Chapter 20

3.5K 103 45
                                    

UNEDITED

Ashley's POV

Nakaupo kami ngayon sa isang napakahabang mesa. Kase magdinner na kaming lahat kay Mama na nga lang ako sasabay sana kaso si Zepro parang sumasama na naman yung timpla sakin. Kaya balak ko sana untian nalang kain tapos sabay nalang ulit ako pagkain kay mama later. (totoong mama ko)

"Baby Abo Eat more ha. Sabi ko naman sa mama mo kumain na din sila dun sa loob kaya na natin mga sarili natin"

Pansin ata ni Nanay Flame na mahina ako kumain. Napangiting pilit ako dito at tumango tango.

"Tsk."

Rinig kong mula sa katabi na walang iba kundi ang laging galit sakin na si Zepro.
Medyo napaawang pa yung bibig ko ng paglalagyan nya ng pagkain yung pinggan ko.

"Sus Flame. Anong kaya sarili? Eh kulang na nga lang magpasubo ka kay Zeus"

Habang ang iba ay nagtawanan na sinabi ni Tita Mandy na dahilan kaya napanguso na naman si Nanay Flame.

"Start eating Ashley."

Napalunok ako kahit walang pagkain sa kasungitan nito. Nakakakaba naman pag tinatawag akong Ashley. Iniiwasan kong mapatingin sa kanya at sa kakaiwas ko napatingin na naman ako kila Kuya Zack. ang sweet nya sinusuboan pa si ate Chloe.

Kumain kana lang Ashley ang sungit pa naman ng katabi mo. Pag tingin ko ulit kay Zepro nakatingin na naman sya kila Kuya Zack at Ate Chloe. Sa tingin nya dito mararamdaman at masasalamin mo yung selos. Oh Ashley wag ka magselos Wala kang karapatan. Pero Zepro kase sa dami mong pwede magustohan bakit yung girlfriend pa ng kapatid mo. Aarrgghh! Sakit!

Bigla akong nataranta ng magsalubong ang mga mata namin bigla. Nahuli nya ba akong nakatingin sa kanya? Malamang Ashley no! Nakakahiya!!!!!!

"Kailan nyo pa nalaman na mag(mate) kayong dalwa?"

Pagsingit ni Tita Paris sa mga tao dito na may kanya kanyang mundo. Nakatingin ito kila Kuya Zymon at Tammy nakakatawa lang dahil nasa gitna nila si Kuya Tommy.
Mag.. ano daw silang dalwa? Di ko maintindihan.

"Years ago tita, bago pa kami umalis nila Dad."

Sagot ni Kuya Zymon at ng lalagyan sana ng pagkain ang plato ni Ate Tammy ay inagaw ito ni Kuya Tommy at sya ang naglagay. Binigyan pa ng masamang tingin si Kuya Zymon na napabuntong hininga na lang.
Kaya naman napatawa ako ng bahagya sa kakulitan nito. Napaka overprotective talaga nito sa kambal nya.

Napatakip lang ako sa pagtawa ng bahagya akong sikohin sa braso ng katabi ko at tinaasan ako ng isang kilay tapos tumingin sa plato ko na parang sinasabing kumain pa ako. Sungit!

"Oh my God! Bakit hindi nyo sinabi agad edi sana di kana namin sinama Zymon. Ayan tuloy nagkalayo pa kayo ni Tammy"

Tila nakokonsensyang sabi ni Tita Sam. Napakasupportive nilang lahat pag dating sa mga love life ng mga anak nila.

"Oo nga son, edi sana nakagawa pa kami ng kapatid mo"

Medyo nasamid ako sa sinabi ni Tito Zyrus mabuti nalang agad akong inabutan ni Zepro ng tubig. Kita ko pa ang pagtakip ni Kuya Seb sa tainga ni Cane. At pagtawa ni Ate Chloe na agad ding natigil ng samaan sya ng tingin ni Kuya Zack.

"It's ok mom, we decided naman na wag muna sabihin sa inyo"

Sagot ni Kuya Zymon na hindi pinansin ang sinabi ni Tito Zyrus.

"Why?"

Pagtatanong ulit ni Tita Paris. Sina Tatay at Nanay Flame may sariling mundo naman.

"What?!"

Iritang tanong ni Kuya Tommy ng imbes na sumagot si Kuya Zymon at Ate Tammy ay tumingin ito sa kanya.

"You're the hadlang in their love story, Bro"

Conyo at natatawang sabi ni Ate Chloe at ng tumingin ito sakin ay nagbigay ako ng ok sign tanda ng pagsang-ayon ko.

"Baka you're inggit lang Kuya Tommy Sabi ni Cane kanina"

Nagtawanan kaming lahat dahil sa paggaya ni Brix sa pagkakasabi ni Cane kanina. Proud pang tumayo si Cane at nakipag apir kay Brix.

"Arrgh! See Mom they're holding each other's hand at my back."

Iritang iritang Sabi pa ni Kuya Tommy at ng lumingin ito sa likod nya ay doon nga magkasugpong ang mga kamay ni Kuya Zymon at Ate Tammy.

"Bakit kase dyan ka sa gitna Kuya eh. Haha"

Di na napigilang singit ko sa mga ito. Nagmamaktol na tumayo si Kuya Tommy at nakipag palit ng upo kay Ate Tammy. Kinindatan naman ako ni Kuya Zymon bilang pasalamat na nagthumbsup lang ulit ako. Pero nagulat ako ng may biglang pumisil sa mga pisngi ko gamit isang kamay  nya at hinirap ako sa kanya.

"Bakit ba ang kulit kulit mo?"

Wait saglit. Parang lumukso yung puso ko. Paano ba naman kase yung pagkakasabi nya sakin parang yung ako na pinakacute na bata. Alam nyo yun yung mararamdaman mo na sinasabihan ka ng cute.

"Ate, Kuya ang cute nyo smile!"

Sabay kaming napatingin kay Cane na may hawak na camera. Nag peace sign pa ako sa taas ng ulo ko. Siguro mukha akong ewan dun kase pisil ni Zepro pisngi ko kaya medyo nakanguso ako dun.

"Stop na ang kulitan. Kumain na!"

Suway samin ni Nanay Flame kaya nagkainan na ulit. Paminsan minsan nagtatawanan at salamat sa Diyos for the first time in forever ramdam kong ang gaan ng aura ngayon ni Zepro Hindi mukhang mangangain ng tao. Pag ganun kase para syang may lahing demonyo.
(Without Ashley knowing na Demonyo talaga. HAHAHA)

Hanggang sa palalim ng palalim ang Gabi at ang nalalapit na birthday ni Zepro na ang ping-uusapan ng lahat.

"Shopping us tomorrow ha! Bawal kasama ang parents."

Pag aaya ni Ate Chloe saka umirap sa mommy nya.

"Shopping us tomorrow din ah. Bawal kasama mga KIDS."

Ganti ni Tita Mandy kaya napuno na naman kami ng tawanan.

PAGLILINAW: Medyo magulo ang lahi nila pero walang magpinsan na naging magmate dyan. Kase sila Blake at Blaze kambal pinsan nila si Sage. At ang mate ng mga Anak ni Sage nga anak ni Zeus which is Hindi nila kamag anak. Sampal sakin mag sabing may magpinsan!😾

ISA PA: Yung sa 'C' shape na form ng Car nila sa last chapter ng Book1. Ano naman kung details. HAHAHAHA kukulit nyo natatawa ako sa comments nyo.

SALAMAT sa pagbabasa. LOVE YOU ALL!

Sorry sa typos at Grammatical errors!

Mr.Grey's ProgeniesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon