C1: PANIBAGONG MUNDO

624 34 7
                                    

Gabb's P.O.V

" Bilis bilisan mo naman diyan malelate na tayo." natatawa nalang ako sa dalawang ito. Naka coaster kase kaming lahat papunta sa Baguio City, dun kasi gaganapin ang Garden Wedding nina Gray at Laine.

" Kiss muna bibilisan ko."

" E ngudngud ko yang nguso mo sa manibela eh."

Haaay halos lahat dito sa mga kasama ko may partner. lalo na tung si Eyrez at Mina na nagtatalo. Si Eyrez kasi nagmamaneho ng Mini Coaster.

" Hoy! Baka mabangga tayo niyan eh." Sambit ko

" Chief Sibug, ako nalang po magmaneho." Sambit ni Jehan

" Buti pa nga baka mabangga pa tayo sa kaharutan ng dalawabg toh." Napailing kong sambit

Kaya huminto muna kami at pumalit si Jehan sa pagmamaneho. Okay mas lalo akong naiinis, pano ba naman kase.

Tatay Jace at Nanay Sheki, Eya at Zeus, Coleen at Brei, Omar at Ice, Eyrez at Mina. Okay Gabo tanggap ko na Nag-iisa lang ako, NAG-IISA PALANG AKO!

" Nak! Ayos ka lang?." Sambit ni Tatay Jace

" Opo Tay, Ayos lang talaga." Sambit ko, natawa naman sya. Tatay tawag ko sa kanya pag outside ng duty.

" Hitsura ng Ayos Ate Gabo." Sambit ni Zeus kaya binato ko siya ng Empty Can ng Coke

" Hayaan niyo na yan si Gabb, may MAJOR problem lang yan." Pang-aasar ni Ecka, Oo na Oo na, namimiss ko lang talaga siya. babalik pa kaya talaga yun? Isang taon na mahigit di ko pa siya nakakausap.

Di ko nalang sila pinansin, kinabit ko earphones ko at nagpatugtog ng music habang tinatanaw ang litrato ng Mayora ng puso ko.

I miss you so much Rai, asan ka na ba? I'm longing for you

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.


I miss you so much Rai, asan ka na ba? I'm longing for you. sabi mo diba babalikan mo ako? Nasan ka na? Handang handa na ako eh.

" Miss na miss niya talaga si Ate Major." Sambit ni Eya na sumisilip pala kaya agad kong binulsa phone ko

" Sus Dad huli na you hahahaha. babalik yun Dad. and when she comes back, don't ever let her go na talaga." Sambit ni Eya

" Nak, pormahan mo agad pagbalik." Natawa naman ako sa sambit ni Tatay Jace

" Oo nga Gabo, Itali mo na agad." Sambit ni Omar

" Mga baliw talaga kayo. liligawan ko pa yun noh?." Sambit ko

" Sus, sa tagal ng hinintay mo? wala ng ligaw ligaw, sunggab agad." Buang talaga toh si Sibug kahit kelan, buti nalang wala dito si Brual dahil mabubugbog na naman ako sa pang-aasar ng Tatlo.

Nakarating na kami sa Venue, isa siyang private lot. Garden Civil Wedding kase siya.

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.
HEART ARREST II (PAGSUKO O PAGSUGAL?)Onde histórias criam vida. Descubra agora