AMARIS CHANDRA'S POV
Good morning sa inyo, nandito ako ngayon sa pool at lumalangoy, alangan naman lumilipad hahaha charot. Kanina pa ako nagising mga 7 AM, dahil Saturday ngayon ay mahaba ang naging pahinga ko. Nakapagjogging na din ako dito lang sa loob ng village namin.
Ako at ang mga kasama namin sa bahay lang ang naiwan dito sa bagay. Wala pa din sila mom and dad, nasa France pa din sila, pero lagi silang tumatawag. Si kuya Aero naman ay pupunta daw sa gym kasama sila Paul at Patrick. Si ate Yvaine naman, nagpaalam na pupunta daw siya sa gun practice.
Nag-chat ako kanina kay Luan kung free siya today, but she said no, kasi isasama daw sila nila tito at tita sa San Fernando, La Union to visit their grandparents. So, aantayin ko na lang si Paul mamaya kasi magde-date daw kami.
Umahon na ako sa pool at tinignan ang oras, its already 10:20 AM. Kaya naman pumasok na ako sa bahay para makapagpalit na ako ng damit. Nagsuot na muna ako ng bathrobe
"Nak, magbihis ka na, tumawag ang kuya mo, nagpapahanda siya ng lunch kasi pupunta daw dito si Paul." Sabi ni Nanay Meg habang nakangiti. Ang aga naman niyang papuntahin si Paul, grabe ka talaga kuya.
"Sige po nay, aakyat na po muna ako sa kwarto para makapagbihis na po ako." Sagot ko kay Nanay Meg at dumiretso na sa taas.
Pumasok na ako sa kwarto ko at naghanda ng masusuot kong pamalit. Nang makapaghanda na ako ay dinala ko na ito sa banyo. Nagbanlaw muna ako bago ako nagpalit ng damit.
Lumabas na ako ng banyo at umupo ako sa upuan na nakaharap sa salamin. Kinuha ko ang blower ko at nagpatuyo na ako ng buhok ko. Nang matuyo na ay itinali ko ito ng messy bun.
Naglinis muna ako ng kwarto ko, hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung saan ipupuwesto ang human size na teddy bear na niregalo sa akin ni kuya.
Binago ko ang ayos ng kwarto ko para magmukhang mas maluwag. Nang makahanap ako ng space ay nilagay ko ang niregalo ni kuya sa tabi ng sofa ko dito sa loob ng kwarto.
Nang matapos akong mag-ayos dito sa kwarto ay umupo muna ako sa kama ko, binuksan ko ang speaker ko at nagpatugtog ng nightcore songs.
Nagulat ako nang may kumatok sa kwarto ko. Hininaan ko ang speaker ko. "Bunso namin? Are you done?" Tanong ni kuya Aero. Si kuya lang pala. Anong oras na ba? Ang bilis naman ng oras mag 12:30 na pala, kung sabagay, naglinis kasi ako ng kwarto kaya hindi ko namalayan ang oras.
"Pasok ka po kuya." Pagkasabi ko nun ay bumukas ang pintuan. Pumasok si kuya at hinayaan niya lang nakabukas ang pinto ng kwarto ko.
Pagpasok niya ay nagulat siya sa hitsura ng kwarto, pinalitan ko din kasi ang kurtina ko. Kung noong nakaraan ay kulay pink, pinalitan ko naman ito ng light blue at purple ngayon.
"Nagbawas ka ng gamit mo, Chandra? Naging maluwag, huh." Tanong ni kuya Aero sa akin. Mukha ba akong nagbawas?
"No po kuya, pinaglilipat ko lang po ng lugar yung mga gamit hahaha ayos ba kuya?" Ngisi kong sabi kay kuya.
"Yeah, better. Maglagay ka ng damit mo sa backpack. Dalawang Tshirt at dalawang bimpo. Bring your powder also." Utos sa akin ni kuya. Bakit niya ako pinapaimpake? Sinunod ko naman siya.
"Bakit kuya? Saan mo ako papupuntahin?" Tanong ko kay kuya Aero.
"Pinaalam ka sa akin ni Paul, gabi na daw kayo makakauwi kaya pinapadala kita ng extra damit mo, para kung sakaling pawisan ka." Sagot sa akin ni kuya. Tinanguan ko na lang siya. Nilagay ko din sa bag ko ang DSLR camera Nikon D7500 ko. Malay mo maganda puntahan namin hahaha.
BINABASA MO ANG
CHANDRA
Short StoryStart: February 2021 End: July 2022 The Story of a Selenophile Sa likod ng kanyang mabuting pagkatao ay may natatagong galit na lumalabas sa tuwing nasasaktan ang malalapit sa kanya.