Untold Part, Daddy 1

10.5K 231 33
                                    

•••

Carlo's POV

Walang gustong magsalita sa amin matapos sabihin ni Jeremy ang sikreto na matagal na namin tinatago. Lahat sila ay napanganga at hindi makapaniwala sa nangyari, kahit si Daddy ay alam kong hindi alam ito.

Napatulala lang si Lola habang nakatingin sa akin at unti-unting tumulo ang luha rito na hindi na kayang pigilan. Kitang-kita ang sakit at pagkamuhi sa mukha niya. Ganitong-ganito ang nararamdaman ko dati nang malaman ko ang totoo kong pagkatao. Mas mahirap ang akin dahil mag isa ko lamang itong ininda at walang sinuman ang pweding makaalam.

Napasinghap ang lahat sa narinig at parang bomba ito na sumabog, ito ang pinaka-isa sa masakit na katotohanan. Lahat sila ngayon ay napatingin sa akin na parang normal lang kung kumilos.

Normal na lang sa akin dahil simula nung edad 0nse(11) pa lang ako ay alam ko na ito. Nalaman ko ito sa isang DNA test na isinagawa ni Lolo dati, narinig ko kasi na nag-uusap sila ni Uncle Isaac kasama si Tito Michael, pero hindi ko ito nasabi dahil mahigpit ako nitong binawalan at halos mamatay ako sa araw na iyon. Sobrang sakit, as in walang kasing sakit ang nararamdaman ko ng mga panahon na nalaman kong hindi ako tunay na anak ni Dad at si Lolo mismo ang tunay kong ama at si Miguel ay kapatid/pamangkin ko.

Napabalik lang kaming lahat sa ulirat ng bigla na lamang natumba si Jeremy sa sahig dahil sa impact ng pagkakasuntok ni Lolo rito. Agad naman umawat sila Tito Axel at Tito Roman samantalang si Ninong Liam at Ninong Lucas ay nakahawak kay Lolo na pulang-pula at parang tigre na nakawala sa hawla.

"Putang ina Mo!" Malakas na sigaw ni Lolo matapos suntukin si Jeremy na pumutok ang labi. "Wala kang karapatan makialam dito at sabihin ang mga bagay na wala kang alam, dahil una sa lahat wala kang ebidensya!"

"Francisco!" Sigaw ni Lola ng makitang natumba si Jeremy saka tinutukan ng baril.

"Itikom mo yang bibig mo kung ayaw mong hindi kana sikatan ng araw," galit na sabi ni Lolo habang nanlilisik ang mga mata.

Napaiyak si Lola habang nakaluhod at nakatanaw sa nangyayari, kitang-kita ko ang sakit at pighating bumabakas sa mukha nito. Hindi lang naman siya ang nakakaramdam ng ganuon, maliban sa akin, si Tito Michael at Jeremy, hindi na nabigla rito dahil alam na nila ito. Pero kay Daddy at Miguel ako labis na nasasaktan, yung tingin nila sa akin ay hindi ko nakakayanan, lalo na si Daddy. Kaya agad akong napaiwas dito kasi parang tutulo na ang luha ko.

Dahil sa nalaman, napahawak si Lola sa bibig nito habang nanlalaki ang mga mata na tila hindi parin nagsi-sink in sa utak niya ang nalaman.

"Sa kinikilos mo Francisco, parang sinasabi mo na rin sa amin lahat na totoo ang sinasabi ni Jeremy," madamdaming tinig ni Lola habang mariin na nakatingin ng masama kay Lolo. Agad naman napabaling ang tingin ni Lolo dito na natataranta at tila hindi alam ang gagawin. Napahawak pa ito sa noo na parang sumasakit ang ulo at hindi alam paano ipapaliwanag ang lahat kay Lola.

"Look Rita," sabi nito at hinarap si Lola at akmang hahawakan na ito ng itaboy ni Lola ang kamay nito. Kitang-kita ko ang sakit na rumihistro sa mata ni Lolo. Ito ang kauna-unahang makita namin ang takot at lungkot sa mukha niya. "Hindi ko sinasadya ang nangyari," huling kataga ni Lolo lumipas ang ilang minutong katahimikan habang nakatitig sila isat isa. Walang gustong magsalita at umimik sa paligid namin.

Gusto ko magwala at ibuhos lahat ng sakit ng nararamdaman ko pero ayaw ko ng dumagdag pa sa bigat ng atmospera dito sa bahay. Napalingon ako kay Tito Michael ng hawakan nito ang ulo ni Miguel, itinuturing na naman niyang puta si Miguel sa paraan ng hawak niya sa buhok nito. Hindi ko alam pero may nakikita akong hindi maganda sa paraan ng titig ni Tito Michael kay Miguel, sana mali ang kutob ko. Agad din akong napalingon kay Lolat lolo ng magsalita ulit si Lola.

Daddy 1 (BXB) (COMPLETED)Where stories live. Discover now