Chapter 34

1.4K 50 5
                                    

UNEDITED

Ashley's POV

Dun kami pumunta sa gold na pinto siguro dahil kay Zepro ito regalo ni Tay Zeus kaya kanya yun. Pagpasok namin doon ay halos mapanganga ako para kang nasa kwarto ng isang hari may malaking kama na halos kasya ang limang tao.

(A/N: Imagine nyo nalang guys ok said na yung imagination ko. HAHAHA basta yung napapanuod nyong expensive na mga hotel rooms na may gold ang white theme)

"Hun, come here"

Boses antok na tawag sakin ni Zepro nalibang siguro ako sa pagtingin sa buong kwarto kaya di ko namalayang nakaupo na sya sa paanan ng kama.

"Ang ganda naman dito. Sabi ni Cane regalo daw sayo'to si Tay Zeus? Grabe spoiled na spoiled talaga kayong tatlo."

Sabi ko dito habang palapit sa kanya at nililibot parin ang pag tingin sa paligid ng kwarto. Ng makatayo ako sa tapat nya ay kinabig nya ang bewang ko at sumubsob sa tiyan ko.

"Hmm... let's sleep na"

Parang batang ungot nito na bahagya kong kinatawa sinuklay ko pa ang buhok nito gamit ang daliri ko.

"Opo sige. Halika na"

Ako na ang nagkalas ng pagkakayakap nito sa bewang ko at saka nauna ng humiga sa kama. Agad naman syang sumunod at sumiksik sa leeg ko para syang batang naglalambing sa nanay bago matulog. Kahit nakikiliti ako sa mainit na hangin ng hininga nyang tumatama sa leeg ay ramdam ko parin ang antok.

Nagising akong iba na ang pwesto namin kung kanina ito ay nakasubsub sa leeg ko ngayon naman ay ako ang nakakulong sa bisig nito nakaunan sa braso at nakaharap sa dibdib nya. Ang bango bango nya subrang panlalaki ang amoy ang amo pa ng mukha pag tulog.

Dahan dahan akong umalis sa pagkakayakap nya dahil baka magising sya at ng magpagumpay ako'y nakita ko pa ang pagkunot ng noo nito. Haha ang cute nya pinalit ko sa pwesto ko kanina ang isang unan para meron parin syang yakap. Hindi ako agad lumabas at hinanap ko muna ang banyo may dalwa pa kasing pinto na tingin ko ay isa doon ang banyo. Pagbukas ko ng isa ay tumabad sakin ang nakaayus na mga damit at kung ano ano nakita ko din sa isang tabi yung dala kong gamit sa bag.

Sa kabilang pinto naman ako at tama nga ito ang banyo ang laki din dito masmalaki pa sa tinutulogan namin ni mama sa mansyon nila. Ginawa ko na ang dapat kong gawin pero hindi pa ako nagbihis dahil ang usapan ay magpipicture kami mamaya na ganito ang suot at nakaputi kami lahat.

Paglabas ko ay nakita ko si Zepro na nakaupo na sa paanan ng kama tila naalimpungatan yata ito tulala at medyo gulo ang buhok sa ayus nito ay halata mong bagong gising.

"Hey..."

Agaw pansin ko dito na agad bumaling sakin saglit na tumitig ito sakin at saka binuka ang mga bisig nito. Hahaha ang cute nya. Patakbo akong lumapit sa harap nito niyakap agad ako nito sa bewang habang ako ay nakatayo at sya naman ay nakaupo sa paanan ng kama. Nakatingala ito sakin kaya naman nakayuko ako sa kanya para masalubong ang mga mata nya. Seryoso lang itong nakatingin sakin at hindi umiimik.

"Bakit? Ok ka lang ba?"

Pagputol ko sa katahimikan at sinuklay ng daliri ang medyo nagulo nitong buhok. Gwapo!

"I love you"

Napatigil ako sa pagsusuklay ng buhok nya dahil sa bigla nitong sinabi iyun. Uminit agad ang magkabilang pisngi ko at bumilis sng tibok ng puso ko.

"Nambabae ka ba sa panaginip mo?"

Pabirong sabi ko dito at tinaasan ng isang kilay para matago na rin ang pamumula ng pisngi ko. Bahagya naman akong natawa ng umaikot ang mata nito saka tumayo. Hinalikan muna ako nito sa noo bago naglakad papuntang banyo.

"Wait for me"

Bilin pa nito bago sinarado ang pinto kaya naman nag pasya akong ayusin nalang muna ang kamang hinigaan namin. Mabilis lang naman sya ang lumabas din agad saka umakbay sakin habang naglalakd kami palabas.

"Next time wake me up. Don't leave me alone in bed I hate it."

Sabi nito habang naglalakad kami papunta na ulit sa taas. Bumaling ako dito at nakitang seryoso lang syang nakatingin sa daan.

"Sorry alam kong puyat ka din kase saka parang pagod ka kase syempre ikaw umasikaso samin kaya gusto ko sana meron kang sapat na pahinga."

Paliwanag ko dito habang nakatingin na din sa daan ng makita ko sa gilid ng mata ko na nagbaba ito ng tingin sakin ay sinalubong ko ang seryosong tingin nito.

"Sayo ang pahinga ko"

Seryoso sabi nito na kinatigil ko sa paglalakd at dahil nakaakbay sya sakin napatigil din ito. Legit pala talaga yung mga bulating kumikiliti sa tiyan pagkinikilig.

"Eeehhh..."

Napangiti sya sa inakto ko at sa hiya ako sumubsub ako sa dibdib nito rinig ko naman ang mahinang pagtawa nito kasunod ng ilang ulit na paghalik sa ulo ko.
Matapos yun ay hinawakan ko nalang ang kamay nya at nagpatiunang maglakad sya naman ay walang reklamong nagpapahila sakin ang hangang makalabas kami at makarating ulit doon sa sofa kung saan kompleto na silang lahat.

"Kumain na kayong dalwa 3 pm na. You skipped lunch"

Salubong agad samin ni Kuya Zymon sya kase ang pinakamatanda dito samin kaya kuyang kuya talaga ang dating nya.

"Oo nga. Let's take pictures na after!"

Excited na naman na sabi ni Cane na balik na ang pagkahyper dahil mukhang nakabawi na ng tulog. Kaya naman yun na nga ang ginawa namin ni Zepro pansin ko lang na hindi kase masyadong umiimik pareho pero alam yung ok lang kase subra subra na yung presensya nyo para sa isa't isa. Kahit di umiimik andyan naman yung yayakap at hahalik sa noo or sa ulo at pisngi. Nasanay din kase talaga ako na pag si Zepro yung kasama hindi masyadong masalita. Ewan ko para sakin hindi ito boring masmabuti na ito kesa kung ano ano pag-usapan na minsan nauuwi lang sa away.

Bago palang naman kami kaya I'm sure di maiiwasan yung complics and misunderstanding na syang masdapat pag usapan. Nag kwekwentohan naman kami pag may pumapasok sa isip.
After nga namin. Kumain ay nag-aya agad si Cane sa taas kase dun daw muna magtake ng pictures. Mabuti nalang at walang KJ sa boys at game na game din sila. Merong kuha na all boys lang and then all girls meron din couples at ang tulad ni Kuys Tommy, Kuya Max at Brent na walang partner ay may solong Pictures. Meron ding silang tatlo lang na nauwi sa asaran.

READ!!

Hi guys sorry ngayon lang busy kase sa school tapos nagloloko itong cp ko. Saka binalik ko yung Book1 kase parang di ko pa talaga yun kayang pakawalan.
Pasensya talaga!

Enjoy Reading!

Mr.Grey's ProgeniesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon