C15: THE FINALE (PART 1)

270 29 4
                                    

Rai's P.O.V

Ito pala ang yun, simple lang siya actually pero nakakagaan ng loob, pakiramdam ko nawawala lahat ng mabibigat sa loob ko. pumasok ako sa loob, ngayon alam ko na kung bakit tinawag siyang Honesty Restaurant dahil walang nagbabantay dito, nakaplastada lang lahat ng mga tinda at may area kung saan mo ilalagay ang bayad, talagang ang tindi ng tiwala ng mga tao dito, Ang galing. 

" Sese?." napalingon ako at nabigla sa panauhin

" Ga-Gabrielle? Anong ginagawa mo dito?." Sambit ko

" Sinusundan ka. Bakit ka nandito?." Sambit niya at lumapit saken.

" Kwento kwento kasi kanina yung tungkol dito sa restaurant nato. Ang astig kase walang nagbabantay, talagang matetest yung honesty mo pag bumili ka dito." Sambit ko

" Yun din sabi ni Tay Jace, na pag may nais ka rin daw malaman sa isang tao o may mga katotohanan kang nais mong mabigyang sagot, magtungo ka daw dito." Sambit ni Gabb

" Yes! Ba't di mo dalhin yung babaeng mahal mo dito, at dito mo tanungin hahahaha. suggestion lang naman." Sambit ko at umupo sa bench, tumabi naman si Gabb saken

" Nauna na nga siya dito eh." Natigilan ako sa sinabi niya at napatingin ako sa kanya

" A-anong? nauna? Si Ella? nauna dito?." Pagtataka ko at hinahanap ng paningin ko si Ella

" Hindi, si Marsela." Sambit niya at hinawakan ang kamay ko, ang lakas ng tibok ng puso ko teka lang Gabb? ano na naman toh ha? 

" Gabb, hindi toh panahon ng biruan at pakikipaglaro." Sambit ko at inalis ko kamay ko saka tumayo

" Marsela, kaya nga diba? kase ang lugar na ito ang maguudyok saten na sabihin ang totoo, at sinasabi ko ang totoo, Mahal pa rin kita Sese, magulo Oo sobrang gulo kahit ako gulong gulo talaga, pero totoo sinasabi ko, I still love you, I love you so much!." Sambit ni Gabb, bumagsak ng kusa ang mga luha sa mga mata ko

" Pwede ba Gabb? Be firm with your decisions? hindi na tayo mga bata Gabrielle. Grow up with your thinking!." Sambit ko

" Kaya nga, and I guess sa lahat ng naging desisyon ko maliban sa pagpili ko sayong mahalin ka and muling ipaglaban ka ang naging pinaka mature na desisyong ginawa ko." Sambit niya

" Umamin ka rin sa wakas Akin, este Gabb." Napalingon kami at nanlaki ang mata naman sa pagsulpot ni Ella

" E-Ella? anong umamin?." Pagtatanong ko

" Mabuti na ring nandito ka Ella, nang sa ganun magkaalaman na." Sambit ni Gabb

" Marsela, ikaw pa rin ang mahal niya. siguro masyado lang siyang na overwhelmed sa biglaan kong pagbabalik." Sambit ni Ella na umiiyak

" Ang totoo niyan, I was so guilty sa lahat ng nangyari sayo Ella, from all your sufferings, sinisi ko ang sarili ko kaya nung bumalik ka inako ko lahat and I've mistaken attachment with love." Sambit ni Gabb

" Teka lang, Ella ikaw ang mahal ni Gabb, sabi pa nga niya saken diba na you're her one great love? ano bang trip mo Gabrielle?." Naiinis kong sambit

" One time nahuli ko syang naglasing at bukambibig niya pangalan mo Marsela. I caught her staring sa wedding photo niyo which i though na tinapon na niya, pero tinago niya lang pala. Yung matindi niyang pag-aalala sayo, yung pag may pinupuntahan kaming lugar gaya ng restaurant sabi niya naging fevorite niya rin ito kase mahilig kayong pumunta dun, yung halos sa mga pag-uusap namin di ka nawawala. Lahat yun tiniis ko at nagpatay malisha ako kase naniwala akong ako ang mahal ni Gabb, pero habang tumatagal mas lalo akong sinasampal ng katotohanan na sana di nalang ako bumalik para di ko kayo masira, nadamay pa ang anak niyo." Sambit ni Ella na walang tigil sa pag-iyak, di naman ako makapaniwala sa mga sinabi ni Ella saken, pero teka ang gulo talaga

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 02, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HEART ARREST II (PAGSUKO O PAGSUGAL?)Where stories live. Discover now