AERO ZEUS' POV
Nakita ko na ang pagpasok nila Chandra at Luan, ngayong araw na uumpisahan ni Paul ang kanyang panliligaw sa aking kapatid, nagpaalam kami sa dean na gagamitin namin ang kalahati ng court, pumayag naman sila dahil wala namang klase at puro requirements lang ang inaasikaso.
Pagkapasok nila ay sumunod na ako sa loob at binigyan ko ng signal si Yvaine para patayin na ang ilaw. Nang mapatay na ni Yvaine ang mga ilaw ay narinig ko na nagulat si Chandra.
Lumapit ako sa kanila at bago pa man mahila ni Chandra si Luan para kapitan ay nakapagpalit na kami ng pwesto ni Luan.
Naglalakad na kami papunta malapit sa ring ng basketball. Ilang minuto pang hindi bumubukas ang ilaw.
Binigyan ko naman ng signal si Luan para ayusin na ang mga kinuntsaba namin. Daldal lang ng daldal sa tabi ko si Chandra hanggang sa bumukas ang ilaw kung saan kami nakapwesto, nagulat naman siyang napatingin sa akin.
"Kuya Aero? Anong ginagawa mo dito? Si Luan yung kasama ko dito kanina ah." Nginitian ko lang siya at hinalikan sa noo.
"I love you, our bunso." Pagkasabi ko noon ay nag-umpisa ng kumanta si Paul habang naggigitara, nasa bench siya nakaupo, at kasabay noon ay ang paglalaglag ng mga kurtina na kinabit sa mga gilid kanina at tuluyan ng lumiwanag. Kinanta niya ang "gitara" ng Parokya ni Edgar.
Napatingin sa akin si Chandra at nagtatanong ang kanyang mga mata.
"Bakit pa kailangang magbihis?
Sayang din naman ang porma
Lagi lang namang may sisingit
Sa t'wing tayo'y magkasamaBakit pa kailangan ang rosas?
Kung marami namang mag-aalay sa 'yo
Uupo na lang at aawit
Maghihintay ng pagkakataonHahayaan na lang silang
Magkandarapa na manligaw sa 'yo
Idadaan na lang kita
Sa awitin kong ito
Sabay ang tugtog ng gitara
Idadaan na lang sa gitara""Ano ito kuya?" Kinakabahan niyang tanong. Nginitian ko lang siya at nanatili lang kaming nakatayo doon. Nakikinig na lang kami ngayon kay Paul habang kumakanta.
"Mapapagod lang sa kakatingin
Kung marami namang nakaharang
Aawit na lang at magpaparinig
Ng lahat ng aking nadaramaPagbibigyan na lang silang
Magkandarapa na manligaw sa 'yo
Idadaan na lang kita
Sa awitin kong ito
Sabay ang tugtog ng gitara
Idadaan na lang sa gitaraPagbibigyan na lang silang
Magkandarapa na manligaw sa 'yo
Idadaan na lang kita
Sa awitin kong ito
Sabay ang tugtog ng gitara
Oh-oh-oh-oh
Idadaan na lang
BINABASA MO ANG
CHANDRA
Short StoryStart: February 2021 End: July 2022 The Story of a Selenophile Sa likod ng kanyang mabuting pagkatao ay may natatagong galit na lumalabas sa tuwing nasasaktan ang malalapit sa kanya.