Chapter 27

2.1K 80 9
                                    

UNEDITED

a/n: I dedicate this chapter to @itsnicolegwapa18 Di ko alam kung nakatagged ba sa kanya. Hahaha
Pero I want you to know guys na subrang na aappreciate ko ang mga messages nyo. Thank you so much!

Ashley's POV

Laking pasalamat ko ng pumayag naman syang maupo kami kase feeling ko pagpinakawalan nya ako sa bisig nya kosa nalang akong matutumba sa panlalambot. Di ko nga alam kung pamlalabot lang para kasing may kasama ng panginginig sa tuwa. Ang weird ko naman palang kiligin.

"I like this feeling"

Rinig kong mahinang bulong nito. Nakaupo kami sa sofa nakasandal ang likod ko sa sandalan habang sya nakapatong ang ulo sa balikat ko. Ang mga braso nito ay nakapanatiling nakapulupot sa bewang ko na parang ayaw akong pakawalan.

"Ak-Ako din."

Mahinang sagot ko nalang din kase parang required sumagot kahit pa medyo may sumasabit sa lalamonan ko. Ramdam ko naman ang maspagkabig nito sakin palapit sa kanya. Nanatili kami sa ganun ng mga ilang minuto pa ng walang umiimik.

"Wag kang tutulog ha. Marami ka pang bisita sa labas."

Paalala ko dito habang sinusubukang silipin ang mukha nya at nakapikit nga ito.

"Argh!"

Paungol na reklamo nito sa sinabi ko. Napangiti nalang ako sa cute na expression ng mukha nito habang nakapikit. Yun lang at hindi na sya umimik ulit kaya andito na naman ako sa sitwasyon na parang obligasyon kong mag-isip ng topic para may mapag-usapan lang.

"Hmm.... Kumain kana ba?"

Pagtatanong ko dito na tingin ko wala namang masama sa tanong ko kase bukod sa di parin ako kumakain. Parang di ko din naman sya nakitang kumain kanina dahil sa dami ng kinakausap nya.

Nakulitan ata sya sa tanong ko at nag-angat ng tingin . This time naman pinatong nya ang baba nya sa balikat ko habang nakaupo parin kami. At dahil nga pinapanood ko ang expression ng mukha nya. Subrang lapit ng mukha namin sa isa't isa na halos nakakaduling na.

"Not yet. Ikaw din right? Di ka nakakain kanina because you're busy dancing with my brother."

Halos mapaawang ang labi ko sa bilis nitong magchange mood. Bumalik sa pagiging seryoso ang mukha nito na para bang di sya ngayon nakikipag biro.

"Zepro..."

Tanging malumanay na pagbanggit nalang sa pangalan nya ang nagawa ko para sana amoin sya. Parang effective naman ng tuloyan na nitong sinubsub ang mukha nya sa leeg ko at parang pusang kinikiskis ang ilong nya dito.

"I was so jealous earlier."

Pag-amin nito na parang nagsusumbong na bata. Ang cute naman pala magselos pero kanina lang yung hindi cute kase nakakapanginig.

"Sorry po"

Malambing sa bulong ko dito hinahagod hagod ko na din ang malambot nyang buhok gamit ang isa kong kamay. He's acting like a child at napakacute nito para sakin.

"Ok lovebirds mukhang ok na kayo. Pasensya na sa abala pero hinahanap na si Zepro ng mga bisita nya."

Biglang pagsasalita ni Tita Sam na kakapasok lang malawak ang ngiti na kina pula ng pisngi ko. Nakakahiya nakita nya kaming magkayakapan. Si Zepro naman ay tila walang narinig at ayaw paring bumitaw sakin.

"Oyyy..."

Pag-agaw ng pansin ko dito kase nag-aantay ata si Tita Sam ng sagot nito. Napatikom ako bigla ng bibig upang pigilan ang pagngiti at mahinang hagikgik dahil nang mag-angat ito ng mukha ay nakanguso ito.

Mr.Grey's ProgeniesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon