Chapter 32

2.9K 92 24
                                    

UNEDITED

Ashley's POV

"Si... si Brix is he.... is he ga-gay?"

Nasundan ng mga mata ko kung paano nya kagatin ang ibabang labi nya para pigilan ang pag tawa na syang kinasimangot ko.

"Zepro Hades Grey."

Madiing pagtawag ko sa pangalan nito agad naman nitong pilit binalik ang dating ekspresyon. Pero ng hindi matiis ay kinabig ako nito at niyakap saka doon tumawa habang nakasubsub sa leeg ko. Wala itong sound pero kita ang pagyugyug ng balikat nito. Ano bang nakakatawa? Mukha ba akong tanga sa pagtatanong ko? Mahina ko syang pinalo sa likod dahil naaasar na ako.

"What if he is?"

Tanong nito matapos akong pagtawanan inirapan ko muna ito ng mag angat ng mukha.

"Ok lang naman. He's still the sweet Brix I know."

Sagot ko dito saka humarap na ulit kung nasaan ang iba. Di lang ako makapaniwala sa nalaman ko kase hindi naman halata sa kanya na alam mo na gay sya. Kita kong nakaakbay si Brix dun sa lalaki na pamilyar talaga ang mukha at mukhang bata pa. Parang mga 16 or 17 something palang at parang nakita ko na sya somewhere.

Naging busy na din kami paglalagay ng mga gamit sa Yate. Actually yung boys lang dahil kaming girls andito lang nanunuod sa kanila. May mga room daw dun na para samin na talaga. I'm sure marami dung rooms sa laki ba naman. Parang kahit bawat Family nila andito kasya parin. Pwede rin dito mag party party ganun.

After namin mag ayos ng mga gamit namin nagpahinga na kami dito sa first sala which is dito sa labas. Dalwang L shape na sofa sya magkaharap na kaya siguro mga 20 tao na maupo. Dahil magkaharap na L shape para square na din sya may pagitan lang sa dalwang sofa para syempre daanan. White yung sofa at black and white naman yung mga unan dun.

Ito ang unang bubungad sayo pagkaakyat mo palang sa yate. Pag umulan naman may bubong ito kase nga may second floor ito. May railings lang din sa tabi para protection siguro.
So yun na nga after namin mag-ayos ng mga gamit kanya kanya munang mundo. Ang boyfriend ko naman kinakausap yung mag ooperate nitong Yate yung magpapatakbo ba. May taga luto at taga linis kaming mga kasama dito. Mga limang katao ata yun bukod pa yung kausap ni Zepro ngayon.

Naupo din muna ako dun sa L Shape na sofa kung saang nakaupo si Ate Tammy habang si Kuya Zymon tulog ata na nakaunan sa hita nya.

"Ate.."

Pagtawag ko dito pero hindi nya ata ako marinig kahit na kunti lang ang space saming dalwa.

"Ate Tammy.."

This time narinig na nya siguro ako pero hindi sya tumitingin sakin.

"Huh? Ano yun?"

Sagot nito without looking at me na parang may pinapanuod na di nya maalis yung mata nya dun. Kaya naman napatigin din ako dun at nakita ko si Brix at yung kasama nyang batang nalalaki na boyfriend nya daw. Nasa kabilang side sila nakadamba sa railings at nag-uusap. Nakaakbay pa si Brix dun sa lalaki na mukhang seryoso din lage pero ngumingiti naman pag si Brix ang kausap.

"Ang cute nila no?"

Medyo napapitlag ako ng biglang magsalita si Ate Tammy. Matagal na din pala akong nanunuod kila Brix di ko namalayan.

"Opo Ate and nakakaproud sila."

Ewan ko basta napapaproud ako sa mga hind nahihiyang ipakilala sa mundo kung ano talaga sila. Kase yung iba diba hindi agad sinasabi kase takot.

"Alam mo ba rare case lang na yung mate mo same sex kayo."

Sabi nito sabang kila Brix parin nakatingin. Ano daw rare case? Diba marami naman talagang bakla na may jowang lalaki? At anong mate mate yun?

"Sinubukan na nilang iwasan yung isa't isa. To the point na nakikipagmake out na sila pareho sa kung sino sinong babae but they end up being jealous and hurt physically and emotionally."

Patuloy na pagkwkwento nito na lalo kung kinalito. Hurt physically? Emotionally pwede pa. Or nagsusuntokan sila pag nakipag make out sa babae? Ano ba?

"They're not gays but willing to be called gays kase yun ang nakatadhana."

Parang kumirot bigla yung ulo ko sa sinasabi ni Ate. They're not gays? Pero ok lang sa kanila na tawagin silang ganun? Baka gays talaga di lang nila pinapahalata.

"Teka nga ate. Anong they're not gays but willing to be called gays? Tapos paano naging rare case sila eh marami namang ganyan talaga. Anong mate mate?"

Sunod sunod na tanong ko dahil gulong gulo na ako. At dahil nga dun saka lang napatingin sakin si Ate Tammy at nanlalaki ang mata nya sabay tinatampal tampal ang sarilin bibig na parang may nasabi sya na hindi dapat. Bigla ding napamulat ng mata si Kuya Zymon bumangon sa pagkakahiga.

Agad nitong pinigilan ang kamay ni Ate Tammy na paulit ulit tinatampal ang sariling bibig.

"They're mate. Soul mate alam naman natin kung paano maglaro ang love bigla ka nalang magugulat."

Pagpapliwanag nito sakin na tama naman sya ang love nakakagulat talaga tulad ng nangyari kay Brix. Pero teka ibig sabihin kanina pa nakikinig si Kuya Zymon? Tsss.. tulog tulogan.

"A, Let's eat."

Biglang pag dating ni Zepro tapos na siguro makipagdaldal dun kaya nagutom.

"Hmm. Sige.."

Sagot ko dito nagtaka lang ako dahil seryosong seryoso ang mukha nitong nakatingin kay Kuya Zymon? Yung parang nag-uusap sa mata kulang nalang magkaroon ng kuryenteng dumadaloy. At si Ate Tammy yakap ni kuya Zymon at nakasubsub sa dibdib nito.

"Ate Tam ok kalang?"

Pero tango lang ang sagot nito without looking na naman. Anong nangyayari? Weird na nga pinagsasabi nya kanina pati ba naman kilos.

"Ganun ba. Sunod nalang kayo samin ni Zepro pag gustom na kayo ha. Gutom na ata eh"

Nakangiting sabi ko sa dalwa na tinangoan lang din ni Kuya Zymon. Anong nangyayari? May mali ba akong nasabi?
Hindi ko na muna ininda yun at tumayo na ako na din ang unang humawak sa kamay ni Zepro.  Parang balik sa normal naman na yung ekspresyon nya di na parang galit.

"Oyy Babe, meet Chester my boyfriend"

Nadaanan namin sila Brix kaya napatigil kami dun. Parang ang awkward naman kase ang seryoso ng jowa ni Brix.

"Babe?"

Patanong na sabi nito kay Brix nako nagselos ata agad. Kaya agad naman itong inakbayan ni Brix at pinisil pa ang isang pisngi.

"Don't be jealous. Ganun ko lang talaga sya tawagin"

Tumango naman ito sa paliwanag ni Brix saka humarap ulit samin. Parang pamilyar mukha nya pati pangalan eh.

"Chester? SSG President ng senior high school?"

Ayun tanda ko na sya yun ang famous na President sa high school kase bukod sa gwapo matalino pa. Kawawa naman mga College na may gusto sa kanya pagnalaman nilang yung gwapong presidente gwapo din hanap.

"Yes"

Tipid na sagot nito na may tipid din na ngiti. Parang di naman pala sya masungit eh.

Mr.Grey's ProgeniesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon