Chapter 5

6.4K 186 8
                                    

UNEDITED

Third Person's POV

Saglit na lumayo ang mga nakatatanda dahil may pag uusapan silang mahalaga. Iniwan nila ang mga anak sa kanilang table.

Si Zepro ay tila walang balak na pakawalan sa bisig nya si Ashley na ngayon ay humihikab at sumandal sa kanyang dibdib na kinangiti nya.
Pero naramdman nya na hindi lang sya ang nagmamasid dito kaya bumaling sya sa kambal na sila Brix at Brent na parehong nakangiti din kay Ashley.
Pero agad nawala ang ngiti sa labi ng dalwang paslit ng makasalubong nila ang nagbabagang tingin ni Zepro.
Inabala nalang ng dalwa ang sarili sa pagkain ng nasa harapan nila. Sapagkat hindi nila maintindihan si Zepro.

Samantala, si Chloe naman ay nakikipag kwentohan sa pinsan nyang si Tammy. Panay ang hagikhik nilang dalawa dahil sa kwento ni Tammy tungkol sa lalaking pinagtripan daw nito.
Kahit naiinis ang dalwang lalaking katabi din nila pero hindi nagsasalita. Si Zack na napakaseloso at si Tommy na protective sa kapatid nito.

At ang huling dalwang bampira na seryosong nag uusap ay sila Sebastian at Max na parehong tungkol sa school ang laging nasa isip. May kanya kanya silang mundo pero malapit sila sa isa't isa gaya ng kanilang mga magulang.

Nabura lang ang kanya kanyang mundo ng magbalik na ang mga magulang nila na lahat seryoso ang mukha. Maliban kay Flame na umiiyak at kay Zeus na nag-aalala sa lagay ng asawa.

"Kids, Maysasabihin ang tito Sage nyo at tita Mandy."

Panimula ni Blaze kaya natahimik sa kanilang table at inaabangan ang sasabihin ni Sage.

"Tita Mandy's mother is sick."

Panimula ni Sage saka tumingin sa dalwang anak na agad nalungkot ang mukha.

"Sebastian, Clhoe she wants us to be there"

Dagdag nito na tila nag paguho ng mundo ni Chloe na dahan dahang nilingon ang katabi nyang nakakuyom na ngayon ang kamao at may napakadilim sa Aura.

"Zack, Calm down."

Utos ni Zeus sa anak nya sa pagkat nararamdaman nya na kakaiba na ang Aura nito. Katulad ng kanya kapag nagagalit sya.
Hinawakan ni Chloe sa mga hita ni Zack ang kamao nito para pakalmahin ito kahit paano.

"Zack we're sorry. Pero hindi ba at napag usapan natin ito? Bata pa kayo."

Mahinahon na sabi ni Mandy ngunit di maalis sa isip nya ang pagkamangha sapagkat katulad na katulad ito ng ama nito pagnagagalit. Nakakapangilabot.

"How about me mom? I haven't seeing her yet."

Kalmado ang paraan ng pagsasalita ni Sebastian at sumulyap pa saglit sa pwesto nila Flame.

"Mabuti narin yun Sebastian. Para maranasan muna ng magiging anak ni Migs na maging bata. Maglaro ng walang naka bantay sa kanya"

Pahayag ni Matthew na Sumulyap kina Chloe at Zack. Dahil bata palang alam na na magmate sila ay laging nakabakod si Zack sa tabi ni Chloe.

"Huhuhu. Five years kayo dun! Sure ako nakita ko! Whaaaaa. Witch ako hubby."

Umiiyak na sabi ni Flame saka nasubsub ulit dibdib ng asawa.
Wala ng naangal pa ang mga anak nila dahil baka magkasamaan pa ng loob. At iniiwasan din nilang si Zeus ang magsalita. Sapagkat magiging utos ang mahinahong pakiusap.

***

Ashley POV

Hi ako po si Ashley Mamanao 10 na po ako ngayon. Opo 10 na!

"Na-Nay Flame asan po si Kuya Zack?"

Nahihiyang tanong ko kay Nanay Flame na nanunuod ng Barbie. Kakauwi ko lang kase galing school.

Mr.Grey's ProgeniesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon