Dalawang Linggo na ang lumipas simula nung pumunta kami sa birthday ni ate Nathalia. Wala namang nabago samin ni Paul, ganun pa din naman kami.
Alam na din ng family and friends namin na kami na at tukso lang ang narinig naming parehas. Nako hahaha.
Malapit na din ang pasukan, kaya naman magiging busy na ulit kami, tuloy pa din ang gun practice namin, minsan ay isinasama na namin sila Patrick at Luan para manood sa amin.
"Bab, punta tayo National Bookstore mamili na tayo ngayon ng mga gagamitin natin, one week na lang pasukan na ei." Pag-aaya ni Luan.
Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa bahay at nagmo-movie marathon. Kami lang ang nandito sa bahay at sila Nanay Meg. Pumasok na sila mom, dad, at kuya sa company. Habang si ate Yvaine ay sinama ni kuya Melvin, at saan sila pumunta? Yun ang hindi ko alam hahaha.
"Sige pwede din, ngayon na ba?" Tanong ko sa kanya. Tumango lang siya. "Dito ka lang, aakyat lang ako sa taas para magbihis." Paalam ko sa kanya.
Pag-punta ko sa kwarto ko ay saktong nagring ang phone ko. May tumatawag.
Si Paul.
Agad ko naman itong sinagot.
[Hello, my moon.] Bungad niya.
[Hi Polaris, napatawag ka?]
[Namimiss kita eh, bawal ba ako tumawag babe?]
[Miss agad hahaha, Polaris, katawagan mo lang ako kaninang umaga, remember? By the way, how is your day?]
[Basta miss na kita, my moon. Okay lang naman medyo nakakapagod lang and medyo busy.]
[Kumain ka na ba ng lunch? Huwag kang magpapagutom ha.]
[Opo, love, katatapos ko lang kumain. Ikaw ba, kumain ka na?]
[Done na din, sabay kami ni Luan. Nandito siya kanina pang umaga. Nag movie marathon kami. Polaris, aalis nga pala kami ni Luan, pupunta kami National Bookstore ngayon, mamimili kami ng gamit para sa pasukan.]
[Gusto mo bang samahan ko kayo?]
[Hindi na po, unahin mo muna yung para sa future mo, okay?]
[Correction my moon, it is for our future hahaha. Sige, basta update mo ako ha. Call me if you need me there. Pupunta agad ako.]
[Opo na po, Polaris]
[Sige na tatapusin ko na din yung ginagawa ko dito. Ingat kayo ha, I love you my moon. Bye]
[I love you too, Polaris. Bye bye.]
End Call...
Nang ibaba ko na ang tawag ay saka na ako nag-umpisang magpalit ng damit. Pinili ko lang magsuot ng komportableng damit.
T-shirt na plain yellow at denim na shorts. Pinartneran ko ito ng rubber shoes na kulay white.
Sinuklay ko na din ng maayos ang buhok ko. Binitbit ko na yung sling bag ko at nilagay doon ang cellphone at wallet ko. Bago lumabas ng kwarto ko ay kinuha ko na din ang susi ng kotse ko, iyon na lang ang dadalhin namin ni Luan para mailagay namin ang aming bibilhin.
BINABASA MO ANG
CHANDRA
Short StoryStart: February 2021 End: July 2022 The Story of a Selenophile Sa likod ng kanyang mabuting pagkatao ay may natatagong galit na lumalabas sa tuwing nasasaktan ang malalapit sa kanya.