knew him well, very well." Saad ni Ninong tsaka binulong ang huling salita pero rinig na rinig ko parin.

Nakaramdam ako ng kaba sa tono ng pananalita ni Ninong Nicholas, hindi ko alam pero ngayon ko lang naramdaman ang kaba na ito. Parang nangyari na ito once, yung ganitong kaba. Yung kaba nung mahuli ko si, "Sinong nakatira diyan Ninong Kolas?"

Hindi ako sinagot ni Ninong Kolas dahil agad niyang pinaandar ang kotse na parang nagmamadali, nanlaki ang mga mata ko nang paalis na kami papayo at nakita ko ang taong malapad na nakangiti habang nakatingin sa papaalis naming sasakyan.

Mayo?

Naghuhurumintado na naman sa kaba ang dibdib ko, para akong malalagutan ng hininga sa nararamdaman ko, hindi, hindi maari. Ito ba ang dahilan bakit tila ilang at hindi mapakitunguhan ni Ninong Nicholas si Mayo ng maganda? Ito ba ang dahilan bakit parang takot siya rito? Siya nga 'yun, siya yung taong minsan ng sumira sa akin, ang taong minsan ng pumatay sa akin dahil sa Daddy ko. Ang taong halos araw-arawin din si Daddy sa opisina niya para lang mapunan ang uhaw sa laman, siya rin ang taong pinagsamantalahan ang kahinaan ni Daddy at ginamit ang pangongonsensya dito sa pagkamatay ng mga magulang para makuha ang kagustuhan kay Daddy.

"Si Joshua ang nakatira roon," pambabasag ni Ninong Kolas sa katahimikan dahil halos hindi ko na alam ang gagawin ko. Napagtagpi-tagpi ko na ngayon ang pangyayari. "Siya ang nawawalang Anak ni Marites at Dante, I know, na alam mo na ang kaugnayan nila ng Daddy mo kaya hindi ko siya kayang pakitunguhan ng mabuti dahil mahal ko ang pamilya ko, Miguel." Nalulungkot na sabi ni Ninong, hinawakan niya ang kamay ko habang nakahawak sa manibela ang kabilang kamay niya. "You shouldn't trust him," nag-aalalang napatingin ito sa akin ang mahigpit na hinawakan ang kamay ko. "He will destroy you. That crazy faggot will destroy you and Paulo."

Naging doble na ang kaba at takot na nararamdaman ko, bigla akong napatingin sa repleksyon ko, nakatingin lang din siya ng seryoso sa akin pero hindi siya nagsasalita. Parang sinasabing, you know what to do, brother.

Napakuyom ako ng mahigpit at naramdaman kong inihinto ni Ninong Nicholas ang kotse, "Yayain muna ang Daddy mo umuwi bukas, hindi maganda na manatili pa kayo rito sa Batangas hanggat nandito ang magtita, lalo pat alam kong nakikipagkita at galing si Loreli sa inyo kanina." Kinakabahang sabi ni Ninong Nicholas at kita ko ang pag-igting na panga niya, galit na galit siya, ramdam na ramdam ko. "Once na nakuha na nila ulit ang loob ng Daddy mo, mawawalan ka, Miguel."

Daddy 1 (BXB) (COMPLETED)Where stories live. Discover now