C3: SAF:SULONG 2.0

251 23 3
                                    

Gabb's P.O.V

" uulitin ko Former Major Guia, Kilala mo ba ang lalaking nasa litrato?."

Nakatingin lang ako kay Rai na nakatitig pa rin sa picture at umiiyak..

" A-Ang aking ama."

" Police Lieutenant Colonel Marselo Antonio Guia, isa sa pinakamatapang na pulis noon. Taong 2003, Namuno siya upang iligtas ang daang-daang bata sa kamay ng mga sindikato. sa tulong na rin ng isang batang naging pain sa kamay ng mga sindikato noon kasama ang kasing edad din niya na bata. Ang misyon na ito ay naging matagumpay, na e uwi sa kanya kanyang mga bahay ang mga biktimang bata pati na rin ang dalawang batang naging pain."

Bigla akong napalapit sa gitna upang titigan ng maigi ang litrato ng ama ni Marsela.

" Ang dalawang batang ito ay sina Ella Avril Amat at ang SAF:Sulong Police Major, Gabrielle Keith Skribikin."

Nagkatinginan kami ni Rai, naalala ko na yung ama niya, siya yung pulis na sinabihan kong paglaki ko magiging tulad niya ako

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nagkatinginan kami ni Rai, naalala ko na yung ama niya, siya yung pulis na sinabihan kong paglaki ko magiging tulad niya ako. Nakatingin lang si Rai saken na wala pa ring tigil sa pag-iyak.

" I-Ikaw yu...yung ba-batang yun?." Nauutal niyang sambit habang umiiyak.

" Former Police Major Guia, Lubos pa rin naming ipinagmamalaki ang katapangang ipinamalas ng iyong ama. Na dahil na rin sa napakadelikadong misyon na ito, ay nasawi siya. Isa sa tinitingala sa pagiging tapat at maprinsipiyo." Sambit ni Tatay Jace

" Ba-Bata palang po ako hinahangaan ko na ang aking ama, pero hindi kelanman pumasok sa isip ko na magiging pulis ako. hanggang sa masawi nga siya dahil sa madugong engkwentro ng mga sindikato, dun ko nakita na ako ang magpapatuloy sa naiwan niya, at nagkaroon na rin ako ng lakas ng loob na magpupulis ako." Sambit ni Rai

" Ngayon, alam kong sobra kang ipinagmamalaki ng iyong ama Former Major Guia, at dahil na rin sa serbisyo mo ng katapatan at katapangan, By the power vested in me as the Police General, I am now appointing you as the Police Lieutenant Colonel of SAF:Sulong!."

Palakpakan at hiyawan, pero ako heto nakatingin lang sa kanya, I am so proud of you My love, Naalala ko ang una nating pagtatagpo noon sa Barracks, isang singkit na siga pero iyakin, that's what you are, ikaw yung pinaka seryoso at pursigido sa aming lahat, kaya naman nailuklok ka para maging Police Major ng SAF:Sulong. Ngayon gaya ng iyong ama, ikaw na ang Police Lieutenant Colonel at natitiyak kong makakaya mo rin ito at pinapangako kong nandito lang ako lagi sa tabi mo.

Rai's P.O.V

Papa, heto na nakuha ko na yung posisyon mo dati. Papa salamat kase never mo akong pinabayaan. Mahal na mahal kita Papa ko.

" I now present to you, Police Captain Eyrez Ericka Sibug, Police Major Gabrielle Keith Skribikin and Police Lieutenant Colonel Marsela Rai Guia. Ang pangunahing mamumuno sa SAF:Sulong 2.0, siyempre sa gabay ko at ng mahal na Pangulo. MABUHAY ANG SAF: SULONG 2.0!."

HEART ARREST II (PAGSUKO O PAGSUGAL?)Where stories live. Discover now