AMARIS CHANDRA'S POV
"Bro, please help me, ilapit mo ako kanila mom at dad, gusto ko silang makita" pakiusap ni kuya Aero kay Paul.
Kadadating lang namin dito sa bahay pero iyon agad yung pakiusap ni kuya Aero.
He really wanted to see our parents.
Agad kaming sinalubong ni ate Yvaine at kuya Melvin.
"Kuya, kamusta ang pakiramdam mo?" Bungad na tanong ni ate Yvaine.
"I'm fine, Yvaine. Punta na tayo kanila mom at dad." Sagot ni kuya Aero.
Nanatili lang na tikom ang bibig ko, hindi ko alam kung ano ang pwede kong sabihin.
Sinamahan nila si kuya Aero na lumapit sa kabaong nila mom at dad. Hindi na ako masyadong lumapit at nanatili na lang ako sa gilid ng gazebo.
Umiiyak na si kuya Aero at ate Yvaine, nanatili lang akong nakatingin sa kanila at pinipigilan ang aking sarili na hindi umiyak dahil kailangan nila ng masasandalan.
Maya-maya pa ay dumating na din si Luan kasama ang magulang niya at ang kapatid niya na si Aster Roi.
Ako na ang sumalubong sa kanila. "Salamat po sa pagpunta tita Lanny at tito Josh, salamat din Luan at Aster Roi. Upo po muna kayo"
"Condolences from my family, iha" sabi ni tito Josh.
Niyakap naman ako ni tita Lanny and she whispered "Everything is happened with a reason, anak"
Tango na lang ang naisagot ko kay tita Lanny. Sinamahan ko muna sila sa gazebo dahil gusto daw nila makita sina mom at dad.
Dumating na din si ate Alexandra, dumiretso siya sa tabi ni kuya Aero para alalayan din ito.
Ilang saglit pa ay nilapitan kami ni nanay Meg, "mga anak, nandyan na ang mga kapatid ng mommy niyo, ang tito Hanz at ang tita Marie niyo, kasama ng tito Hanz niyo ang asawa at mga anak niya."
Matapos sabihin iyon ni nanay Meg, ay lumabas mula sa kusina sina tito Hanz at tita Marie.
Maga na ang mga mata ni tita Marie, marahil ay kanina pa siya umiiyak bago pa makarating dito sa bahay. Si tito Hanz naman ay napayuko at nag-umpisa ng tumulo ang mga luhang kanina niya pa siguro pinipigilan.
Mabilis na lumapit si tita Marie sa kabaong nina mom at dad, nakasunod din si tito Hanz sa kanya.
Ang asawa naman ni tito Hanz na si tita Vixcienne ay umupo na muna kasama ang kanilang dalawang anak, isang lalaki at isang babae.
YOU ARE READING
CHANDRA
Short StoryStart: February 2021 End: July 2022 The Story of a Selenophile Sa likod ng kanyang mabuting pagkatao ay may natatagong galit na lumalabas sa tuwing nasasaktan ang malalapit sa kanya.