Chapter 29

2.1K 75 4
                                    

UNEDITED

Third Person's POV

Excited na ang girls para sa magaganap na one week vacation nila sa dagat. Binaba na nila Hurri, Chloe at Tammy ang mga dadalhin nilang gamit. Silang lahat ay hindi na nagsiuwi sa bahay nila at sa bahay na nila Flame natulog.

"Where's kuya Zepro po?"

Excited na tanong ni Hurri sa kuya Zack nya matapos nitong halikan ang noo nya dahil kabababa lang nito. Nakabihis na din ito ng white polo ngunit pansing wala pa itong dalang gamit.
Usapan nilang nakawhite silang lahat kaya white long-sleeved ang mga lalaki at white shorts. Ang mga babae naman ay mga nakawhite summer dress.

"Good morning, next time wake me up Chloe"

Masungit na pagbati nito sa nobya bago kinantalan ng halik sa labi.

"Zepro is still sleeping. 5 am na sila natulog ni Ashley"

Pagsagot ni Zack kay Hurri habang sinisimulan ng magtimpla ng kape. Parang lantang gulay na nagbagsakan ang balikat ng mga babae na kanina lang ay excited.

"And how did you know, Mister?"

Taas kilay na tanong ni Chloe sa nobyo saka inagaw ang kutsara dito at sya na ang naghalo ng kape nito. Agad namang yumakap si Zack kay Chloe mula sa likod.

"Nagising ako ng 5 am dahil yung katabi ko matulog humingi ng tubig, Misis"

Malumay na sagot nito sa kina tawa nalang ng nobya.

"Kainis naman si Kuya eh!"

Padabog na nagsisimulang unakyat ng hagdan si Hurri.

"Hey, Hey, What's wrong and where are you going?"

Paghabol dito si Sebastian nakakapasok lang dahil nilagay na nya ang gamit ni Hurri sa sasakyan. Nakasimangot na humarap dito si Hurri kaya di naman napigilan ni Sebastian ang sariling mahinang pisilin ang ilong nito.

"Gigisingin ko si Kuya"

Tila pagsusumbong nito at paghingi ng tulong na kina iling lang si Sebastian at saka inalalayan pabalik sa sofa si Hurri.

"Let him be Sweetheart, ganun talaga sa first night na sinagot ka ng babaeng mahal mo. You can't sleep and you crave for her kaya napupuyat."

Lalong napasimangot si Hurri sa sinabi nito pero tahimik na nagcross arms na lang ito at sumandal sa sofa. Pero agad din itong inakbayan ni Sebastian para maalis ang pagkasimangot.

"At paano mo nasabi yan Kuya? Naging ganun ka ba kay Hurri?"

Tila pang-aasar ni Chloe sa kapatid saka sabay silang naupo ni Zack sa tapat sofa nito.

"Yes, even Zack ganyan din."

Walang alinlangang sagot nito at di umubra ang pang-aasar ng kapatid. Nawala naman ang simangot ni Hurri at saka tumingin sa kuya Zack nya para mag-antay ng sagot ganun din si Chloe.

"Yes that's true, Babe"

Sagot nito na tumango pa sa nobya at dinampiaan ng halik ang ulo nito.

"Not only boys. Admit it girls, hindi rin kayo nakakatulog agad sa kilig"

Sabi naman ng kakapasok na si Zymon kasama si Tammy na naglagay din ng gamit sa sasakyan.

"Hearing the word 'kilig' from you sounds cute Kuya"

Nakangiting puna dito ni Hurri at dahil likas na seloso ang mga ito nakarinig agad sila ng pahinang angil ng pagtutol kay Sebastian. Naagaw naman ang pansin nilang lahat sa pababa ng hagdan na si Zepro at halatang kagigising lang.

"Wow! Thank you for still wearing your pajama Kuya."

Sarkastikong bati dito ni Hurri na kina iling nalang ng isa pa nitong kuyang si Zack. Parang wala lang naman na nilapitan ni Zepro si Hurri ang kinantalan ng halik si Huri sa noo.

"Good Morning. Gigisingin ko lang si A, I'm sure she's still sleeping cause she's not answering my calls"

Paalam nito sa iba na wala nalang nagawa dahil ganun talaga siguro pag inlove ka.

"Mabuti pa mag breakfast na tayo"

Pag-aaya ni Tammy dahil ang plano nila sa byahe nalang mag-aalmusal sana pero mukha di na yun magagawa. Pumayag nalang ang lahat dahil wala silang magagawa para iwas inip na din sa pag-aantay.

Sa kabilang banda naman ay papasok na si Zepro sa kwarto kung saan natutulog ang nobya. Nakalock ang pinto kaya naman tumingin muna sya sa paligid kung may tao bago nya gamitan ng kapangyarihan upang mabuksan ang pinto.

Agad na hinanap ng kanyang mata ang mala anghel na mukha ng kanya Girlfriend. Payapang natutulog ito habang may yakap na unan. Di nya tuloy maiwasang pati sa unan mainggit at magselos.

Naupo sya sa sahig sa tapat nang mukha nito upang masmapagmasdan ito. Parang kahit buong araw nyang panooring natutulog ito ay hindi sya mapapagod.

"Baby..."

Malumanay na paggigising nya dito at bahagyang sinusuklay ang buhok nito. Di nya maiwasang mapangiti ng kumunot ang noo nito.

"Wake up"

Lalong lumalim ang gatla ng noo nito saka bumaling sa kabila na kinatawa nya ng bahagya. Kaya tumayo sya at naupo na sa gilid ng kama. Medyo gising na siguro ang diwa nito at naramdamang may naupo sa gilid nya.

"Saglit lang po antok pa ako, Ma"

Nakaramdam naman ng kunting pagkakonsensya si Zepro dahil tila antok na antok pa nga ang nobya.

"I'm sorry for disturbing your sleep Angel, but you need to wake up. Tulog kana lang ulit sa byahe."

Bulong nya malapit sa tainga nito pero wala itong naging kilos o salita ang buong akala nya ay nakatulog na ulit ito. Pero makalipas ang ilang saglit ay bumalikwas ito ng bangon at agad na hinila ang kumot at tinaas hanggang sa may ilong nito. Mata lang ang makikita dito habang nakaupo medyo gulo din ang buhok nito.

"A-Anong... gi-ginagawa mo dito?"

Nauutal na tanong nito sa nobyo na mayroon paring gulat. Sinubukang tanggalin ni Zepro ang kumot sa mukha ng nobya ngunit nakipag-agawan ito.

"A-ano ba! Di pa ako nagsisipilyo baka may panis na laway pa ako"

Reklamo dito ng nobya saka maslumayo sa nobyo nitong mahinang natatawa sa asal nya.

"Hahaha. You're still beautiful in my eyes"

Medyo natulala naman ang nobya sa gwapong mukha ng kasintahan. Pero hindi parin sya lumapit at di nagtanggal ng harang sa mukha.

"Eehhh... labas ka na ligo muna ako"

Pagtataboy nya dito para na din hindi nito makitang na mumula sya. Para mapadali na din ay walang angal na tumayo ni Zepro upang lumabas. Pero dumukhaw pa sya upang mahalikan ang noo ng nobya bago lumabas.

"Good morning"

Nakangiting huling sabi nito bago tuloyang lumabas upang makapag-ayos na din dahil alam nyang inip na ang kapatid na bunso. Samantalang si Ashley naman ay saglit munang huminga ng maluwag at pinakalma ang dibdib bago nag-umpisang mag-ayus. Meron din syang white na dress na binigay ni Flame kagabi. Lahat naman ng suot nilang girls ay galing kay Flame dahil parang mas Excited pa ito sa kanila kahit hindi naman ito kasama.

Mr.Grey's ProgeniesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon