Chapter 40

320 13 1
                                    

UNEDITED

Ashley's POV

Hanggang ngayon naiilang parin talaga akong kasabay sila pagkumakain. Pero subrang thankful ko kase ramdam ko talagang welcome na welcome at tanggap ako sa pamilya.

Tahimik lang akong kumakain ganun din naman itong katabi ko sumasagot lang paghinihingan ng suggestion. Hindi ko nga alam pinag-uusapan nila basta may parang party na magaganap yata.

"Ano gusto mo gift ko sayo, hubby?"

Malambing na tanong ni Nay Flame kaya napatingin ako sa kanila ang cute talaga nila.

"Anything from you, wife"

Tipid na ngiting sagot ni Tay Zeus dito at bahagya pang ginulo ang buhok ni Nay Flame. Ang cute talaga nila para parin silang bagong couple kasweet sana ganun din kami ni Zepro pagkasal na kami.

Huh?! Agad naman akong namula ng marealize ko kung ano yung naisip ko. Jusko naman! Na sa ganun na agad ako ang bago bago palang namin.

"Aww!"

Mahinang daing ko ng may pimitik sa noo ko hindi naman masyado masakit nagulat lang din talaga ako.

"What are you thinking huh?"

Masungit na tanong nito sakin. Bigla naman akong nahiya masyado sigurong halata ang pamumula ko. Pagtingin ko sa paligid nakatingin din sila samin.

"Wa-wala naman eh. Ang ano... Ang sweet lang kase nila Nay and Tay oh."

Paliwanag ko dito at nginuso ko pa si Nay Flame at Nay Zeus.

" Hihi. Ang cute talaga ni Abo, hubby ko"

Bulong nito kay Tay Zeus pero narinig din naman naman. Nagkasalubong ang mata naman ni Nay kaya napangiti nalang din ako dito. After nun tumingin ako sa katabi at ayun tinaasan ako ng isang kilay. Grabe ang sungit talaga

" I'll prepare gift for you too Daddy! It's you 50 years being in the throne. You're so old na daddy pass it to kuya Zack na po"

Tila excited at nang-aasar kay kuya Zack na sabi ni Hurri. Pero hindi yun ang mas napansin ko 50 years? Sa naaalala ko hindi pa naman birthday ni Tay Zeus at 44 years old palang dapat sya. Or mali ako?

"50 years? Diba 44 palang si Tay Zeus?"

Di napigilang tanong ko na kinatahimik ng buong mesa. Kita ko rin na parang kinakabahan si Hurri.
Napatingin lang ako sa tabi ko ng padabog nitong binitawan ang spoon na hawak nya.

"May prob-"

"Aaahhh!"

Di ko na natuloy ang tanong ko ng sumigaw si Hurri kasabay ng nabasag na baso na nahulog ata sa tabi nya.

"What the fuck Zepro!"

Nagulat ako sa mga nangyayari kase tila galit naman si kuya Sebastian kay Zepro mabuti nalang pinigilan sya ni kuya Zack. Itong si Zepro naman masama ang tingin kay Hurri na halatang takot sa titig ng kuya nya.

" Calm down Zepro. Anong problema?"

Nahinang bulong ko dito sabay hawak sa kamay nyang nakakamao sa binti nya. Tila ba nagagalit ito kay Hurri sa tingin na binibigay nya sa kapatid. Agad naman bumukas ang palad nya para mahawaan ng maayus ang kamay ko.

"You fucking calm down Zepro!"

Nakakatakot na sabi ni Kuya Zack na agad naman hinawakan sa braso ni Ate Chloe.

"Enough!"

Nakakatakot at mapanganib na singit ni Tay Zeus. Nagbalik naman sa maayus na upo nila ang lahat si Kuya Sebastian ay inaalo parin si Hurri na halos maiyak na.
Hindi ko talaga alam ang nangyayari at kung anong pinag-aawayan nila. Natahimik nalang ako habang si Zepro ay mahigpit ang hawak sa kamay ko. Tumayo si Tay Zeus at umalis maya maya lang ay tumayo na rin lahat maliban sakin kay si Zepro at Nay Flame. Hindi ko alam pero parang sumunod silang lahat kay Tay Zeus.

" Lakad na anak and please listen to your dad"

Mahinahong sabi ni Nay Flame ng lumapit samin at hinalikan sa noo si Zepro na seryoso parin. Bumaling sakin ang seryosong mukha nito na tila ba nagpapaalam.

"Sige na sunod ka na dun. Please lang wag masyado mainitin ang ulo, Love"

Pagkumbinsi ko na rin dito dahil tila nag-aalangan pa itong iwan Ako.

"I'll take care of her"

At saka lang sya tumayo ng sinabi yun ni Nay Flame. Pag-aalis nilang lahat ay inaya ako ni Nay Flame sa sala kase wala na rin namang gana kumain ang lahat. Kahit wala akong maiintindihan kinakabahan ako.

"Relax ka lang Abo. My hubby can handle them"

Pagpapakalma sakin ni Nay Flame na nakaupo sa tabi ko halata ata ang pagkabalisa ko.

"Hay nako! Napakamainitin lang talaga ng Ulo ng anak ko na yun. Manang mana kay hubby! Papagalitan ko nga si hubby mamaya."

Sabi pa nito kaya medyo natawa nalang din Ako. Ayan tuloy si Tay Zeus pa mapapagalitan mamaya. Habang nag aantay kase pinaliwanag sakin ni Nay Flame ang about sa party na magaganap celebration daw yun ng ilang years na paghandle ni Tay Zeus sa company at nanatiling maunlad pamamalakad nya. Hindi Ako nagtanong ko ng about sa tanong ko kanina. Ang gusto ko lang ay malamang kung anong nangyayari sa usapan nila sa office ni Tay Zeus.

Nagtuloy ang kwentohan namin ni Nay hanggang sa makarinig kami ng mga yapak pababa ng hagdan. Napatayo ako agad ng makita silang pababa sa pangunguna ni Tay Zeus.
Nakahingi naman Ako ng maluwag ng makitang imbes na kay kuya Sebastian nakaangkla ang kamay ni Hurri ay kay Zepro ito na tila kinukulit na naman nya sa kung ano.
Mabuti naman at mukhang ayus na sila ang galing talaga ng bound ng pamilya nila.

Agad na kay Nay ang punta ni Tay Zeus pero umatras si Nay Flame dito at masama ang tingin.

"What?"

Nagtatakang tanong ni Tay Zeus napangiwi naman Ako kase seryoso pala si Nay Flame sa sinabi nya.

"What is it, Ash?"

Napatayo naman Ako ng tuwid ng sakin bumaling si Tay Zeus basta talaga about kay Nay Flame ang seryoso nya masyado.

"Dad."

Seryso at malamig na sabi din naman ni Zepro na nakalapit na pala sakin at agad humawak sa kamay ko. Tila ba sinasaway nito ang daddy ang tapang din talaga ng isang'to.

"Eh.. kase po sabi ni Nay kanina papagalitan ka daw po nya kase sayo mana ni Zepro na mainitin ang ulo"

Paliwanag ko dito rinig ko naman ang mahinang tawa ni Ate Chloe na kumaway sakin ng mapatingin Ako sa kanya. Agad namang sumunod si Tay Zeus kay Nay Flame ng umalis ito. Ginulo pa ni Tay ang buhok nya habang nakasunod dito.

"Ate Abo oh! Si kuya ayaw ka na payagan sumama manuod sakin. Nag sorry naman na ako sa kanya eh."

Pagsusumbong naman sakin ni Hurri inalis pa nito ang pagkakahawak ng kuya nya sa kamay ko kaya sumama na naman ang tingin nito sa kanya.

"Ate..."

Tila na tatakit na sabi ni Hurri at nagtago sa likod ko at dalwang beses pang pinisil ang kamay ko na sya na ang may hawak.

"Zepro."

Galit galitang suway ko dito na inikotan lang ako ng mata. Balik sa pagiging masungit na naman sya.

Mr.Grey's ProgeniesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon