CHAPTER 3

27 2 0
                                    

Friday na today everyone hahaha ako pa rin ito Amaris Chandra at your service, charot hahaha kakagising ko lang din.

Masarap ang naging tulog ko. Nandito ako ngayon sa kusina nagtimpla ng kape. Nagpahanda na din ako ng almusal para sa amin ni Luan. Nasa guest room pa din siya natutulog.

Nang nakapaghanda ng almusal umakyat ulit ako para gisingin si Luan. Kumatok muna ako bago pumasok sa guest room.

"Bab, gising na, good morning" ngumiti ako sa kanya ng dumilat na ang mata niya.

"Almusal na tayo, wala na sila mom and dad, maagang umalis, si ate pumasok na, tara na baba na tayo." Dagdag ko pa.

"Good morning din bab." Tumango-tango pa siya. Bumangon na siya at pumasok sa CR para maghilamos.

Inantay ko na lang siya para sabay na kaming bumaba. Nang matapos na siya ay bumaba na kami sa dining area para makakain na at maumpisahan na yung decoration.

Kasalukuyan kaming kumakain at nagkwekwentuhan. Napag-usapan din namin si R, balak namin itong tawagan mamaya habang nagdedecorate.

Pagkatapos namin kumain ay umakyat na kami para maligo. Pumunta na si Luan sa guest room para doon na maligo.

Pumili muna ako ng susuotin kong damit para kahit papaano ay mapreskuhan ako.

Napili ko ang black kong sando at pinartneran ko ito ng sweatshort, pagkatapos nun ay naligo na ako. Saglit lang akong naligo.

Paglabas ko ay nagulat ako dahil nandoon na si Luan nakaupo sa kama habang nagseselfie siya. Nibun ko ang buhok ko at nagmukha itong messy bun . Naka messy bun din siya. Tinawag niya ako at inayang magselfie.

Nag picture kaming dalawa ng napakarami at tawa kami ng tawa sa itsura naming dalawa sa isa naming picture.

Kinuha ko na sa kwarto ni ate yung pang decoration, yung mga lobo naman ay sa Saturday na ng hapon papalobohin.

Ang kinuha ko lang ay yung silver curtain at iba pang mga pwede ng ipangdecorate. Pinakuha ko na din kay Luan ang mga Cartolina, glue, gunting, crepe paper, colored paper at sticks na gagamitin na nakalagay sa kwarto ko.

Pagkatapos ay bumaba na kami, nagpatulong naman kami sa mga kasama namin sa bahay na kunin ang mga kurtinang ginagamit tuwing may okasyon.

Nandito na kami ni Luan sa may gazebo sa garden, malawak ang gazebo na ito. May lamesa at mga upuan dito dahil minsan kapag may meeting o bisita sila dad at mom at dito sila nagpupulong.

Nang nakuha na ang mga kurtina ay nag-umpisa na kaming magkurtina. Nagpatugtog naman si Luan para hindi masyadong tahimik.

Nagpakuha din ako ng mga vase na paglalagyan ko ng gagawin kong bulaklak at mga pangsapin sa upuan at lamesa. Ang kulay ng kurtina ay sky blue dahil favorite ito ni kuya nilagyan din namin ito ng white na curtain sa taas na parang alon. Nang matapos kami magkurtina ay pinalabas ko din yung ginagamit namin na mini-stage na pinagawa ni daddy para magamit tuwing may okasyon.

Pwinesto ko ito malapit sa pool. Dahil ang gazebo namin ay pinagitnaan ng pool at garden. Tinalian ko ang Kurtina na nagtatakip para makita ang pool.

Nang matapos kami sa mini stage ay nagpahinga kami saglit ni Luan. Pumasok muna kami para kumain, tanghalian na pala hindi namin namalayan.

"Nanay Meg? may pagkain na po ba?" Tanong ko sa mayordoma namin sa bahay. Nanay ang tawag ko sa kanya dahil siya ang nagbabantay sa amin dati pag umaalis sila mom and dad.

"Oo nak, meron na, umupo na kayo dyan at ipaghahanda ko na kayo." Nagpa-salamat kami at sumunod kami ni Luan.

Kumuha na kami ni Luan ng plato, kutsara at baso. Inilabas na ni Nanay Meg ang kanin at ulam na Tinolang Manok. Pinagtimpla niya naman kami ng Mango juice at nilagyan ang aming mga baso.

CHANDRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon