Chapter 7

5.6K 177 5
                                    

UNEDITED

Third Person's POV

Magkakaharap sila ngayon sa sofa magkakatabi si Sebastian Chloe at Zack.
Kaharap nila si Zeus Hurricane at Flame nasa gitna si Cane habang naka cross arms at pagnahuhuli nyang nakatingin sa kanya si Sebastian ay sinisimangutan nya ito.

"First meeting, wala ka agad."

Pabulong na asar ni Chloe sa Kuya nya na nakatanggap agad ng masamang tingin dito.

"Shut up!"

Inis na bulong din ni Sebastian saka tumingin kay Zack na agad namang inakbayan si Chloe para matahimik ito.

"Baby, why don't you play with Sebastian?"

Malambing na tanong ni Flame sa anak dahil botong boto talaga sya para sa dalwa kahit bata pa si Cane.

"No! I only want to play with Ate Abo and kuya Brix and kuya Brent. Not with him! But he can go and talk with his girlfriends."

Mataray na sagot nito sabay baling ng masamang tingin kay Sebastian na hindi mawari kung bakit kinakabahan sya dahil sa isang paslit.

"Princess."

Malamig na pagtawag ni Zeus sa bata na agad maluha luhang tumingin sa kanya.

"Sorry daddy."

Ungot nito at sumampa sa hita ng ama saka sumubsub sa dibdib nito.

"Hubby naman eh. Wag mo tinatakot baby girl natin."

Nakangusong suway ni Flame sa asawa at bahagya ding lumapit para haplosin ang likod ng anak.

"I'm not, wife"

Pero pinaikot lang ni Flame ang mga mata bilang sagot dito na kina kunot ng noo ni Zeus.

"You, don't dare rolled your eyes again"

Malamig na suway din nito sa asawa saka hinawakan sa baba at nilapit sa kanya. Pero hindi para maspagalitan pa kundi para halikan ang magkabila nitong talukip ng mata.

"Mom, Dad! Seriously?"

Naiilang na reklamo ni Zack dahil kung makapaglambingan ang mga magulang nya ay parang hindi sila kaharap.

"Sus! Mamaya nga kikiss mo din si Chloe. Sure ako dun, piksman!"

Panunukso naman dito ni Flame na kinapula ng mukha ni Chloe.

"Whatever, Let's go Mate I'll show you something."

Pero tinangay na ni Zack ang mate nya pataas para pumunta sa kwarto nya. Sakto namang pababa ang nagmamadaling si Zepro.

"Mom! Mom please. My angel she's not talking. Tulala lang sya and.. and I don't know"

Natatarandang Sumbong nito sa ina dahil matapos ang nakita ni Ashley kanina ay natulala na ito. At dahil bata nga ito ay parang hindi makapaniwala na totoo ang ginawa ni Cane.

"Calm down Zepro."

Seryosong sabi ni Zeus dahil nakikita nyang nahahawa na sa pagkataranta ang asawa nya. Nais mang salungatin ni Zepro ang ama dahil subra syang nag aalala ay hindi na nya ginawa

"Kalma ka lang Baby boy. Natataranta ako sayo eh. Halika na! Seb pwede sayo muna si baby Cane"

Bilin ni Flame dahil kailangan nya parin si Zeus pagnaglalabas sya ng kapangyarihan nya.

"No! No!"

Pagrereklamo ni Cane sa ama ng ipinapasa na sya nito kay Sebastain. Pero ng makasalubong nito ang gintong mata ng kanyang ama ay napatahimik itong nakasimangot.

"Be a good girl princess"

Paalala pa nito sa anak bago tuloyang inilipat sa bisig ni Sebastian na aminadong kinatakabahan parin sa kasungitan ni Cane.
Agad na nagpunta sila Flame sa kwarto ni Zepro kung saan andun si Ashley na tulala parin.

"Mom, pls do something..."

Natatarantang pakiusap ni Zepro na kinailing nalang ng ama dahil ilang beses na din ito nangyari at laging ganun parin ang reaction ng anak nya.
Agad namang kumilos si Flame para gawan ng orasyon kulam o kung ano mangmagic na magpapawala ng alaala nito sa nangyari kanina.

Samantalang naiwan sa sala si Sebastian at Cane matapos makaalis nila Zeus ay umalis ang bata sa bisig nya. Kaya ngayon ay magkatabi sila sa sofa.
Pero si Sebastian ay maayus na nakaupo habang si Cane naman ay naka indian seat paharap sa kanya at nakacross arms pa habang nakatitig kay Sebastian.

"Fck! Fck! Fck!"

Paulit ulit na mura ni Sebastian sa isip nya habang sunod sunod din ang paglunok.

"Bakit po gumagalaw bukol sa leeg mo?"

Magalang pero halata ang pagkamasungit sa boses ni Cane. Napaayus lalo ng upo si Sebastian sa bigla nitong pagsasalita. Tatlong beses muna syang napakurap bago alanganing humarap sa bata.

"No..Nothing. ehem!"

Nag ubo ubohan pa sya kunyari ng hindi nya nagawang matuwid ang pagsasalita. Nanaging dahilan ng pagkunot ng noo ni Cane. Napaiwas agad ng tingin si Sebastian pero ang makulit na bata ay hinahabol ang kanyang tingin kaya bumabaling din ito kung saan siya tumitingin para magkasalubong ang mata nila.

"Baby pls. Stop doing that."

Malumanay na suway ni Sebastian dito na kina tigil nga ni Cane at napanguso.

"But still. Nag-usap ka ng babae po."

Masungit na sabi nito saka umayos ng indain seat at cross arms

"They're my classmates.. and that's it. I swear"

Kung mapagmamasdan ang itsura ni Sebastain ay hindi mababakas ang medyo suplado nitong ugali. Makikita mo lang na tila naghahagilap ito ng salita at natatakot mapagalitan.

"And officemates po?"

Enosenteng tanong ni Cane na inalis pa ang pakakacross arms at nagbend palapit kay Sebastain kahit nakaindian seat parin.

"Yes"

Seryosong sagot ni Sebastain habang magkasalubong ang mga tingin nila.

"Hmm... Ok po. I believe you na."

Sabi ng bata at ngumuso nguso pa sa magkabilang tabi na tila nag iisip.
Bigla itong tumayo sa sofa kaya napaalalay agad si Sebastain dito.
Tumalon talon ito ng ilang beses bago naupo sa lap nya paharap sa kanya. Muli nitong hinawakan ang magkabilang pisngi nya

"Why po ngayon lang kita nakita?"

Tanong nito habang titig na titig sila pareho sa mukha ng isa't isa.

"Because I was in New York"

Malumanay na sagot ni Sebastian dito samantalang ang dalwang hinlalaki naman ng maliit na kamay ni Cane ay pabalik balik na humahaplos sa magkabilang pisngi ni Sebastian.

"Malayo po?"

Patuloy na pagtatanong ng bata na ang maldita kanina ay balik sa batang wala pa masyadong alam.

"Yes baby."

Malambing na sagot si Sebastian at inipit pa sa likod ng tenga ni Cane ang mga buhok nito.

"Bakit po ikaw Big na. Ako maliit po?"

Bahagyang natawa si Sebastain kaya naalis ang mga kamay ni Cane sa pisngi nya. Pero binalik din agad ng bata.

"Because you're still a baby."

Natatawang sagot nya dito na kinanguso ng bata bagay na namana nya sa Ina nyang si Flame. Marami  pang kung ano anong bagay na tinanong si Cane na natutuwang sinasagot naman ni Sebastain. Na parang kanina lang ay hirap na hirap paamoin ang bata.

"Hmm... Gusto ko po cookies. Gutom ako."

Maya maya ay ungot nito at di napigilang mapisil nya ang maliit na ilong ni Cane dahil ang cute nitong tingnan.

----
Sorry ngayon lang nawalan kase ako ng Load. Isa lang akong dukha. Hahaha.

Enjoy Reading!

Mr.Grey's ProgeniesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon